Chapter 35

3.7K 82 0
                                    

Jessa's POV




Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog sa kaiisip ng sinabi sa akin ni Natasha kahapon.









***FLASHBACK***






Iniwan ko na sina Natasha, Darryl at Bryle sa loob ng restaurant. Gulong gulo ako sa lahat ng nangyayari. Wala akong maintindihan. Kahapon lang sabi sa akin ni Bryle asawa niya si Natasha tapos ngayon hindi pala natuloy ang kasal nila. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.



"Jessa, wait!"


Napahinto ako sa paglalakad at napalingon. Nakita ko si Natasha, sinundan niya ako.


"Mag usap tayo, please?"


Mukha namang importante talaga yung sasabihin niya kaya niya ako hinabol. Naglakad lakad kami hanggang makarating sa isang public park di kalayuan sa may french restaurant.


"Jessa, sana naman wag ka ng magalit kay Bryle. Totoo ang lahat ng sinabi niya kanina."


"Pero sinabi niyo sa akin na kasal na kayo diba?"


"Ginawa lang namin yon para pagselosin ka Jessa. Gusto niya kasing malaman kung may feelings ka pa rin para sa kanya." - paliwanag sa akin ni Natasha.

"Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko."


"Alin man sa mga nalaman mo ang gusto mong paniwalaan, isa lang ang katotohanan. At iyon ay ang pagmamahal sa iyo ni Bryle. Mahal na mahal ka niya Jessa, mula noon hanggang ngayon."




Ayoko ng marinig ang mga yan. Ayoko ng makarinig pa ng kasinungalingan. Pumunta ako sa America at nag aral. Kasabay non, ipinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na si Bryle. Tumayo na ako mula sa bench at naglakad palayo. Natigilan ako nang biglang magsalita si Natasha.



"Jessa, aalis na si Bryle bukas. Pupunta na siya sa U.S. Sana makapag desisyon ka na bago pa mahuli ang lahat."



Napalingon ako sa kanya. Ngumiti kang siya sa akin at naglakad palayo. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng park at iniisip ang mga sinabi niya.





***END*OF*FLASHBACK***












Hindi ako makapag isip ng ayos. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. 12:05 na ng madaling araw. Ilang oras na lang ang mayroon ako. Anong gagawin mo Jessa?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Carla. Kung sa Who Wants To Be A Millionaire nga kailangan ng call a friend syempre sa totoong buhay din.



"Hello Carla?"

"Oh Jess, napatawag ka?"

"Magkita tayo sa may 7/11 malapit sa bahay namin. Ngayon na."

"Hah? Anong oras na oh? Pero sige pupunta na ako "

"Sige iintayin kita. Bye."




Nagpalit ako ng damit saka lumabas ng kwarto. Tulog na siguro sina Josh at Lolo. Nakita ko yung guard sa may gate.

"Ahm, kuya, imemeet ko lang si Carla sa may 7/11." - syempre nagpaalam ako. Baka kasi hanapin ako ni Lolo.

"Papasamahan ko po ba kayo sa driver ma'am?"

"Hindi na. Malapit lang naman saka hindi na din ako magtatagal."

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon