#10

537 27 7
                                    

#10

PAGKALABAS ni Reynel mula sa trabaho ay agad din siyang umuwi. Nawala na nga rin sa isip niya ang sinabi ni Rachel noong umaga. Gusto lang niya ay makapagpahinga dahil napagod siya. Isa pa, baka makita pa niya si Angel na gusto na niyang iwasan.

Agad inilapag ni Reynel ang gamit niya sa lamesa at nagdiretso sa higaan. Dumapa siya. Pumikit at parang nabawasan ang pagod niya. Gusto na niyang matulog kaso biglang may kumatok nang malakas sa pinto.

"B'wiset! Sino kaya ito?" Agad nagpunas ng mukha si Reynel at mabilis na binuksan ang pinto. Doon nga bumungad si Rachel at natulala siya.

Nakasuot ng black sleeveless at fitted white jeans ang dalaga. Nakaayos ang buhok at may kapulahan ang labi. Amoy na amoy rin ang pamango nito.

"K-kailangan mo?" tanong ni Reynel sa dalaga.

"'Di ba sabi ko, samahan mo ako?" taas-kilay pang sabi ni Rachel.

"Seryoso ka talaga? Hindi ba pwedeng iba na lang? Pagod ako e," sagot ng binata na napakamot na lang sa ulo. Pero hindi rin niya maiwasang mapatingin sa dalaga.

"Dami mong satsat! Tayo na!" sabi ni Rachel.

"Masakit katawan ko... iba na lang."

"Shut... up! Dami mong arte! Babae na nga ang nagyayakag, tapos aayaw ka pa," inis na sabi naman ng dalaga.

Bahagyang natahimik ang binata. May punto nga ang dalaga... pero...

"Kaya nga mas mabuting huwag na. Nakakahiya na sa 'yo. Ako pa talaga... ako na is---" sabi ni Reynel kaso hindi na niya naituloy.

"Shut up! Samahan mo na ako! Tapos ikwento mo iyang bigat sa dibdib mo... Okay? Makikinig ako..." seryosong sabi ni Rachel at hinila niya si Reynel palabas.

"T-teka... isasara ko lang ang pinto..." Hindi na nakapagpalit ng damit si Reynel. Suot pa rin niya ang uniform niya sa trabaho. Agad pumara ng tricycle ang dalaga at sumakay ang dalawa papunta sa bayan.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon