#6

539 29 0
                                    

#6

"SORRY Miss!" sabi kaagad ni Reynel. Sa pagmamadali kasi ay isang babae ang nasanggi niya ang braso. Nalaglag tuloy ang mga dala nito.

"Ano ka ba naman kuya? Tingin din sa daan!"

"P-pasensya ka na Miss. Nagmamadali kasi ako..." sabi pa ni Reynel at agad niyang tinulungan ang babaeng halos kaedad niya.

"Kaya ko na 'to! P'wede ka nang umalis..." pasungit na sagot naman ng dalaga.

Si Reynel nga ay pansin ang pagkamataray at masungit nito.

"Buti sana kung pogi ang nakasanggi sa akin... matatanggap ko pa.." mahinang sabi pa ng dalaga. Kaso, narinig iyon ng binata. Hindi nga niya nagustuhan iyon. Parang nainis si Reynel.

"Nakakatuwa ka naman Miss. Alam kong hindi ako gwapo, kaya sorry kung bakit sa dinami-rami ng lalaki ay ako pa ang nakabunggo sa 'yo!"

"Ano ba'ng paki mo!? Tatanga-tanga ka kasi."

"Naku!" Gusto na sanang patulan ni Reynel ang babae pero nagtimpi siya. Tiningnan na lang niya ang relo niya at nakitang male-late na siya. Naisip niyang iwanan na lang iyong babae.

"Ang bastos? Iwanan ba naman akong pinupulot ang mga ito?"

"Ayaw ko nang tulungan ang babaeng gaya mo. Feeling maganda!" sagot naman ni Reynel at tuluyan na niyang iniwanan ang babae.

"Pangit! Pango!"

Napailing na lang ang binata. Tanggap naman niya. Kaya nga siguro hindi siya nagustuhan ni Angel dahil sa itsura niya.

*****

NAPAMURA na lang si Reynel nang hindi siya papasukin ng guwardiya sa pinagtatrabahuhan niya. Paano, wala pala ang ID niya. Tangibg lace lang ang suot niya. Kaso, tanda niya na nakalagay pa iyon kanina nang nasa byahe siya.

Mas na-badtrip pa ang binata nang maalala niya ang pagmumukha no'ng babae na nasanggi niya.

"Baka kinuha ng babaeng iyon... o natanggal dahil sa kanya. B'wiset!"

Pero mabuti na rin dahil nakapasok din siya. Humingi kasi siya ng tulong sa kanyang supervisor. Pero una't huli na raw iyon. No choice tuloy ang binata kundi magpagawa uli ng bagong company ID.

"Bad mood ka yata brad?" tanong kay Reynel ng katrabaho niya.

"Nawala kasi iyong ID ko. Tapos kanina, may b'wiset na babae pa akong nasanggi. Doon yata nawala," sagot ni Reynel na unti-unti nang kumakalma.

"B'wiset?"

"Paano brad, bukod sa masungit... aba, pulaera pa ang lintek..." Napak'wento na tuloy si Reynel sa kasama.

"Naku brad... parang diyan sa mga ganyan nagsisimula ang lahat?" sabi kay Reynel ng kasama niya.

"Gago! Hindi na kami magkikita no'n!" natatawang sagot ni Reynel.

"Malay mo brad... siya na pala." Napatawa rin ang kasama ng binata.

"Ulol!"

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon