Boys

73 3 2
                                    

Naglalakad akong nakangiti sa school, hehe! Maganda lang talaga yung araw ko. Nyahahaha! Wag ko sanang makita yung nagpapasama ng mood ko.

"Psh babae para kang baliw kakangiti dyan"

Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko si eyeliner boy na nasa kaliwa ko, sinasabayan ako sa pag lalakad.

"Hi eyeliner boy" sabi ko sabay kindat, ngumiti naman ito ng nakakaakit. Ay! Iba sya oh!

"Ang bitch talaga. Pagkatapos kay eros kay kent na naman, nakakadiring babae" rinig kung sabi sa mga palaka sa daan.

Dah! Inggit lang kayo no, eh kasi hindi naman kayo close. Che!!!!!

"Sakit sa mata" isa pang palaka nagsabi.

"Omyg! Nakakalukre itech!" isa pang palakang nag react.

"Sayang yung ganda, landi lang yung inaatupag"

"Kala mo naman kagandahan"

Ok! Ang dami yatang palakang chismosa sa daan.

"BAT BA ANG DAMING PALAKA DITO? ANG PAPANGIT NA NGA, MUKHA PANG NAG UPGRADE KASI NAGING PALAKANG BUBUYUG NA! GRABE NG EVOLUTION SA NGAYONG PANAHON. Hahaysss!" Sigaw ko sabi sa mga palakang PAKI- ALAMERA.

Tumawa naman itong lalaking nasa tabi ko.

Kita ko ang pag irap ng iba, at pag alis nila bigla sa pwesto kung saan sila nakatambay.

"Wag lang nilang gibain ang mood ko, makikita talaga nila kung anong kaya kung gawin."

"Wag munang intindihin yun babae. Pero ang weird mo talaga"

"Alam ko na iyun"

"Hi miss!" Biglang singit ng kung sino

Napatingin ako sa nagsalita. At parang nagloading yung utak ko. Bakit parang familiar yata itong pogi na ito.

"Hindi ko inakalang dito ka pala nag aaral" sabi nung pogi.

"Sino kanga?" Diretsang tanong ko.

Kita ko ang lungkot sa kanyang mata. Kita ko rin ang pagngiti ni eyeliner boy sa lalaki.

"Zeus" sabi nito, nanlaki naman bigla ang mga mata ko.

"Ehhhh!!!! Zeus ikaw pala yan, mas lalo ka yatang naging pogi ah!"

"Di mo nga ako nakilala eh" sabi nito sabay pout.

"Tsk! Bakla" sabi ni eyeliner boy.

"Anong sabi mo?" Galit na sabi ni zeus pogi.

"Oppsshhhh! Wag kayo dito sa harapan ko mag away ha, duon kayo sa gym para malaki space" sabi ko.

Nakatingin ng wierd look si zeus pogi, habang napatawa naman si eyeliner boy sa sinabi ko.

"Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?" Sabi ko nito.

"Yung sinabi mo" eyeliner boy

"Abat! Itong gagong to" galit kung sabi

"Ok kalang nyvie?" Isa na namang tinig ang narinig ko.

Napanganga ako ng makilala ko kung simo yung lalaking nagsalita.

"Tika si red eyes" masaya kung sabi.

"Sai Ichikawa, nyvie." Ngiting sabi nito sabay kamot sa ulo. Ayieee bat nandito ito?

"Tsk!" Eyeliner boy

"Tsk!" Zeus pogi

Anong problema nitong dalawang to.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa dalawa.

"New student" zeus pogi

"Kakauwi galing japan, kakaenroll ko lang today"ngiting sabi ni red eyes baby. Ang cute na gwapo hehehe. Bat ba ako pinapaligiran ng mga pogi ngayon?

"Ayieeeehhh!!!! Schoolmate na tayong lahat" sabi ko.

"Back off dude" sabi bigla ni eyeliner boy

"Tsk! Bat mo binabakuran? Kayo ba?" Sabi bigla ni zeus baby.

"Fuck you" red eyes baby.

?_?     May problema ba sila?

Masamang nakatingin ang tatlo sa isat isa. Abay anong pinag aawayan nila? Ang kagandahan ko ba? Hahaha charrr lang!

"Bitch talaga" rinig kung sabi ng isang hipon. Ouch ang sakit sa tinga ng boses nya.

"Aray! Sakit sa tinga" reklamo kung sabi sa kanya.

Napataas naman ang kilay nito, habang naka angkla kay eros.

Bat ba nagpakita yung mga taong nagpapasakit ng mata ko. Mygassshhh!

Pinaypay ko yung mata ko, shit naman oh!

"Ok ka lang?" Sabi ni zeus pogi

"Napuwing ako" sabi ko

Lalapit sana sya sa akin ng bigla syang tinulak ni red eyes baby, at hinawakan nya ang mukha ko.

"Ano ba!" Sigaw ni zeus baby.

"Shit!" Sabi ni eyeliner boy sabay tulak ni red eyes.

"Fuck!" Sigaw ni red eyes.

Ano ba ang problema nilang tatlo?

"Iba na naman nilalandi mo?" Sabi ni akiera. Nakatingin lang si eros, habang yung tatlo nag aaway parin sa hindi malamang dahilan.

"E ano ngayon? Single naman ako" sabi kung nakangiti.

Kita ko ang pagsama ng timpla ni eros, bat ko ba sya tinitignan?

"Ok kana pala? Bilis natin gumaling ah! Nagsaki sakitan kaba nun, para balikan ka ng boyfriend ko? Kawawa ka naman!"

Abay ang assuming naman ng babaeng to oh! Hindi ako maghahabol sa taong binaliwala na ako no. Sayang lang nitong beauty ko kung hindi ko naman pala magagamit sa iba, dba?

"Miss kung titignan mong mabuti, wala ng paki alam ang demon na yan. Kaya pwede ba? Leave her alone" biglang sabi ng taong matagal ko ng hindi nakikita. Wait hindi pala tao, kundi demonyo.

"What?" Galit na sabi ni akiera.

Nakatingin ako ng nakanganga sa kanya. Hala nakikita ba nila ang demonyong ito?

Tumingin si eros sa akin sabay tingin rin sa demonyong ito.

Waitttttt! Nakikita nga nila sya.

"Traus?"

"Long time no see demonyita" sabi nito.

"TRAUSSSS!" Sigaw ko sabay takbo at hug sa kanya. Hala na tuwa ako hehe, kasi naman eh naging tao sya bigla, na amaze lang ako noh!

"Aray ko demonyita, papatayin mo ba ako?" Sabi nito.

Bigla namang may mga kamay ang kumuha sa akin sa pag kakayakap. Kita ko si eyeliner boy na nakahawak sa kaliwa kung kamay, at si zeus pogi nakahawak sa kanan kung kamay. Habang si red eyes baby nakahawak sa shoulder ko.

Masamang nakatingin yung apat sa isat isa. Hindi pala apat, lima pala, sumali kasi si eros eh. Ang sama rin makatingin. Hahaysss ang ganda ko talaga hahahaha!!!

Ano kaya mangyayari bukas mamaya?

Angels and DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon