#26

567 26 0
                                    


#26


ISANG romantic movie ang napanood nila. Isang kwento ng lalaki't babae na parehong sawi sa pag-ibig. Pinagtagpo at nagkatuluyan.


Tulog si Reynel habang umiiyak na si Rachel habang nanonood. Tuloy rin ito sa pagnguya ng popcorn. Dahil nga sa sobrang focus sa palabas ay hindi niya napansin na natutulog pala ang kanyang kasama.


"A-ang ganda ng movie 'no?" sabi ng dalaga sabay tingin kay Reynel. Parang nainis siya sa nakita. Sandali siyang tumingin sa paligid. Medyo mababa naman ang ulo ng binata kaya hindi kita ng mga nanonood. Wala ring tao sa likuran nila kaya may naisip na kapilyahan ang dalaga. Binasa muna niya ang kanyang labi pagkatapos ay dahan-dahang inilapit iyon sa labi ng binata. Pumikit siya at binigyan niya nang mainit na halik ang binata. Hindi lang iyon simpleng halik. Kinagat-kagat pa niya ang lower lip ni Reynel at salitang ninamnam. Doon na nga napamulat ang binata.


"Uhmm?" ungol ni Reynel nang makaramdam na may malambot na labi ang kasalukuyang lumalapa sa kanyang labi. Kakaibang sarap ang dulot noon. Napapikit na lang din siya at lumaban ng halik sa dalaga. Akala niya ay panaginip lang iyon. Ramdam niya ang pagmamahal sa halik na iyon. Tumaas din ang init sa katawan niya. Napahawak siya sa likod ni Rachel at napahaplos doon ng paulit-ulit. Nagsupsupan sila ng labi ng halos isang minuto nang walang nakakapansin.


TULALA si Reynel nang lumabas na sila ng sinehan. Hindi siya makapaniwala. Nakarehistro pa rin sa isip niya ang nangyari sa loob. Nasa labi pa rin niya ang pakiramdam ng halik ni Rachel. Parang nahiya siya sa dalaga.


"Bakit hindi ka nagsasalita?" natatawang tanong ni Rachel.


"Sira-ulo ka! Bakit mo ginawa iyon?"


"Bakit? Ayaw mo? Nag-enjoy ka nga."


"Dapat sa lalaking deserving mo ginagawa iyon.


"Bakit hindi ka ba deserving?" Natigilan si Reynel sa narinig.


"Dalawang linggo pa lang tayo nagkakakilala. Masyadong mabilis iyon."


"Wala sa tagal o bilis ng pinagsamahan nasusukat ang pag-ibig. Wala iyong pinipiling oras, at bilis ng panahon. Kapag nandiyan na, nandiyan na!"


Napasulyap si Reynel sa dalaga at lihim na ngumiti. Sa tuwing nalulungkot siya ay lagi raw dumarating ang babaeng ito para pasayahin siya.


"Ang seryoso mo!" Sinamahan pa ni Reynel ng tawa.


"Tangina mo!" sagot naman ng dalaga.


"Magmeryenda muna tayo bago umuwi. Tayo sa food court," dagdag pa ng dalaga.


"Wala nga akong pera."


"Utang nga 'di ba?"


"Oo, sa pagsahod ko. Bayaran ko. Next week, magkakasahod na ako."


"Nood uli tayo ng sine?" tanong ng dalaga.


"Oo na. Ikaw lang naman ang nanood."


"Paano'y natulog kang panget ka."


"Pagod ako e."


"Tayo na kumain, ikaw ang omorder. Wala kang lagay e," sabi ng dalaga at naupo na sila sa mesa.


"Opo ma'am!" Habang kumakain sila ng lugaw with egg ay biglang napadaan sa tapat nila si Angel at Martin.


"Rey? A-akala ko uuwi ka na?" Napatingin ang dalawa sa nagsalita. Nagka-ideya agad si Rachel kung bakit malungkot kanina ang binata.


"A-ah. Oo nga, pagkatapos namin dito," sagot ng binata.


"Tol, sino iyang kasama mo?" tanong naman ni Martin.


"Kaib---" Hindi na naituloy ng binata iyon.


"Hi! I'm Rachel, girlfriend niya." Nakangiting sabi ni Rachel na ikinabigla ni Reynel.


"Ah, I see! Sige Tol, sige Rachel. Una na kami ni Angel," paalam ng binata at umalis na silang dalawa.


"Bakit mo sinabi iyon?" tanong ng binata.


"Bakit, malalaman ba ng lahat? Kaya ka pala narito..." wika ng dalaga.


"Oo, niyakag kasi ako ni Angel na mamili. Tapos, dumating iyong lalaki." Medyo lumungkot ang aura ni Reynel.


"Akala ko talaga mahal ka no'ng Angel. Pero, pinaglalaruan ka lang niya. Kita ko sa mata niya, masaya siya na kasama iyong guy." Parang tinusok ng maraming karayom ang puso niya sa kanyang narinig.


"Siguro nga tama ka... Nga pala, Rachel."


"Salamat!" Nginitian ni Reynel ang dalaga at sa hindi inaasahang pagkakataon ay namula ang pisngi ni Rachel.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon