Neighbor

83 6 3
                                    

"Oi saan mo ako dadalhin?" sabi ko sa brat ng bigla nyang tinulak wheelchair ko.

"Dito nalang tayo pasyal sa subdivision"

"Ayoko nga sabi."

"Wala kanang magagawa. HAHAHAHA"

"Tsk"

Nakarating kami sa gate ay pinagbuksan kami ng guard na nagbabantay.

"Salamat manong" sabi ni brat.

"Yur Wilcam Maam!" sabi ni manong.

Tumawa naman si gaga sa sinabi ni manong, napairap nalang ako.


"Wow ang ganda pala dito no? Parang nasa bundok lang, daming mga halaman. Gandang subdivision. Ayun duon tayo may park" sabi nito ng nakalayo na kami sa bahay. Nakita ko rin na may Park nga, at nay naglalaro pang mga bata. At mga kalalakihan na may dalang bola, na papunta duon.

"Ang layo naman dyan."

"Nagrereklamo ka pa? Hindi naman ikaw ang mag lalakad eh, naka wheelchair  ka kaya. Dahh!!"

"Wat ever"

"Tika, yung sintas ko."

Binitawan nya ako bigla.

"Whaaahhhhh!!! The fuck brat." sigaw  ko, ng umandar ang wheelchair bigla pababa. Nasa taas pa naman kami kaya subrang bilis ng andar ng wheelchair.

"Hala patay!"

"AAAAAHHHH! Tulong"

"Mag break ka bitch." sigaw nya, habang hinahabol nya ako.

"Gaga anong tingin mo sa wheelchair, sasakyan? Motor? Sapakin kita dyan EEEHHHHH!" Sigaw ko.

"Edi sapakin mo ngayon, kung kaya mo."

"Walang hiya ka talaga. Pinapahamak mo ako lage."

"Hala sya. Kung magsalita parang ako talaga yung may kasalanan."

"OO IKAW GAGA!"

" Mga kuya tulong!" sigaw ni Brat sa mga lalaking nagkwekwentuhan, sila yung mga lalaking nakita namin sa taas. Wow ang bilis ko naman nakarating sa pwesto nila. Eh ang layo rin nila kanina ahhh.

Nakita ko naman natataranta ang mga  boys.

"Ang lapit ko na." bulong ko.

Akala ko walang tutulong, kasi naman nagsigilid yung mga hayop.

Kaso may dalawang tao naglakas luob na pigilin ang wheelchair ko.

Nakahinga ako ng matiwasay ng nahinto na talaga ako.

"Bi-Bitch! Hah!" hingal na hinawakan ni brat ang wheelchair ko.

"Gusto mo ba akong patayin ha brat?"

"So-sorry na-naman Bi-bitch! Hah! Tubig!" hinihingal na sabi ni brat.

May nag abot naman ng tubig, kaya ininom nya ito. Ang kapal naman ng babaeng to.

"Bwesit ka talagang babae ka. Pag ako talaga napahamak, iyang pagmumukha mo ang kapalit."

"Grabe ka naman. Wag yung mukha ko, gaga ka. Hindi nga sinasadya dba? Dba? Ingot"

"Grrrr!! Kagigil ka brat"

"Kagigil ka rin bitch."

"Ohh tama na yan. Baka magsabunotan pa kayo" sabi ng kung sino.

"Who are you?" taray na sabi nitong kasama ko.

"Wag mong pansinin yan,  baliw yan. By the way thank you nga pala sa ginawa nyo" sabi ko sa dalawang nagwawapuhang lalaking nagligtas sa akin.

Angels and DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon