#22

522 26 6
                                    

#22

NAKATULALA sa kawalan si Reynel matapos umalis ang magkapatid. Lutang na lutang siya. Parang ayaw niyang maniwala sa mga nangyari. Ramdam pa niya ang lambot ng labi ni Angel at parang ayaw niya ring maniwala.

"M-mahal ako ni Angel..." Kasunod noon ay tila nakaramdam siya ng kagaanan sa dibdib. Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa.

"Hoy! Kumusta ka?"

Tila bumalik sa reyalidad si Reynel nang may biglang nagsalita. Si Rachel iyon, nakatayo ito sa pintuan.

"A-ah, okay naman ako. P-pasensya ka na nga pala kanina..." nakangiting sabi ni Reynel at naglakad siya papunta sa harapan ng dalaga.

"Nag-iyakan kayo 'no?" usisa ng dalaga nang mapansin ang basang pisngi ng binata.

"A-ah, e-eh... Oo."

"Masaya ka? Ano ba'ng nangyari?"

"Sinabi niyang mahal na niya ako..." nakangiting sagot ng binata. Tila may kung ano namang sakit ang biglang kumurot sa dibdib ni Rachel.

"Ah, talaga? Happy ako para sa inyo..." Pagkatapos noon ay tumalikod ang dalaga at naglakad palayo.

"Hoy! Pasaan ka na?"

"S-sunog na iyong s-sinaing..."

Kusang pumatak ang luha ni Rachel. Napaiyak siya sa narinig.

"Bakit ganun, bakit ba ako napapaiyak sa narinig ko? Mahigit isang linggo pa lang naman kaming nagkakakilala... Bakit Rachel? Kainis ka!" sabi ng dalaga na agad-agad pumasok ng bahay at doon ay napaiyak na talaga siya.

Sa maikling panahon ay agad nahulog ang loob niya sa binata. Isang taon na rin ang nakakalipas, matapos siyang maka-move on sa huli niyang heartbreak. Marami na siyang naging boyfriend at lahat iyon ay iniwanan siya. Dahil doon, lagi na siyang nalulungkot kasi pakiramdam niya at tatanda na siyang dalaga. Hanggang sa nakilala niya si Reynel, no girlfriend since born. Laging nababasted, hopeless romantic. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkagusto siya rito. Ramdam niya na mamahalin siya nang ganitong lalaki. Hanggang sa nahulog na siya rito, kaso, mukhang hindi mangyayari ang gusto niya dahil alam niyang mahal ng binata si Angel.

"Masaya na rin dapat ako kasi, magiging makulay na rin ang lovelife mo Reynel..." sabi na lang ni Rachel sa isip, kaso sa kabila noon ay nadudurog ang kanyang puso.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon