#9

514 29 3
                                    

#9

"MISTER!" Ito ang tawag na bumungad kay Reynel paglabas niya ng bahay. Si Rachel iyon. Tiningnan lang niya at dalaga at bumuntong-hininga. Pupunta na ang binata sa trabaho at ayaw niyang ma-badtrip nang maaga.

Patuloy lang na naglakad si Reynel.

"Hoy! Stop!" Hinarangan ni Rachel ang daraanan ng binata. Dumipa pa ang dalaga kaya nailang si Reynel sa parte ng katawan ng dalaga na nakatutok sa kanya.

"Agang-aga naman oh. Pwede bang 'wag kang mambwiset?" Napahawak na lang sa noo si Reynel at iniwanan ang dalaga.

"Sorry!"

Kaso napakunot-noo ang binata sa sunod na narinig.

"Para saan?" Nilingon niya si Rachel. Hindi niya maramdaman ang pagiging masungit nito.

"Rachel nga pala..." Lumapit ang dalaga kay Reynel at inayang makipagkamay.

"Ano kayang nakain nito?" tanong na lang ng binata sa sarili.

"Aalis na ako! Male-late na naman ako e..." Itinaas pa ni Reynel ang kamay na parang sumusuko.

Kumunot-noo naman si Rachel. Parang nainis ito, kaya agad kinuha ng dalaga ang isang kamay ni Reynel at sapilitang nakipagkamay.

"Reynel! Alam ko! Nakita ko sa ID mo..." sabi pa ng dalaga. Agad namang bumitaw si Reynel. Parang nahiya siya.

"Sige... aalis na ako..." Nagmamadaling lumabas ng gate si Reynel.

"Reynel!"

Napalingon ang binata at nakita niyang nakangiti si Rachel. Parang ayaw niyang maniwala.

"Samahan mo akong mag-grocery mamayang hapon! Kapag hindi ka pumayag, dodoblehin ko ang bayad ng renta mo!"

Napailing na lang si Reynel at agad pumara ng tricycle. Parang kinabahan siya. Naisip niyang baka pagti-trip-an lang siya nito.

"Bahala na nga..."

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon