#21

497 27 2
                                    

#21

AALIS na sina Angel at Arthur, nakangiti naman si Reynel na nagpaalam sa mga ito.

"Kuya, magpagaling ka po," sabi ng bata.

"Oo, Art. Malakas kaya itong kuya mo." Ipinakita pa ni Reynel ang biceps niya sa bata. Pasimple tuloy na napangiti si Angel na napansin agad ng binata.

"Art, hintayin mo ako sa labas. May sasabihin lang ako sa kuya mo," wika naman ni Angel at sumunod naman ang kapatid nito.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng bahay ng binata. Nagkakahiyaan ang dalawa.

"Rey, sorry sa nangyari kahapon... Don't worry, babawi ako," wika ng dalaga.

Pasimpleng ngumiti ang binata at nilapitan ang dalaga.

"Okay lang iyon. Alam mo kung gaano kita kamahal... pero..."

"Naisip ko, baka hindi talaga tayo ang para sa isa't isa... Gano'n naman talaga, hindi magandang ipilit ang isang bagay na iisa lang ang naniniwala..." wika pa ni Reynel na parang napapaiyak. Si Angel naman ay unti-unti nang nanlalabo ang paningin.

"Rey..." Agad niyakap ng dalaga ang binata. Iyon ang unang beses na niyakap niya ang binata.

"Angel... napagdesisyunan ko nang... lumayo talaga s-sa... sa 'yo..."

"M-mahal ki-kita kaya gusto ko nang maging masaya ka... Angel... hindi kita makakalimutan. Pakisabi na lang kay A-art n...na, s-sorry kasi aalis n...na si kuya..." Tuluyan na ngang pumatak ang luha ni Reynel. Habang si Angel, mas hinigpitan pa lalo ang yakap sa binata. Umiiyak ito at tila sinasaksak ng ilang libong kutsilyo ang puso nito sa mga narinig nito.

"R-rey... a-ang tanga-t...tanga ko. Ang daya mo n-naman... b-bakit ngayon pa. N-ngayon pa na... natutunan na k-kitang mahalin?"

Tila may isang malungkot na musika ang bumabalot sa loob ng apartment ni Reynel nang mga sandaling iyon. Hindi makapaniwala si Reynel sa kanyang narinig.

"R-reynel... Please... H-huwag mo akong iiwanan... A-alam ko naman na sa-sa... sa 'yo lang talaga ako sasaya... Please..." Mas humigpit ang pa ang yakap ng dalaga.

"P-pero Angel..."

Niluwagan ng dalaga ang pagkakayakap niya sa binata. Umiiyak ito at seryosong pinagmasdan ang mukha ng binata.

"I will prove it Rey... Nangako ako sa sarili ko na sa lalaking mahal ko lang ito ibibigay... sa lalaking gugustuhin kong makasama habambuhay..."

Tila may mga talulot ng rosas ang bumuhos ng mga sandaling iyon na sinabayan pa ng musika ng pag-ibig. Nagdikit ang mga labi ng dalawa at tila dumaloy ang isang kuryente sa mga katawan nila.

Ibinigay ni Angel ang first kiss niya sa lalaking alam niya na hindi magsasawang mahalin siya.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon