Andrei's POVAndito kami sa labas ng isa sa mga hideout ng D. Gang. Hindi pwedeng hindi kami reresbak, ano sila sinuswerte.
10 kaming andito at hinati sa dalawang grupo. Si Lander ang nangunguna sa amin habang si Hiro nman sa kabila.
Nang masiguro ni Lander na clear ang lugar ay nauna na kaming kumilos at pumasok sa loob.
Hindi namin alam kung bakit masyadong tahimik ang lugar kaya naman double ang aming pag iingat. Madali lang kaming nakapasok at nakapagtataka dahil walang nag babantay. Baka naman alam nila na susugod kami kaya naghahanda din sila
"Something's wrong" mahinang sabi ni Ian. Huminto kami at nagkatinginan
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit napakatahimik at napakadali lang para sa atin ang makapasok?" dagdag niya
"I know. Kaya nman dapat tayong mag ingat. Kung ano man ang nakaabang sa atin. We should be ready." ani ni Lander
Huminga muna ako ng malalim at hinanda ang sarili. Alam kong nasa delikado kaming misyon kaya dapat kaming alisto, mapagmatyag, at matanglawin!
Paliko kami ng mapansin namin na may mga patak ng dugo sa sahig. Sinundan namin ito at nagulat kami ng may dalawang walang buhay na lalaki ang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo. May saksak ang isa sa dibdib habang yung isa ay may hiwa sa leeg.
"What the f*ck!" mahinang bulalas ni Lander
Hindi namin alam kung anong nagyayari. Muli kaming kumilos at may ilan kaming mga bangkay na nadadaanan. Hanggang sa makarating kami sa isang pinto na may maraming bakas ng dugo sa sahig.
Sumensyan muna si Lander na maghanda bago buksan ang pinto.
1
2
3
Sinipa nya ito ng malakas. At Halos sabay kaming lahat na napasinghap sa aming nakita. Feeling ko luluwa yung mga mata ko sa gulat. Hindi ako makakilos.
Naramdaman kong parang hinahalukay ang aking tiyan at parang binabaliktan, Tumatayo ang aking mga balahibo. Hindi ko masikmura ang aking nakita.
Ilang sandali ay napaatras ako at biglang sumuka. Pucha di ko nakayanan. Masyadong brutal kung sino man ang gumawa nito. Ngayon lang ako nakasaksi ng ganetong pangyayari.
Sa loob ay literal na bumabaha ng dugo, nagkalat ang mga katawan na wala ng mga buhay. Ang iba ay wala ng ulo, puno ng hiwa ang katawan, putol ang kamay at paa. May mga bangkay na naka bitin patiwarik at walang ulo at may mga pana sa dibdib. Naging pula ang sahig at tila naging pintura ang dugo.
Sa tuwing naaalala ko ang aking nakita ay bumabaliktad ang aking sikmura.
"Anong nagyayari? Okay ka lang" tanong ni Hiro. Alam kong siya ito. Hindi ko na nagawang sumagot at hindi ko kayang tumingin ulit kaya naman itinuro ko sa kanya ang dapat niya din masaksihan.
"What.the.bloody.hell.happened.here.." rinig kong mahinang usal niya
--------
Third Person's POV
"B-bro.. " nauutal na sambit ni Ivan at tila shock pa din sa kanyang nakita. Lahat ng meyembro ng D. Gang na naririto ay wala ng buhay. Walang natirang buhay kahit isa.
BINABASA MO ANG
KEIRA
AçãoCan someone thaw her frozen heart? Can someone put a smile on her emotionless face? Can someone make her falling in love? Can someone change her? For She is colder than an ice harder than a stone wilder than a beast She don't have mercy She is bruta...