Nagising ako sa sikat ng araw.
"Anong nangyari kahapon?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa tabi ko.
"Inayos namin yung mga sira, at pinatulog ka para hindi mo malaman. Hehehe"
Sinamaan ko ng tingin ang anghel na nasa tabi ko.
"Bakit mo ba ako pinatulog? Tsk"
"Para madali ang trabaho, ok?!" Sabi nito.
Inirapan ko sya, bago tumayo.
Wait tumayo?
Tinignan ko ang mga paa ko.
"Nakakatayo na ako" sigaw ko
"Halata nga!" Panirang sabi nung anghel.
"Nakakasira ka talaga ng araw" walang gana kung sabi sa kanya
"Ikaw naman kasi, ang oa mo. Hindi mo ba naalala? Diba pinagaling ka ni saref kahapon?"
"Ay oo nga pala" tuwa kung sabi sabay takbo pa puntang living room.
"ATHENAAAAA!!!!" Sigaw ko sabay takbo.
"BAKIT? MAY SUNOG BA?" Sigaw rin nito.
"GAGA WALA! HAHAHAHA"
"KUNG WALA NAMAN PALA BAT KA SUMISIGAW DYAN."
"ANONG PAKI ALAM MO? EH PAMAMAHAY KO NAMAN ITO, CHAKA NAKA SIGAW KARIN NAMAN AH"
"Mga madam! Mga bingi ba kayo? Eh ang lapit lapit nyo sa isat isa nakasigaw kayo dyan" busangot na sabi ni mutchacha
"Milady bakit kayo tumatakbo? Yung mga paa nyo" sabi naman ni Jucelyn.
"HAHAHA! Kaya nga ako sumigaw eh, kasi naman ok na mga paa ko. Tignan nyo oh, hindi na namamaga" sabi ko naman.
"Yun lang pala" sabi ni athena sabay upo sa upuan, habang si mutchacha naman ay umiling at umalis. Nag bow naman si jucelyn sabay putang kusina.
Ang ba-bad ng mga tao dito, hindi lang naman na appreciate ang magaling kung paa. Hahaysss.
"Hahaha kawawang nyvie" diana
Inirapan ko naman ang anghel, kainis!
Nagpeace sign ito sabay upo sa tabi ni athena.
"Oo nga pala, hindi ko na naalala kung paano tayo umuwi" tanong ni athena, napatingin naman si diana sa akin.
"Kinuha tayo ni manong driver, tapos nakatulog ka"
"Ha? Nakatulog? Paano naman iyun?"
Aba malay ko, ako nga di ko alam kung paano naka uwi eh, sa katabi mo sana ikaw mag tanong. Sabi ko sa isip ko.
Tumawa naman yung baliw na angel.
"Oi hindi nga ako baliw" diana
Edi ok!
"Ewan ko sayo, sarili mo di mo alam." Sabi ko na lamang sabay labas nung phone ko.
Naalala ko naman yung binigay na number sa akin ni brat, kaya tinxt ko yung guy. Hehehe!
'Hi' - txt ko sa kanya.
'Hello? Kinsa ni?' - txt nya
Abay alien ang gago.
'Anong sabi mo?' - Ako
'Sabi ko sino ka?' - sya
'Ako pala si nyvie, do you remember yung babae naka wheelchair sa cebu?' - ako
'Ahh! Ikaw pala ito, hi kumusta? Matagal ko nang hinihintay mga txt mo' - sya
Ayieee hinintay pala nya txt ko.

BINABASA MO ANG
Angels and Demons
FantasiAngel and demon is in my blood, an unknown person said it to me. Cause even me dont know my past, my childhood life, and my parents. It means im alone now. Alone in this cruel world.