#20

513 25 2
                                    

#20

"KUYA!"

Iyon kaagad ang narinig ni Reynel nang buksan niya ang pinto ng apartment niya. Nandoon si Arthur at ang ate nitong si Angel. May dala ang dalagang supot na may lamang oranges at mansanas.

"N-napadalaw kayo?" wika naman ng binata na parang nahiya sa ayos sa loob ng tinutuluyan niya.

"Kuya, may fever ka pala sabi ni ate. Kaya niyakag ko po siya na dalawin ka."

Napangiti naman si Reynel sa narinig matapos patuluyin ang dalawang bisita. Napatingin din siya kay Angel.

"Pasensya ka na, magulo ang bahay ko." Napakamot pa sa ulo si Reynel sabay amoy sa sarili. Parang nahiya rin siya sa amoy niya nang sandaling iyon.

"Okay lang Rey," sabi naman ni Angel at nakangiti nitong inilagay sa mesa ang dala nito.

"Pasensya ka na Art. 'Di ko magagawa ang project mo. Masama ang pakiramdam ni kuya," wika naman ng binata.

"Okay lang kuya, ipapadrawing ko na lang siguro kay uncle."

"Kapag naging okay ka kuya, punta ka uli sa bahay. Maglalaro tayo."

Napasulyap tuloy si Reynel kay Angel nang marinig iyon.

"Susubukan ko Art." May halong lungkot na tugon ng binata. Naalala niya kasi ang nangyari kahapon. Si Angel at ang sumundo rito na lalaki.

NAGKWENTUHAN si Reynel at si Arthur. Puro tungkol sa school ang kwento nito. Habang si Angel naman ay nakatingin sa labas, nagulat nga siya nang makita si Rachel sa labas na nakatayo sa may gate.

"D-dito pala nakatira iyong ka-da... kasama mo noong huli na girl?" sabi ni Angel.

"A-ah, o-oo. Anak siya ng may-ari," tugon naman ni Reynel.

"Kumusta na kayo?" nakangiting tanong ng dalaga.

"A-ah. Okay naman..."

"E-eh, kayo noong kumaon sa 'yo?" dagdag pa ni Reynel at tila bumigat ang atmospera sa loob dahil doon.

Parang nahiya si Angel. Nakalimutan niya kasi ang binata nang surpresahin siya ni Martin ng araw na iyon.

"Huwag mo nang sagutin. Ayos lang naman..." sabi na lang ni Reynel.

Ramdam naman ni Angel ang kalamigan noon. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil doon. Nang mga sandali ring iyon, si Rachel naman ay inis na inis dahil sa pagdalaw ng dalaga kay Reynel.

"B'wiset!" Sabay sipa ng dalaga sa mga tuyong dahon na naipon matapos nitong magwalis.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon