NAPAMULAT ako ng mata nang may napansin akong nakatingin sa akin.
"AHHHH!" ako
"AHHHHH!" sya
"AHHHH MULTONG PANGIT!"
"AHHH! BWESIT KA SINONG PANGIT SAPAKIN KITA DYAN EH" sya
"Bakit naman kasi ganyan mukha mo?" Pout kung sabi.
Inirapan nya naman ako.
"E malamang baka may makakilala eh" sya
Tawa naman ako ng tawa ng sabihin niya yun. Seryoso!
Well ang kausap ko lang naman ay ang the great athena, kung titignan mo ang pagmumukha nya ngayon matatawa ka talaga. Hahaha! Kasi naman eh! Bat ba kasi naka nerd style sya eh, malaki ang mga glasses at makapal pa, may braces, at hindi pa nagsusuklay ha. Grabeng disguise nayan oh, nakakatakot!"Oi gising kana pala" sabi nang taong bagong pasok pa lamang.
"Oi eyeliner boy"
"Tsk! Wag mo nga akong tawagin sa pangalang yan, bdw ok kana ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?"
"Well gusto ko yung nickname mo eh, kaya wala kang magagawa. At chaka ok na ako, pahinga lang kulang sakin eh" sabi ko
"Mabuti na lang. Tumawag ako sa inyo, yaya nyo lang nanduon kala ko nandun parents mo. Sasusunod miss ha, kung hindi ok yung amo mo wag mung palalabasin"
Pff!! Bwahahahha yaya daw oh. Tawa ako ng tawa ng bigla nya akong kinurot.
"Aray! Lintik na lamok" sigaw ko sabay himas sa braso ko, sa mismong place na kinurot nya. Huhu! Ang sakit nun ah!
"Mister! For your inpo, wala kang paki kung itong abnormal na ito ay pinapalabas ko. Dahil una hindi na ito nakakapasok ng ilang araw, pangalawa hindi kita kilala, ikatlo waley ako paki sayo kaya wag mo kung mautos utos ha? Kasi in the pers play hindi ikaw ang amo ko. Getssss???" Galit na sabi ni athena.
Hahaha! Sinasadya nya yata yung mga pananalita nya eh. Kahit anong gawin nya, brat parin sya sa aking paningin.
Napangiwi si eyeliner boy sa sinabi ni athena. Pero in the end, hehhehe hindi nito pinansin si brat.
"Gusto mo ng umuwi? Mag gagabi narin kasi." Sabi nito.
Natawa ako sa reaksyon ng brat, nakapout lang itong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.
Tango na lamang ang sagot ko sa kaniya.
Binuhat nya ako at dinala sa parking lot upang ipasok sa sasakyan, nakita ko naman si manong driver at si mutchacha sa luob nito.
"Thank you pala eyeliner boy."
"Walang ano man" ngiting sabi nito
Nagpaalam na kami sa kanya, kita kung pumasok ito sa isang kotse naka parada sa parking lot. Malamang kasi sa kanya iyon, bobo lang no.
"Kainis na lalaking yun ah, pag kamalan ba naman akong yaya" sabi ni brat sa tabi ko.
"Mukha kanaman kasing yaya sa itchura mo" sabi ko nito
"Em pernes mga madam, ang gwapo nung kasama nyo" kilig na sabi ni mutchacha.
"Gwapo bayun? E mukha nya yung bakla eh. Pweh"
"Oi baka kayo pa magkatuluyan madam, alam mo yung the more you hate the more you love?" Sabi ni mutchacha.
"Pinagsasabi mo dyan? Sapakin kita eh" galit na sigaw nito kay mutchacha
"Madam athena naman, nag sasabi lang ako ng totoo no"
"Manahimik ka ha? Baka gusto mong e staple ko yang bunganga mo" brat
Napatawa naman si manong driver, habang naka pout lang si mutchacha. Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Hahayss! Hindi pa yata ako ok eh.
Kahit wala na akong sipon, alam ko yung puso ko ang hindi ok.
Ano na naman kaya mangyayari bukas? Parang ayokong pumasok.
"Oo nga pala bitch. Bukas na ako papasok"
"Bukas?"
"Oo sabay na tayo"
"Ano pala kinuha mo?"
"Music and arts"
"Eh? Bat hindi business?" Tanong ko
"Dah! Natapos ko nayang course nayan no. Iba na naman"
"Edi ikaw na matalino"
"Edi ikaw na bobo"
Sinamaan ko sya ng tingin
"Ito naman oh hindi mabiro. Oo nga pala gusto ko makilala yung ex bf mo"
"At bakit naman aber?"
"Wala lang. Na shock lang ako kung bakit may lalaki pang nakagusto sayo"
"Che! Sa ganda kong to, malamang may makakagusto sa akin"
"What eber! Maysasabihin pala ako sayo"
"Ano yun?"
"Natanong kuna ba nuon, kung bakit mo ako nakilala?"
"Hmm! Ewan ko hindi ko rin maalala"
"Well ngayon tatanungin kita. Bakit mo ako nakilala? Sa pag kaka alam ko, wala akong kaibigan na tulad mo, at hindi mo rin naman amo o kaibigan ang claret na yun"
"Hindi ko ba nasabi sayo na yung bf, i mean ex ko ang naghahanap sayo?"
"Hindi. At sya pala ang dahilan kaya mo ako kilala"
"Oo eh! Pinapahanap ka nya sa mga tauhan nya"
"At bakit naman?"
"Diba sabi ko sayo para bumalik kana?"
"Bakit naman nila gusto akong bumalik?"
"Dahil taga pag mana ka. At sila ang pinili na maging guardians mo"
"What may pinili na ang angkan namin? Eh sa pag kaka alam nila eh patay na ako."
"Eh ayaw nila maniwala eh. Wala kasing bangkay nakita sa kotse"
"Tsk!"
"Wag kang mag alala, diba sabi ko sayo hindi kita ipamimigay?"
"Pero kay claret lang yun diba? Pero duon sa ex mo ibibigay mo ako"
"Hindi ah! Nag break na kami kaya bahala syang maghanap sayo no, he break my heart 💔"
"Tsk! Promise mo yan"
"Oo nga! Ayoko naman e force ka na pa uwiin, baka e assassinate mo pa ako pag uwi mo no. Sus mahirap na sa ganda ko pa namang ito, wala nang makikinabang"
"Hayysss ewan ko sayo"
Ngumiti lang ako sa kanya.
Ano kaya ang mangyayari bukas?
BINABASA MO ANG
Angels and Demons
FantasiaAngel and demon is in my blood, an unknown person said it to me. Cause even me dont know my past, my childhood life, and my parents. It means im alone now. Alone in this cruel world.