#15

523 31 2
                                    

#15

EXCITED na nagpunta si Reynel sa loob ng Jollibee kung saan nagtatrabaho si Angel. Inamoy-amoy pa nga niya ang sarili dahil baka amoy pawis pa siya, pero hindi na. Halos liguan ba naman niya ang sarili ng pabango. Napatingin pa siya sa oras sa kanyang cellphone.

"5:58."

Hindi na siya mapakali habang hawak-hawak ang mapulang bulaklak na rosas na ipinatabi pa niya sa tindera kaninang umaga.

Saglit na iniikot ni Reynel ang kanyang mga mata sa loob at nakita niya si Angel. Mukhang naka-out na ito dahil dala na nito ang gamit nito.

"Miss Angel, ako na ang magdadala niyan." Biglang isang gwapo at pormadong lalaki ang biglang sumalubong sa magandang dilag. Ang ilan sa mga crew ng fastfood chain ay tila kinilig, lalo na ang mga babae. May dala pa ang lalaki na magarang boquet.

Hindi sana iyon tatanggapin ng dalaga pero, nahiya na siya sa mga tao sa paligid.

"Bagay kayo Ma'am," sabi ng isa sa mga kumakain.

"Ang s'werte ninyo Ma'am," dagdag pa ng iba.

Napangiti na lang si Angel at saglit na inilibot ang tingin sa paligid. Tila may hinahanap.

"A-ako na ang maghahatid sa 'yo pauwi. Okay lang ba?" tanong ng binata at isang makalaglag-panty na ngiti pa ang binitawan nito. Mukhang bagong manliligaw ni Angel. Sa labas ay nakaabang ang itim na motor nito, at ang astig ng porma.

"Huwag mo nang tanggihan Ma'am. Bibihira na po ang ganyang lalaki. Mukha namang mabait si Sir," sabi ng guard ng kainan.

Ang totoo, kilala ni Angel ang binata. Classmate niya ito noong high school. Sa Manila ito nagtapos at nagtrabaho, ngayon ay muli itong umuwi para magbakasyon. Siya si Martin, ang first love ni Angel.

"Sira ka talaga Martin!" sabi ni Angel, sabay hampas sa balikat ng binata.

"Tayo na. Hindi ka nagsabing uuwi ka."

"Surprise nga ito Gel. Na-miss mo ako 'no?" wika naman ng binata at nagkangitian ang dalawa. Isa namang malakas na Yihhh! ang narinig mula sa marami. Tila kasi nakapanood sila ng isang nakakakilig na eksena sa pelikula.

Nang mga sandaling iyon, ang inaasahan ni Angel na maghahatid sa kanya ay nawala sa kanyang isip dahil sa pagdating ng kanyang first love. Sabi nga nila, first love never dies.

TILA isang bulaklak na nalanta si Reynel sa kanyang nakita. Nabitawan niya ang hawak niyang bulaklak. Ang mga paa niya ay nagyelo. Gusto niyang habulin si Angel. Pero huli na ang lahat. Pinangunahan siya ng takot at hiya. Tanging usok na lang ng motor ang huli niyang nakita.

Ang langit ay unti-unting nabalot ng itim na ulap. Matamlay na pumunta si Reynel sa sakayan. Napatingin siya sa cellphone niya. Walang message.

"Ang tanga mo! Kapag wala na! Wala na!" sabi ng isang parte ng kanyang utak sa sarili.

Sumakay siya sa tricycle at tahimik lang siya na tumingin sa kawalan. Kaso, sa kamalas-malasang pagkakataon, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nauna na ito bago sa pagbuhos ng luha ng kalungkutan.

Basang-basa si Reynel na bumaba ng tricycle. Wala siyang pakialam kung magkasakit. Malakas pa rin ang ulan, pero hinayaan lang niya ito na buhusan siya. Kasabay noon ay ang pag-agos ng kanyang luha. Isa siyang lalaki na may mababaw na luha, madali siyang maiyak at iyon ang kinaiinisan niya. Parang tinamad siyang maglakad at mas pinili na lang na nakatayo sa tabing kalsada habang bumubuhos ang tubig ng langit.

Ngunit sa gitna ng pagbuhos ng ulan ay isang nilalang ang sumangga rito para pawiin ang bigat nito. Sa pagkakataong iyon, isang anghel ang bumaba mula sa kung saan. Dala ang payong na pula at nakahanda itong bawasan ang luha mula sa mga matang umiiyak.

"Gusto mo bang magkasakit, Mister?"

LabstoriKuno (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon