#14

555 28 11
                                    

#14

RAMDAM ni Reynel ang kakaibang saya nang siya ay magising. Hindi pa rin siya makamove-on. Ang tila panaginip na nangyari sa kanya ay totoo lahat. Ang usapan nila ni Angel, hindi niya inaasahang mangyayari iyon.

"P'wede bang pumunta ka uli lagi dito sa amin? Hindi kasi ako sanay kapag hindi kita nakikita..."

Kahit alas-dose y medya na sila nakatulog ay hindi man lang siya nakaramdam ng puyat. Sino ba namang aantukin kapag nakausap na niya ang babaeng pinakamamahal niya?

"Rey, ano'ng oras ang labas mo bukas galing sa trabaho?" tanong ni Angel bago sila matapos sa pag-uusap sa cellphone.

"Alas singko, ikaw?" Ngiting-ngiti namang sagot ng binata.

"Alas sais pa ako e."

"A-ah, hihintayin kita paglabas. Ako na rin ang maghahatid sa 'yo pauwi. K-kung okay lang sa 'yo?" Tulad lang din ng dati, ganito rin ang ginagawa ni Reynel nang nililigawan pa niya si Angel.

"Okay! Tamang-tama, walang pasok bukas si Art..." Sabay na napangiti ang dalawa nang mga oras na iyon.

Tila ibang Angel naman ang kausap ni Reynel nang mga oras na iyon.

PAGLABAS ni Reynel mula sa apartment ay nabungaran naman niya ang isang dalaga na nagwawalis. Maikli ang suot na shorts at nakasuot ng maluwag na tshirt. Si Rachel iyon. Napalunok tuloy siya ng laway nang mapatingin ito sa dalaga. Eksaktong nakatuwad ito dahil may binubunot na damo.

"Susmaryosep!" sambit naman ni Reynel at agad ikinandado ang pinto ng apartment. Papasok na siya sa trabaho nang mga oras na iyon.

Lumakad siya at kunwari'y walang nakita.

"R-reynel?"

Napatigil ang binata nang marinig niya iyon. Ayaw niyang lingunin ang dalaga dahil parang nahiya siya.

"Goodmorning!" Mabilis na naglakad si Rachel papunta sa harapan ng binata.

"A-ah, eh. Goodmorning din..." Naiilang na sagot ng binata na hindi naman makatingin nang maayos sa dalaga.

"May problema ka ba? Ba't parang pinapawisan ka?" Pagtataka ng dalaga.

"Eh, paano, halos makita ko na ang ano sa suot mo." Gusto sanang isagot ni Reynel kaso, takot siyang masampal.

"Ah... eh... wala. S-sige na. Papasok na ako sa trabaho. Baka ma-late ako..." Dumiretso na si Reynel papunta sa tabing kalsada.

"Hoy! Pansin ko, parang may nangyari ah. Ang sigla ng aura mo," pahabol naman ni Rachel. Pasimple namang lumingon ang binata at nginitian ito.

"Ingat ka!" dagdag pa ng dalaga.

"S-salamat. Ikaw rin..." sabi naman ni Reynel, sabay lunok uli ng laway.

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon