Chapter 33

1.3K 37 5
                                    

Lander's POV

Arggghh.. Idinilat ko ang aking isang mata at kinapa yung phone ko para tignan kung anong oras na. Pucha tanghali na pala. Bumalikwas ako ng bangon pero biglang sumakit yung ulo ko. Napapikit akong napahawak. Sh*t talaga! Naparami yung na inom ko kagabi.

Tumayo na ako at pumuntang banyo para maligo. Pagkatapos ng kalahating oras ay lumabas na akong nakatapis ang ibabang bahagi. Humarap ako sa salamin habang pinupunasan ng towel ang basang buhok. Parang kailangan ko ng magpa haircut.

Matapos makapagbihis ay bumaba na ako. Naabutan kong nagtitimpla ng tea si Mommy. H*ta! Bakit ngayon pa nauwi si Mom. Bihira lang kase siya umuuwi at laging nasa business trip.

"Hi Mom" bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi

"Anong oras ka ba naka uwi?" Tanong niya
"Hoy bata ka! Uminom ka ba kagabi!?"

Potek! Lihim kong inamoy yung hininga ko. Mabango nman ah. Lakas ng radar ni Mom

"NO!" matigas kong sabi. Wala kaseng alam si mom sa pinag gagawa ko. Tinapunan naman ako ng mapanuring tingin. Iniwasan kung salubungin ito at sinubukang ibahin ang topic


"Will you stay here longer?" Tanong ko habang kumuha ng malamig na tubig

"No. Aalis din ako mamaya papuntang States"


Ano pa nga bang aasahan ko. Kinalakihan ko ng wala sila lage.


"Here" may hinagis na susi si Mom. Tinignan ko siya na parang nagtatanong kung ano ito



"Your condo unit. Napag usapan na namin ng Daddy mo na bigyan ka" napangiti ako sa sinabi ni Mom.


Well may pera naman talaga ako. Kaya kong bumili ng sariling unit kaya lang pag nalaman nila Mom ay baka usisain ako. Maala FBI pa nman yun. Mahirap ng malaman nila ang tungkol sa pagiging gangster ko kaya hinihintay kong sila mismo ang mag bigay ng blessing.


Kinuha ko ang susi at nilagay sa bulsa.
"Saan pala ito Mom?" Tanong ko tungkol sa condo


"DLM Condominium" ani ni Mom


Ahhh. Pagmamay ari nila Andrei. Iba talaga si Mom, sinadyang duon kumuha para malaman parin ang ginagawa ko. Sasabihin ko mamaya na--- *cough* nasamid ko yung iniinom ko matapos maalala na duon din pala ang condo ni Ruth.


Taena! Nag flash bigla sa isipan ko yung nangyari sa place niya. Hindi na namin sya ulit nakita simula nuon, suspended pa namn yung klase. Gusto ko siya makita... I snap with that thought. F*ck! What was i thinking. Heck No! Bakit ko naman siya gugustohing makita. Wala akong rason para makita siya. Napailing ako para maiwaksi yung nasa isip ko. I must be crazy.


"Mom i have to go, pupunta ako kila Hiro" paalam ko sa kanya. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon makapag salita, eskapo na agad ako. Mahirap na baka madaming tanong


"Hello Hiro, papunta ako diyan sa inyo. Magpahanda ka ng hangover soup. Oo! Diyan na rin ako kakain" saad ko. Pinatay ko agad yung tawag. Ang daming tanong, sumasakit ulo ko

Dahil nasa iisang subdivision lang kami ni Hiro ay madali lang akong nakarating sa kanila. Bumusina muna ako. Mabilis namn akong pinagbuksan ng gate. Tinabi ko yung kotse malapit sa kotse niya.

Dumiretso agad ako sa dining. Nakaupo na dun si Hiro na naghihintay.

"Nagbakasyon ba lahat ng maid sa inyo at dito ka kakain?" Tanong niya


KEIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon