#8

568 30 1
                                    

#8

HINDI alam ni Reynel kung dapat ba siyang mas ma-badtrip sa mga nangyari. Ang kina-b'wisetan kasi niyang babae nitong umaga ay ang panganay na anak pala ng may-ari ng apartment niyang inuupahan... at sa ayaw niya, ito na pansamantala ang mamamahala rito.

"Anak pa talaga ni Tita?" sambit na lang ng binata habang nagpapalit ng damit.

KUMAKAIN si Reynel ng biscuit nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Nilunok agad niya ang kanyang nasa bibig nang makitang si Angel ang tumatawag. Napabuntong-hininga rin siya, paano raw ba naman siya makakamove-on sa dalaga kung ganito.

"A-ah... Hello?" bungad ni Reynel.

"A-ahm... Rey, sensya sa abala. Sabi kasi ni Art na tawagan kita."

Medyo napangiti si Reynel nang marinig ang malambing na boses ng dalaga sa kabilang linya.

"Kung pupunta ka raw ba ngayon uli dito?" dagdag pa ni Angel.

"Ate! Ano'ng sabi ni Kuya?!" Narinig pa nga ng binata ang boses ng bata.

"P'wede bang makausap ko si Art?" tanong ng binata.

"S-sige, 'eto oh..."

"Kakausapin ka raw ni kuya mo." Rinig din ng binata ang sinabing iyon ni Angel sa kapatid nito.

"Hello Kuya!" sabi agad ni Arthur.

"Kuya, pupunta ka ba ngayon dito? Hihintayin kita!" pahabol pa ng bata.

Huminga muna nang malalim si Reynel.

"Art, sorry ha. Medyo masakit kasi katawan ni Kuya. Baka hindi ako makapunta riyan," pagsisinungaling ng binata.

"E bukas kuya?"

"Baka hindi rin Art. Busy kasi ako..."

"Ganun ba kuya? Papa-drawing kasi sana ako para sa project ko..."

Ramdam ng binata na parang lumungkot ang bata.

"Bahala na nga!" wika niya sa sarili.

"Hanggang kailan ba iyang project mo?"

"Sa Friday next week kuya ang pasahan," sagot ng bata.

"Sunday! Pupunta ako diyan. Ipagdo-drawing kita." Ginulo na lang ni Reynel ang buhok niya pagkasabi noon.

"Yes! Salamat kuya..." Napangiti na lang si Reynel dahil doon.

"A-ahmmm, hello Rey?" Na kay Angel na uli ang cellphone.

"S-sorry sa abala..." dagdag pa ng dalaga.

"Okay lang... pero sana, tulungan mo rin ako. Ang hirap e," wika ni Reynel at bigla siyang nakaramdam ng lungkot.

"K-kapag nakikita kasi kita... basta!" dagdag pa ng binata.

"R-rey..."

"Sige na. Magpapahinga na ako. Bye..."

"T-teka Re..." Pinatay na agad ni Reynel ang tawag ng dalaga. Hindi na niya hinintay ang sunod pa nitong sasabihin. Nang mga sandaling iyon ay ang bigat-bigat ng dibdib niya. Naiiyak siya dahil pa rin sa nangyari sa isang taon niyang panliligaw sa dalaga. Mas masakit, bago pa niya nakilala si Angel ay maraming beses na rin siyang na-reject ng mga nililigawan niya... pero ang dalaga ang pinakamatagal niyang niligawan kaya mas napamahal lalo sa kanya ito.

ISANG biglang malakas at sunod-sunod na katok ang pansamantalang nagpawala ng nararamdaman ni Reynel. Agad niyang pinunasan ang mukha at dali-daling binuksan ang pinto.

"S-sino po sil..."

"Mister! 'Eto nga pala ID mo."

Bumungad sa kanya ang nakataas ang kilay na si Rachel at dala-dala ang nawala niyang company ID. Agad din niya iyong kinuha.

"Salamat..." mapait na sabi ni Reynel. Isasara na sana ng binata ang pinto kaso pinigilan siya ng dalaga.

"Teka!"

Gusto ni Reynel mainis. Gusto niyang sigawan ang dalaga dahil bub'wisetin na naman siya nito.

"Bakit ba?" pagalit na tanong ni Reynel.

"Wala naman! Ang panget mo nga pala talaga..." sabi pa ni Rachel sabay tawa. Gusto kasi niyang bumawi sa binata dahil sa nangyari kaninang umaga.

"Masaya ka na ba Miss?" nakangiti pero malungkot namang tinuran ni Reynel.

"Salamat sa compliment. Alam ko naman iyan e. Kaya siguro binabasted ako lagi ng mga niligawan ko..."

"Sige na Miss, kailangan ko nang magpahinga dahil masakit ang katawan ko," malungkot pang sinabi ni Reynel at dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng bahay. Malungkot siyang umupo at tumingin sa kawalan.

Naiwan naman si Rachel sa tapat ng pinto na parang na-guilty sa kanyang ginawa. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya. Gusto niyang katukin uli ang pinto, pero hindi niya magawa. Umalis na lang siya at biglang bumingat ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon