Jessa's POV:
Kyaa~
Its now 4:30 am. Ang aga ba ng gising ko?
Maaga talaga akong gumising dahil kailangan ko pang magluto ng pagkain namin ng kapatid ko dahil ko lang ang nag aasikaso sa kanya sa pagpasok niya sa school. Hindi pa luto yung sinaing kaya umupo muna ako sa may sala.
Sobrang saya ng umagang ito para sa akin. Syempre hindi ko inaasahang magiging magkaibigan kami ni Bryle. Dati tagahanga niya lang ako pero ngayon, finally, alam niya na na nag eexist ako. Hahaha, teka ano yun? Amoy--
Nasusunog na yung sinaing ko!? Pumunta agad ako sa kusina at tiningnan kung anong nangyari sa niluluto ko. Sa kabutihang palad hindi naman ito masyadong nasunog. Hahaha
Ginising ko na si Joshua para makakain na kami. Pagkatapos ng halos isang oras ay nakaready na kami para pumunta sa school. Medyo may kabagalan kasing kumilos ang kapatid ko.
Hinatid ko muna siya sa school nila at pagkatapos ay pumunta na ako sa campus.
5:30 na nang makarating ako, maaga pa kung tutuusin. Sanay na din kasi akong pumasok ng ganitong kaaga. Halos wala pang tao kalimitan kasi mga 6:15 to 6:30 pumapasok ang mga estudyante.
Napansin ko ang isang lalaki na nakatayo sa may pinto ng classroom namin. Medyo madilim pa kaya hindi ko maaninag kung sino. Dahan dahan akong lumapit sa kinatatayuan niya.
"Pssstt!!" tumindig ang mga balahibo ko. Wala naman ako sa isang horror film diba?
"Hah?"
"Ako to! Si Bryle! Ang bilis mo namang makalimot!" hay nakom akala ko naman kung sino.
"Ay ikaw lang pala yan! Kakanerbyos ka naman!" sabi ko sabay tapik sa braso niya.
"Ahm, pwede ba kitang makausap?"
"Hah? tungkol san?"
"Wag tayo dito.." hinablot niya ang braso ko at hinila ako papunta sa kung saan bago pa man ako makapagreact.
Dinala nya ako sa may science lab. Medyo kinabahan tuloy ako, ganon ba talaga yung ka-importante?
Hashtag ilovescience ba ang drama neto sa buhay at talagang dito pa namin kailangang mag usap? Wala pang tao sa loob ng laboratory. Wala naman kasing nagpupunta dito ng ganitong kaaga, kalimitan 8:30 napasok yung mga teachers dito.
"Bakit? Gaano ba yon ka importante at kaylangan pang dito tayo mag usap?" - tanong ko.
"Jessa, pwede bang humingi ng favor?" - nagtanong din siya pabalik.
"Hah? Anong favor?"
"Pwede ka bang magpanggap bilang girlfriend ko?" - pakiusap niya.
WAIT A MINUTE KAPENG MAINIT. Girlfriend? As in magiging girlfriend ako ni Bryle? Girlfriend talaga? Paulit ulit lang te?
"Pero, may girlfriend ka na diba?" - nalilito ako sa mga nangyayari.
"Yup. Long story. I caught her cheating and I want to make a revenge. Basta I need you to pretend as my new girlfriend." - paliwanag niya.
"Bakit naman ako? Madami pa namang iba diyan." feel na feel naman ng lola niyo. Hays. Madami naman kasi talagang iba, yung sasakay sa trip niya, yung kalevel niya mga ganon? Mas marami pa akong bagay na dapat asikasuhin kaysa magpanggap na girlfriend nitong mokong na to.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...