#3

676 34 0
                                    

#3

MALUNGKOT na kinuha ni Reynel ang nakasabit niyang gitara. Umupo siya at marahang kinalabit ang k'werdas nito. Naalala niya nang minsang hinarana niya si Angel. Nakangiti ang dalaga habang kinakanta niya ang Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma ng Rocksteddy, acoustic version.

"Mahal kita... kahit lagi mo na lang,
akong dinededma."

Napailing na lang ang binata. Gusto na niyang makalimutan ang mga iyon... gusto niyang maka-move on kaagad. Maka-move on mula sa babaeng una niyang minahal.

HABANG malumanay na kinakalabit ni Reynel ang kwerdas ng kanyang gitara ay biglang nag-ring ang nasa tabi niyang cellphone. Bigla siyang na-excite, pangalang Angel ang nakita niya sa screen. Tumatawag ito. Kaso, naalala niya, hindi na nga pala niya nililigawan ito. Parang ayaw na lang niyang sagutin ang tawag. Para saan pa nga naman? Wala na rin naman. Bumuntong-hininga na lang siya at agad na i-si-nay-lent ang ring ng cellphone. Pumasok siya sa CR at doon ay nagbawas.

Ilang minuto siya sa loob ng CR. Pagkalabas niya ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone. Nandoon ang missed call ni Angel. Tapos may isa ring text, mula sa dalaga.

Binuksan ni Reynel ang message.

"Rey, sori s abala. nh2ya aq sau. pn0 ksi i2ng si Art, ngkul0ng sa kwar2. ayaw lumabas. hnahanap ka. psensya kna. nh2ya na aq sau. punta k d2 sa amin. wla pa nman sna papa at mama... sori tlaga rey... ;("

Nagdadalawang-isip pa ang binata kung re-reply-an si Angel, kaso, naalala niya ang sinabi niya noon sa kapatid ng dalaga.

"Kapag need mo si kuya... darating ako." Biro pa niya noon sa bata, kaso, para sa kanya ay dapat niya pa rin iyon panindigan. Hindi para kay Angel, kundi para sa batang si Arthur.

"punta n q jan." Reply ng binata at agad nagpalit ng damit.

"tnx Rey. :)" Reply naman ng dalaga.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon