Nakakainis!
Nakakagigil!
Nakakabwesit!
Nakakaputa!
Nakakalurke!
Nakakabaliw!
"Hoy! Itigil mo na nga yan" sabi ni athena sa akin.
"Wag mo nga akong paki alaman. Masarap kaya ito, kumuha ka nga lang ng sayo. Wag ito no, akin lang ito. Ito na nga lang masasabi kung akin. Kasi siya? Hindi ko masasabing akin"
Nakita ko naman napa face palm si athena.
Ok! Alam kong humuhugot na ako. Pero kasalanan ko ba yan? Bigla lang naman lumalabas sa bibig ko eh.
"Nag break ba kayo ng bf mo?"
Hindi ako umimik.
"Kawawa ka naman. Wala kasing taong nakakaintindi sayo." napatingin ako sa kanya, ng sinabi niya yun sa akin.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Totoo naman kasi. Kaya walang nakaka appreciate sayo kasi ayaw nila sa pinapakita mo. Like ikaw, minsan para kang baliw, hindi rin kita maiintindihan. Pero yan ka naman eh, wala tayong magagawa para magbago ka. Kaso nga lang, may mga tao talagang hindi nila na appreciate ang uniqueness ng isang tao. Dahil kung ano ang gusto nilang personality, yun ang gusto nilang intindihin. At yung pareho nilang ugali ang taong gusto nilang makasama."
"Ang lalim naman athena, hindi ako naka ahon" hahahaha!
"Sige tawa ka lang dyan. Pero yung pinapakita mong tuwa, walang buhay. Nakakabwesit"
"What ever. Kakainin ko itong ice cream hangang maubos ito"
"Hala sge gawin mo yan. Isang gallon pa naman yan, tignan natin kung hindi ka sisipunin bukas."
"Che!"
---------------------
ACHUU! ACHUU!
AHHHH!!! ka-inis! Ang kati ng nose ko, kalurke!
"Madam ok lang ba kayo?"
"Sa tingin mo ba okey ako ha? ha? HACHUUU!"
"Hindi po madam."
"Alis na nga tayo. Bilis"
"Okey po"
"Bwahahaha kawawa sabi ko naman kasi sayo ehh" tawa ni athena ng makita nya ako binubuhat ng guard pababa ng hagdan.
"Shut u-chuuu! Ang kati ng ilong ko at lalamunan"
"Hayss! Ito inumin mo muna bago ka pumasok, wala pa naman sila tita dito"
"Yays. Thanks YAYA" sabi ko kay athena
"Sapakin kita dyan eh"
"hahaha hachuu!"
"Umalis na ngalang kayo, baka mahawaan pa ako."
"Arte nito"
Umalis na kami ni yaya pag katapos ko uminom ng gamot.
Hayss! Makikita ko kaya sila sa school?
Sana hindi.
"Nandito na tayo madam, ihahatid lamang kita sa room mo tapos balik lang ako maya"
"Wag na, kaya ko ng magpunta sa room ko, may kamay ako no"
"Pero madam."
"Anong sabi ko?"
BINABASA MO ANG
Angels and Demons
FantasyAngel and demon is in my blood, an unknown person said it to me. Cause even me dont know my past, my childhood life, and my parents. It means im alone now. Alone in this cruel world.