#16

531 31 2
                                    

  #16


HINDI pinansin ni Reynel ang sinabi ni Rachel, ramdam nga rin ng dalaga ang lungkot ng binata. Gusto niyang tanungin ang binata ngunit naisip niyang huwag na lang. Ilang araw pa lang na nakikilala ni Rachel ang binata, pero gusto na niyang maging malapit sa binata. Akala niya ay kanyang hindi na makikita si Reynel mula sa hindi magandang pagtatagpo ay heto at nagkita uli sila. Tila may dahilan ang lahat kung iisipin. Isa pa, tulad ng binata, malungkot din ang buhay pag-ibig ng dalaga.


"Okay, ayaw mong magsalita e," mataray na sabi ni Rachel at itiniklop na lang nito ang kanyang dalang payong. Doon na napalingon si Reynel sa dalaga.


"Bakit mo inalis ang payong mo? Mababasa ka ng ulan!?" ani ng binata pero pinagtaasan lang siya ng kilay ng dalaga na basang-basa na rin ng ulan.


"Ba't ang suplado mo? Bakit, may angal ka?" Gustong mainis ni Reynel at agad na kinuha ang payong mula kay Rachel. Agad niya iyong binukad at pinayungan ang dalaga.


"Ihahatid na kita sa loob, para kang bata," sabi ni Reynel na napailing na lang.


"Broken-hearted ka na naman 'no? Nag-emo ka sa ulan e," wika ni Rachel at bahagya pa itong natawa.


"Hindi ah!" mabilis na sagot ni Reynel. Ayaw niyang umamin.


"Weh? Kaninang umaga, ang saya mo. Tapos ngayon, hindi. 'Anyare?" dagdag naman ng dalaga at nakarating silang dalawa sa terrace ng bahay nito.


"Wala nga! Huwag ka ngang matanong, hindi tayo close!" Napataas ng boses si Reynel na ikinatahimik ni Rachel.


"Oo na! Tangina mo!" Pagkasabi ni Rachel no'n ay pumasok na ito sa loob ng bahay. Padabog din nitong isinara ang pinto.


"Ang pangit mong gago ka!" Sigaw pa ng dalaga, pero hindi iyon pinansin ni Reynel. Pumunta na siya sa kanyang apartment pagkatapos. Nagpalit agad ang binata ng damit at nagtimpla ng kape. Kinuha niya ang kanyang cellphone. Basang-basa iyon at pinilit niyang gumana. 


"Patay! Nasira pa yata..."


KINABUKASAN, maagang nagising si Reynel. Giniginaw siya at nanginginig ang katawan.


"Malas, nilalagnat pa yata ako..." sabi niya at agad na nagbalot ng kumot. Muling nakatulog si Reynel. Nagising na lang siya nang mga alas-otso. Sira pa ang cellphone niya at hindi siya maka-text sa kanyang supervisor na hindi siya makakapasok. Pinilit niyang magluto kaso, ang bigat ng katawan niya. Mukhang tinamaan siya ng trangkaso. Wala pa naman siyang gamot na nakatago.


"B'wiset..." Napaupo na lang siya sa sahig at napasandal sa dingding, hanggang sa biglang may kumatok sa pinto ng kanyang bahay.


"A-ah. Istorbo..." Paika-ika na pumunta ang binata sa pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya si Rachel.


"Ba't hindi ka pumasok sa trabaho?" Sasagot na sana si Reynel, kaso, biglang umikot ang kanyang paningin at bigla na lang natumba.


"Reynel!" Mabuti't maagap si Rachel. Nasalo agad niya ang binata.


"A-ang bigat mo!" Hanggang sa naramdaman ng dalaga na mainit ang binata.


"Reynel, ang taas ng lagnat mo!" Kita sa mga mata ng dalaga ang labis na pag-aalala at agad niyang inakay ang binata sa higaan nito. 

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon