Kinabukasan
Ivan's POV
"Bro akala ko talaga mamatay na ako kahapon" sabi ko sa kakambal ko habang naglalagay ng band aid sa mukha. Ang gwapo kong mukha
"Mamatay agad? Wag OA Ivan" siya na busy sa kanyang ginagawa. Ano na nman kaya kinakalikot neto sa laptop niya
"Bro ang sweet mo talaga. Feel na feel ko" sarcastic kong sabi. Hindi na nagsalita eto.
Kung hindi lang dahil kay Ruth baka nasaksak na ako kahapon. She's my savior. Nung una ko pa siya nakita nakuha na niya agad yung atensyon ko. Pareho kaming napaangat ng ulo ni kambal ng bumukas ang pinto. Pumasok nman si Andrei. Ang panget niya. Hahaha
"Drei, nabugbog ka lang pumanget ka na" natatawa kong asar sa kanya
"Manahimik ka ng Ivan! Ang aga mambwesit eh noh. Panget ka rin nman!" bwelta niya. LOL Mas gwapo pa din ako sa kanya
Sunod na dumating si Hiro at huli si Lander. Wala kami sa HQ ngayon, hindi na rin kami pumasok sa school dahil sa mga pasa namin sa mukha, bawas pogi points yun. Kung nasan kami ay secret na iyon.
"Hoy Hiro tulala ka na nman" puna ni Andrei sa kanya
"Oo nga pare. Kung tungkol yan kahapon parehas lang tau na nagulat sa ginawa niya" sabi ko naman.
"Hindi yan. Nagulohan lang ako sa sinabi ni Daddy kagabi" siya
"Ano ba sabi ng Daddy mo?" tanong ni Andrei sa kanya
"Siya na nakilala mo pero hindi siya na kilala mo... that's what he said" saad niya
Ha? Bakit ang labo? Tsaka pansin ko na kami lang tatlo nagsasalita. Naputulan naba ng dila si Lander at Kambal?
"HUH?" reaksyon ni Andrei na nakakunot yung noo "Ang gulo nman"
'Siya na nakilala mo pero hindi siya na kilala mo' Paulit ulit na nag re-replay sa utak ko.
"Kaya nga sumasakit ang ulo ko sa kakaisip eh" sabi naman niya
"It means meet and know" singit ni Kambal
Meet and Know? Napaisip ako.. Unti unti ko nmang naintindihan ang sinabi ni Kambal. Talino ko talaga
"Ha? Ano pinagkaiba nun?" litong tanong Hiro
"Ang bobo mo talaga Hiro. Syempre may pinagkaiba yun" pang-aalipusta ni Andrei kay Hiro. LOL
"Ow? Matalino ka ha Andrei? Utot mo! 79 ka nga lang sa math" ganti ni Hiro sa kanya
Hahah. Nakakatuwa talaga pag nag asaran etong dalawa. Nakita ko nmang ngumoso si Andrei. Haha Talo na nman
"Hoy Captain wala ka na bang dila?" pagkuha pansin ko sa kanya. Tinignan nman niya ako ng masama.. wew scary~
"Ano ba kase ibig mong sabihin Ian? Enlighten me" siya at ginaya yung tono na pang theater.
"Tsk. Meet meaning alam mo lang ang pangalan at mukha niya pero hindi ang pagkatao niya. Know means alam mo ang bawat detalye ng buhay niya at kung ano siya. Na gets mo ba?" mahabang paliwag niya. Ang talino ni bro, nagmana sa akin.
"aah" sabay na sabi ni Andrei at Hiro na tumatango pa
Sino ba kase tinutukoy niya. Yung "siya". Haayyss nakaka stress, nakakabawas ng kagwapohan ko. *chuckles*
BINABASA MO ANG
KEIRA
ActionCan someone thaw her frozen heart? Can someone put a smile on her emotionless face? Can someone make her falling in love? Can someone change her? For She is colder than an ice harder than a stone wilder than a beast She don't have mercy She is bruta...