Training?

189 15 0
                                    

Tinignan ko ang mga unggoy na humawak sa maganda kung braso. Wala silang karapatan na hawakan ako. Tsk.

"Bro! Ang sama ng tingin ng girlfriend mo sa amin" sabi ni unggoy 1.

"Oo nga bro, nakakatakot pala gf mo"

"Hoy anong tingin nyo sa akin monster? Gusto nyo sapak?" Galit kung sabi.

"Whooooohhhh! Kalma lng miss, hindi ka namin aawayin" sabi ni unggoy 2.

"Tsk. Ano bang ginagawa ko dito ha eros." Galit kung sabi sa kanya.

"Tsk."

"Hoy! Ano na?"

"Kaylangan mo ng training" may nagsabi naman bigla sa likod ko, at nakita ko si eris na nakatingin sa akin.

"Training? Nagpapatawa ka ba?" Sabi ko naman.

"Seryoso kami dito nyvie. Dahil girlfriend ka ni Eros so kaylangan mo ng training para sa safety mo" sabi ni eris.

"Bakit kaylangan pa niyan? Eh kaya ko naman ang sarili ko. Tsk."

"Hindi basta basta ang maging girlfriend ni eros, nyvie. Maraming taong may galit sa kapatid ko , kaya kung malaman ng mga kaaway na may gf sya. Baka gamitin ka nila laban kay eros."

"Cool!"

Binigyan naman nila ako ng weird look. I know im weird.

Yan ako eh. Bwahahaha.

"Anong cool?" Sabi ni unggoy1

"Hindi ka ba natatakot?" Sabi ni unggoy2

Sinamaan ko sila ng tingin.

Tumakbo naman sila sa likod ni eris.

" whaaaaaaahhh! Nakakatakot talaga ang gf mo eros" unggoy1

"Oo nga." Unggoy2

"Tumigil nga kayo" sabi ni eris.

Umirap nalang ako sa dalawa, hindi ko pa sila napapatawad sa ginawa nila no.

"Whether you like it or not, mag traitraining ka." Sabi ni eros bago umalis.

Bwesit na lalaking yun.

=_=

Angels and DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon