#13

544 31 4
                                    

#13

"SALAMAT sa pagsama..." wika ni Rachel kay Reynel nang muli silang makauwi. Tanging ngiti naman ang isinagot ng binata. Pagkatapos ay nagdiretso na agad ito papunta sa loob ng kanyang apartment.

Napaupo si Reynel sa sahig. Parang ang daming nangyari nang hapong iyon. Napakapa siya bigla sa kanyang bulsa. Nai-silent nga pala niya ang kanyang cellphone. Agad niya iyong kinuha at tiningnan.

May isang message siyang nakita.

Mula kay Angel.

"sori, nkastorbo kme ni art sa d8 nyo. sori rey..."

Agad ding ini-open ni Reynel ang reply message. Pero nablanko siya sa kung ano'ng isasagot.

"Bakit siya nagso-sorry? Hindi naman kami nag-date ni Rachel ah."

"Nagseselos siya sa akin." Bigla pang naalala ni Reynel ang sinabi ni Rachel sa kanya.

"Imposible!"

Mabilis na ngang nag-type ang binata ng ire-reply sa dalaga.

"bkt k nagsosori? :)"

Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay nag-reply agad si Angel. Medyo nagulat si Reynel, dati naman ay ang tagal mag-reply ng dalaga sa mga text niya.

"nkauwe na pla kayo. ngsori ako kasi prang nakais2rbo kami ni art sa inyo."

"hnd nmn iun date, ngpasama lng iyon," reply ng binata.

"gnun n rn iyon. hapi aq pra sayo."

"hapi? haha teka, wat nb ginagawa mo now? bka busy ka?"

"gumagawa aq ng report."

"naku. tpusin mo n yan. cgeh na. magpphinga na ako," reply ng binata na naisipan nang tigilan ang pakikipagtext sa dalaga. Medyo nagulat lang siya, dati kasi, kapag busy si Angel ay hindi na siya nire-reply-an nito.

"ayw mo nb meng itxt? sensya n sa abala rey. geh na, alm q namang pgod k."

Tila may love song ang kusang nag-play sa isipan ni Reynel nang mabasa ang reply ng dalaga. Naisipan niya munang magpalit ng damit bago ito reply-an.

Humiga si Reynel sa kanyang kama at agad kinuha ang kanyang cellphone. May message na uli. Mula uli kay Angel.

"cge na. bye na. sensya na kung inis2rbo kita."

Napaisip tuloy ang binata kung si Angel ba ang ka-text niya.

"uy! hnd ah, ngpalit lang aq ng damit. txt pa tau qng gusto mo..." reply agad ng binata.

"okay lng b n tumawag aq sayo? pra maituloy q ang pgtype sa report q." Kinabahan si Reynel sa text ng dalaga. Ngayon lang naging ganito si Angel sa kanya.

"cge..." Agad ding kinuha ni Reynel ang kanyang headset para ikabit sa kanyang cellphone. Pagkatapos nga noon ay nakita na niya ang incoming call mula kay Angel. Sinagot niya rin kaagad iyon at siya ay humiga.

"A-ah... H-hello?" Aksidente pa na nagkasabay ang dalawa.

"Nakakaabala ba ako?" tanong ni Angel.

"Hindi!" Mabilis namang sagot ni Reynel.

"Kumusta na kayo ng ka-date mo?"

"Huh? Iyan ba talaga ang tanong mo? E-eh, wala iyon. Nagpasama nga lang iyon. Eh kayo no'ng may kotse? Kumusta na kayo?" Naisipan agad ni Reynel na ilihis ang usapan.

"Ahmmm... malapit ko nang sagutin."

Tila may punyal na bumaon sa kaibuturan ng puso ni Reynel nang marinig niya iyon. Parang nawalan na siya ng gana na kausapin ang dalaga. Ang sakit!

"G-gano'n ba?" tanging nasabi na lang ng binata at nakaramdam siya ng panlalata.

Narinig niya na parang tumawa si Angel sa kabilang linya.

"Joke lang. Binasted ko na siya. Masyado kasing presko. Feeling pogi. Natahimik ka na e."

"Gano'n..." Singbilis naman ng kidlat na nabunot ang punyal sa puso ni Reynel nang marinig iyon.

"Hindi ko naman kailangan ng pogi. Ang kailangan ko ay iyong mahal ako. Iyong hindi takot na umakyat ng ligaw sa bahay..."

"Gano'n naman pala e, ba't mo pa ako binasted?" Gusto sanang itanong ni Reynel sa dalaga pero hindi niya ginawa.

"Hayaan mo, may makikilala ka ring gano'n balang araw..." Natatawang sabi na lang niya sa dalaga.

"Rey, may sasabihin ako... sana, huwag kang magagalit."

Nagtambol ang dibdib ni Reynel nang marinig iyon. May halong kaba pero nandoon din ang excitement. Huwag nga lang sanang masamang balita.

"A-ah, sige..."

"Rey... a-ahmmm. A-ano. P-pwede bang..." Maging si Angel ay parang nahihiyang ituloy.

"P-pwedeng ano?" wika ni Reynel.

"P-pwede bang pumunta ka na lagi uli dito sa amin? H-hindi..."

"Hindi kasi ako sanay kapag hindi kita nakikita!"

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa dalawa matapos iyon. Inisip ni Reynel na panaginip lang iyon. Inisip niyang hindi iyon totoo. Inisip niyang mali ang kanyang narinig.

"S-sigurado ka Angel?" sagot naman ng binata.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon