Nanunuod lang ako sa malayo habang nakipag away na naman sila eros.=_=
Saan kaya sila pinaglihi ng nanay nila? Ang hilig hilig nila sa away.
"Fuck!" Rinig ko kay jan.
Mukha silang mga baliw.
Buhay nga naman parang life. Hahaha kaluka.
"Ahhhhhhh!!" Napatayo ako bigla ng makita ko ang isang tao namimilipit sa sakit.
Lahat sila ay huminto, nagtataka kung bakit ito sumigaw at nagwawala.
"Boss! Anong nangyayari sa inyo." Sigaw ng isang lalaki.
Ito pala ang boss sa kabilang grupo.
"Hahaha" isang tawa ang narinig ko sa taas ko.
Napatingala ako at nakita ko ang isang lalaking nakatuxedo ang dating, at parang hindi ito kumakain dahil sa mukha nitong payat na klaro na yata ang bones nito. Ehhhh katakot!
"Ang mga tao ay hangal, mga nakakasuklam na nilalang. Hindi kayo karapat dapat na mabuhay at mahalin ng nasa itaas." Galit na sabi nito.
Napansin ko na lamang ang pagbagsak ng katawan ng boss ng kabilang grupo, kitang kita ko ang maputlang katawan ng biktima.
Isa isang bumagsak ang ilan, mapa kalaban man o hindi.
"Ako si kamatayan. Ako ang kukuha ng kaluluwa nyong may bahid ng kasamaan."
O_O
"Eros! Umalis na kayo dyan." Sigaw ko sa kanila.
Napatingin sila sa pwesto ko at agad tumakbo papunta sa akin.
Pero sa hindi inaakalang pagkakataon, ang lalaking naka tuxedo ay nasa likod bigla ni eros at kinampas ang kamay nito.
"WAG!" sigaw ko.
Biglang tumigil ang paligid at tumilapon bigla si kamatayan palayo sa pwesto ni eros.
"Paano mo yun ginawa tao." Sabi ni kamatayan habang tumayo sa pagkakahiga.
"A-anong kaylangan mo sa kanila." Sabi ko. Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon, parang may mali.
"Sa isang tulad mong biniyayaan ng itaas, hindi karin dapat mananatili sa mundong ito."
"Sino kaba anong kaylangan mo?"
"Hindi mo na dapat malaman pa. Lahat ng masasama ay karapat dapat sa mundong ibaba." Sabi nito bago lumipad pa punta sa akin.
"Ahhh!" Sigaw ko ng tinapon niya ako.
Shit! Ang sakit nun.
"Maging alerto ka tao." Nagulat ako ng nagsalita ito sa tabi ko.
"F-fuck" sumuka ako ng dugo ng pinigwas niya ang kanyang kamay upang ako ay tumilapon.
Ang sama ng araw ko.
"Ito na ang huling araw mo tao." Sabi nito sa akin. Ngunit bago pa makuha ang kaluluwa ko ay may dumating naman ng isang nilalang na kinaiinisan ko, ngunit ngayon ay pinagsasalamatan ko ang presensya niya.
"Ang pangit muna demon." Sabi ni traus sa akin.
Natuwa ako dahil dumating siya.
"Traus. Demetri"
"Miss me Miss Demonise"
"Natutuwa akong nakita ko kayo. Huhuhuhu" ngawa kong sabi.
"Ang pangit mong umiyak" sabi ni traus.
"Isang kamatayan ang nanggugulo ngayon ah. nice" sabi ni Demetri.
"Demons"
"Anong pumasok sa utak mo kamatayan na pumatay ng mga tao? Mawawasak ang balansi ng mundo sa ginawa mo."
"Ang mga mortal na ito ay gusto magpatayan, kaya ako na lamang ang gagawa para hindi na sila magsasayang ng oras. At alam ko rin naman sa mundo namin sila mapupunta." tawa nitong sabi.
"pangahas ka kamatayan. Ni labag mo ang patakaran, dapat kang parusahan" galit na sabi ni demetri.
"Hindi lang naman ako ang mapaparusahan demonyo. Pati rin kayo, labag sa inyong patakaran ang nandito sa mundo ng mga tao." sabi nito.
"Binigyan kami ng utos kaya wala kaming nilabag"
"Kung ganun ay hindi niyo ako kayang parusahan. Dahil isa lamang kayong hamak na mababang klase ng demonyo."
"wag mo kaming maliitin"
"mawawala kayo at mapapasa akin ang kaluluwa ng mortal na yan" sabi nito ng nakakatakot, bago ito sinugod ang dalawa.
Kitang kita ko ang lakas ng dalawa. May nilabas silang espada at may nakalibot duong itim na apoy.
Ginalaw ni kamatayan ang kanyang kamay pa kaliwa, na dahilan ng pagtilapon pa kaliwa si traus.
"AHHH! Shit!" sigaw nito.
"I will fucking kill you kamatayan" sigaw ulit nito.
"kayo muna ang mauuna"
Itinaas ni kamatayan ang kamay nito at may lumabas na isang scythe. Takot ang naramdaman ko ng nakita ko itong hawak ni kamatayan, isang bagay na talagang kaya nitong pumatay ng isang demonyo, nakakakilabot ang nakapaligid sa scythe nito.
"ahhhh" sigaw ni demetri ng mahagip siya ng sandata ni kamatayan.
Usok naman ang pumalibot kay traus, at rinig ko ang nakakakilabot na sigaw ng mga namatay na tao, habang humihingi sila ng tulong.
Takot na takot ako ngayon, randam ko ang panginginig sa akin. Ngayon ko lang ito na feel ng gumising ako, ilang taon narin ang nakakaraan.
"demetri!" sigaw ko ng nakita kong nasa likod na ni demetri si kamatayan.
Pero bago pa maibaon ni kamatayan ang scythe, may isang boses ang narinig ko.
"Wag mong pagka interesan ang mga alaga ko kamatayan" isang nakakilabot na tinig ang narinig ko.
"Lucifer" rinig kung sabi ni kamatayan bago ako nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Angels and Demons
FantasyAngel and demon is in my blood, an unknown person said it to me. Cause even me dont know my past, my childhood life, and my parents. It means im alone now. Alone in this cruel world.