Ian's POV
Nasa loob ako ng isang silid dito sa Ferrante Empire. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napalunok ng makarating kami dito. Aaminin kong medyo kinakabahan ako pero hindi ko ito pinapahalata kay Ruth.
Sa likod kami dumaan para walang ibang meyembro ng Mafia ang makakita"Get ready"
Medyo nagulat ako ng magsalita sya mula sa aking likoran. Humarap ako sa kanya at kunot-noo siyang tinignan.
Isang mahabang itim na tela na may hood. Sa kaliwang bahagi ng dibdib neto ay may kulay gintong marka na sa palagay ko ay symbol ng Mafia Ferrante. Kung titignan mo si Ruth para siyang kasapi ng isang kulto at siya ang pinuno
"Don't forget to wear your mask" paalala niya bago umalis
Kumilos ako at sinunod ang kanyang utos. I sigh. Ano ba itong pinasok ko. Sa isang iglap naging bahagi ako ng Mafia at kasama ang pinakatinatakutan na assassin.
Matapos kong isuot ang aking mask ay naglakad ako papunta sa isang malaking salamin. Tinignan ko ang aking kabuoan. Suot ko ang piniling damit ni Ruth kanina. Isang loose long sleeve na kalahati ay itim at ang isa ay puti. Ipinaibabaw ito sa plain kong t-shirt na suot kanina. Iniwan kung bukas ang dalawang butones neto sa itaas at Ginulo ko konti ang aking itim at medium length na buhok. Para na akong sasayaw sa Music Bank neto na naka mask dahil sa get up ko.
"Follow me" ani niya ng makalabas ako ng silid.
Tahimik akong Nakasunod na naglakad sa kanya. Mamaya ay lumiko ito at tinahak ang hagdan pababa. Isa ba itong underground? Isang luma pero napaka eleganti ng mga lampara ang nakasabit
Biglang huminto si Ruth sa tapat ng isang pinto.
"Do all the possible ways to survive" makahulogan niyang saad pag harap sakin with her usual cold face. Isinuot na neto ang kanang hood na natakpan ang halos buong mukha neto at tanging ang kanyang mga labi na lamang ang nakikita
Ano bang ibig niyang sabihin? Ipapa massacre ba niya ako sa loob?
Inilibot ko ang aking mga mata ng makapasok kami. x4 ata ang laki neto sa ibang silid. May parang spotlight sa gitna at sa dulong bahagi. Doon may naka upo na sa tingin ko 6 na katao. Kapareha ni Ruth ay naka hood at natatakpan ang mga mukha
"Stay here" siya at naglakad patungo sa bilogang mesa. Naiwan akong nakatayong mag isa sa gitna
5mins... 10mins..
Medyo naiinip na ako. Hindi ko nman marining ang kanilang pinag uusapan. Ilang sandali ay naagaw ang atensyon ko ng tumayo silang lahat. Pumwesto ang anim sa likod ni Ruth.
"The Holy Trinity has decided!"
Ha? Holy What? At anong napag desisyonan nila?
"Ikaw ay binibigyan ng pagkakataon para maipakita ang iyong kakayahan. Kung sakali man na ikaw ay hindi magtagumpay, You'll die"
W-what??
"Now Begin"
Hindi ko pa nga lubusan na naiintindihan ang kanyang sinabi ay bumukas ng malakas ang pinto. Pumasok ang madaming lalaking nakaitim at agad akong pinalibutan
F*ck
-----
Ruth/Zephy's POV
Umupo ako sa gitna ng pabilog na mesa dito sa Underground ng F.E.. Kasama ko ang kasapi ng Holy Trinity at ang kanilang mga kanang kamay. Ipinatawag ko sila para ipakilala si Ian bilang miyembro ng Mafia. Sa totoo lang pwede nman maging member si Ian ng MF dahil ako ang nagpasok sa kanya. Pero naging tradisyon na ng MF ang ganetong pag uusap at bigyan ng test ang bagong magiging myembro ng Mafia. Para na rin maipakita ang kanilang kakayahan
"Siya ay magiging bagong myembro ng Mafia. Kung meron mang tumututol ay maaaring magsalita" saad ko
"Pagpaumanhin mo Queen pero paano natin malalaman na hindi siya espiya"
"He will be my right hand. Ako ang pumili sa kanya kaya makakaasa kayong mapagkakatiwalan niyo sya"
"Isang malaking reponsibiladad ang maging kanang kamay mo Queen. Karapat dapat ba siya sa ganung posisyon?"
"Kaya ko kayo ipinatawag para masaksihan niyo mismo kung ano ang kakayahan niya." alam kong iba sa si Ian sa kanilang magkakaibigan
"At anong mangyayari sa kanya kung sakaling hindi niya malagpasan ang pagsubok na ating ibibigay?"
"He will face Death" malamig kong tugon.
Pagtapos ng aming pag usapan ay napagdesisyon na bigyan siya ng isang chance para ipakita ang kanyang kakayahan.
Tumayo ako at humarap kay Ian na hanggang ngayon ay nakatayo lamang sa gitna
"The Holy Trinity has decided!" ani sa medyo malakas na boses
"Ikaw ay binibigyan ng pagkakataon para maipakita ang iyong kakayahan. Kung sakali man na ikaw ay hindi magtagumpay, You'll die"
"Now Begin"
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang ilang myembro ng MF. They are the ALKAIOS. Sila ang nakakaangat at pinakamalalakas sa lahat. Alam kong malaki ang agwat ng kakayahan ni Ian sa kanila but I trust my instinct.
I watched them calmly. Nakaikot silang 10 kay Ian. Ilang sandali ay kumilos na ang isang myembro ng ALKAIOS at sumugod kay Ian. Nagpapalitan sila ng suntok at parehong naiiwasan. Kahit mabilis ang mga kilos ng kanyang kalaban, napapantayan naman niya ito.
Ilang sandali ay nag umpisa na din sumugod ang ibang kasamahan neto. 'Hanggang saan ang kaya mo Ian' sa isip ko. I can feel the intensity of their fight. But not bad, as expected from a member of 1st ranked Gangster. Napapatumba din niya ang ibang myembro ng Alkaios. BUT malalakas ang kanyang kalaban. Kahit nakamaskara siya ay alam kong madami na itong pasa sa muka. Mula rito ay rinig ko ang malalalim nilang hininga. Ilang sandali ay Kita ko ang pag bagsak ni Ian ng tamaan ito ng malakas na suntok sa mukha. Lihim kong naikuyom ang aking kamay. This not the end for you Ian.
'Wake up monster' mahina kong sambit
******
Hellooooooo~ Dahil inspire ako dahil kay Oppa (naakkkss) eto na po yung Update na ni re-request nyo. Keke
Thanks for reading Keira guys! At maraming sa mga patuloy na nagbabasa neto at takte inaabangan pa. Kayo na.. 😘
Lovelots,
-Channy

BINABASA MO ANG
KEIRA
ActionCan someone thaw her frozen heart? Can someone put a smile on her emotionless face? Can someone make her falling in love? Can someone change her? For She is colder than an ice harder than a stone wilder than a beast She don't have mercy She is bruta...