#19

502 30 6
                                    

#19

LINGGO, may pangako si Reynel sa kapatid ni Angel na pupuntahan niya ito para igawa ng project. Kaso, medyo may lagnat pa siya kaya naisipan na lang niya na itext ang dalaga.

"Gudmorning. di aq mkkpunta sa inyo now. may lagnat aq... sorry, pasabi ka art. slamat."

Napatingin na lang sa kawalan si Reynel habang nagkakape ng umagang iyon. Medyo bumuti naman ang pakiramdam niya, kaso naalala niya si Rachel... mukhang galit ito sa kanya.

Naisipan niyang tumayo at lumakad papunta sa pinto. Binuksan niya iyon at tumingin sa labas. Sa bahay ni Rachel. Bukas na ang ilawsa bahay. Medyo madilim pa ng umagang iyon. Seryoso niyang tiningnan ang bintana sa kabila hanggang sa isang anino ang biglang lumapit doon. Nahawi ang kurtina at bumukas iyon.

Nagyelo ang mga paa ni Reynel. Bukas din ang ilaw sa labas kaya makikita siya ng dalaga. Bumungad nga sa kanya si Rachel na tila galing pa sa pagtulog. Magulo pa ang buhok nito.

Ewan ba ni Reynel, bigla na lang niyang kinawayan ang dalaga.

Inirapan naman siya ni Rachel sabay sara ng bintana at agad na pumasok sa loob. Pinatay rin nito ang ilaw kaya muling dumilim sa loob ng bahay.

"Ang engot ko..." sambit na lang ni Reynel na nilukuban na ng kahihiyan.

MGA alas-nueve ng umaga, narinig ni Reynel na nagkahulan ang mga nakakulong na aso na alaga ng ina ni Rachel. May bisita ang unang pumapasok sa isip niya. Sa mga borders lang kasi hindi natahol ang mga iyon.

Naisipan tuloy ng binata na sumilip sa bintana at tingnan kung sinong nasa may gate.

Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang makita kung sino iyon. Pinapasok iyon ni Rachel at siya namang paglakad ng dalawang bisita papunta sa apartment niya.

Sunod-sunod na katok ang agad niyang narinig sa kanyang pinto.

"Kuya! Kami po ito ni ate!"

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon