#2

806 33 1
                                    

#2

"BRAD, bakit parang wala ka sa sarili?" tanong ni Arnold sa binata, katrabaho ni Reynel.

"H-huh? Wala brad," nakangiting sagot ni Reynel, pero sa loob nito ay mayroon talaga.

"Tulala ka kasi kanina."

Napatawa ang binata.

"Mali ka ng hinala brad. Puyat lang siguro..." pagsisinungaling ni Reynel. Hindi na siya kinulit ng kasama. Ipinagpatuloy na rin nila ang paglista sa mga stocks na nasa loob ng stockroom.

KINAHAPUNAN, pagkalabas ni Reynel sa trabaho ay naisipan na niyang umuwi. Hindi tulad noon, lagi siyang bumibili ng pagkain para ipasalubong sa pamilya ni Angel. Kaso mukhang hindi na iyon mangyayari.

"Kuya!"

Napahinto sa paglakad ang binata nang isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Agad niyang nilingon ito.

"Kuya! Sabay na kami ni ate sa pag-uwe..."

Si Arthur, nakasuot ito ng uniporme. Kasama nito si Angel na nakasuot naman ng uniporme nitong pangtrabaho. Isa siyang Supervisor sa isang fast food chain.

"Hello Art!" nakangiting bati ni Reynel. Hindi siya makatingin nang diretso kay Angel. Naiilang siya.

"Kuya, pasyal muna tayo bago umuwi," yakag ni Arthur sa binata na nakahawak agad sa kamay nito.

"A-ah, Art... may pupuntahan pa si Kuya mo. 'Di ba Rey?"

Kumabog bigla ang dibdib ng binata. Parang musika ang dating ng boses ni Angel, lalo na nang tawagin siya nitong Rey.

"A-ah... Oo nga Art, may lakad pa si kuya. Nextime na lang... Okay lang ba?" mahinahong sabi ni Reynel sa bata habang tinatapik ang balikat nito.

May kaunting lungkot na sumibol sa mukha ng bata.

"S-sige kuya... pero promise mo na pupunta ka sa amin bukas ng hapon. Maglalaro pa tayo ng playstation e..."

Nagkatinginan si Reynel at Angel dahil sa sinabing iyon ni Arthur. Ayaw niyang mangako dahil parang hindi pa niya kayang pumunta sa bahay ng mga ito.

"T-try ko huh... Sige, alis na ako. Ingat kayo pag-uwi ng ate mo." Nginitian pa ng binata ang magkapatid. Hindi na niya hinintay na may sabihin pa ang mga ito. Seryoso na siyang naglakad palayo pagkatapos.

Nang makalayo ang binata sa magkapatid ay pasimple niyang sinulyapan ang dalawa. Naghanap siya ng tagong lugar at doon ay malungkot na tinanaw ang dalaga. Nang makarating nga sa kalsada ang magkapatid, isang itim na kotse ang biglang tumigil sa harapan ng mga ito. Nakita iyon ni Reynel. Nakita niyang isang lalaki ang bumaba. May hawak na bulaklak. Iniabot nito iyon kay Angel. Nakita niya na napangiti ang dalaga. Pagkatapos ay pinagbuksan ng binata ng pinto ang magkapatid. Pinasakay ito sa kotse at doon ay masayang minaneho ang sasakyan palayo.

Tila sinaksak si Reynel ng hindi mabilang na punyal sa dibdib matapos iyon. Matamlay siyang naglakad papunta sa sakayan. May isang babae pa nga siyang nakabangga, pero hindi niya iyon pinansin. Lutang na lutang siya. Pero wala naman siyang magagawa kaya pinilit na lang niyang kalimutan ang nakita...

"Okay lang ako..." bulong ng binata sa sarili.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon