The Battle between the angel and the demon

147 11 0
                                        

Nakatingin lang ako sa dumadaan habang naka upo ako sa bench sa malapit na jeepney stop. Anong gagawin ko? Shempre ay sasakay. Malamang!

Tumitingin ako sa paligid at buti na lamang walang mga estorbo. Whooh! Maganda ang araw ko.
^_^

"Talagang sasakay ka sa jeep? Diba mayaman kayo?"

Kasasabi ko lang maganda ang araw ko. Takte hindi na tuloy good ng dumating ito.

=_=

Hindi ko siya pinansin baka makapag kamalan pa akong baliw eh.

"Hoy! Demonyita.. Mag salita ka nga dyan." Hindi ko pinansin si traus na demonyo.

Hindi porket gwapo siya ay papansinin ko na siya. Ay kaluka.

Bago pa ako makapagreact ay may dumating naman, na kina gulat ko.

Isang angel na may puting buhok at puting pakpak nakapalibot nito.

At masasabi ko lang ay. 'Ang gwapo niya teh'

"Naghahasik na naman kayo ng lagim mga demonyo." Cold na sabi nito.

Tinitigan ko ang nasa harap namin habang lumilipad. At kaya pala familiar kasi siya yung master nuon nasa mall ako, yung angel na kumalaban sa orge.

"Nag hahasik? Sa tingin mo ay nag hahasik na ako ng lagim sa palagay na ito? Utak naman anghel"

Tinitignan ko na lamang sila habang masama ang tingin nila sa isat isa.

=_=

"Anong binubulong mo sa taga lupa traus. Alam kung may masama kang binabalak, hindi ka mag tatagumpay."

"Ang bobo mo talaga saref. Hindi ako bumubulong naki pag usap ako, intendes?"

=_=

Bakla na yata itong demonyong ito.

"Kinakausap? Wag mo kung gawing tanga." Galit na sabi ng anghel.

Biglang may lumabas na sandata sa harap nito at kinuha. Nakatingin lang si traus at parang ready to fight narin ito.

But ba sila nag aaway?

Haysss. Hindi ko talaga sila naiintindihan.

Bago pa ako makareact ay bigla lamang sila nawala, at ayun pala nasa taas sila ng daan nag lalaban.

Walang ibang nakakita sa kanila kung hindi ay ako lamang.

Nakita kung sinipa ni saref si traus. At papunta ito sa aming mga tao, pero bago pa ito makarating ay biglang sumulpot si saref sa pwesto namin at sinipa pa taas si traus.

"Damn!" Rinig kung sabi ni traus.

Lumipad si saref pataas at nakipagtitigan.

Angels and DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon