Chapter 19

3.7K 123 3
                                    

Andrei's POV

Pigil ang aking hininga ng akmang ipuputok ang baril na nakatutok sa amin. Nagulat nlang ako ng isa isang natumba ang mga lalaking napalibot sa amin. Kung may anong matulis na bagay ang bumaon sa parte ng kanilang katawan.

Shuriken?

Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling yun. Walangya. Bat pa ako magtataka, malamang kay Ruth galing ang shuriken na nagliliparan. Papunta ito sa direksyon namin na blanko lang yung mukha.

Maya-maya ay wala na akong marinig na putok ng baril, sa palagay ko ay wala na ang kalaban sa paligid. Pinuntahan namin sila Ian para kumustahin kung okay lang ba sila..

"Ayos lang kayo?" rinig kong tanong ni Lander sa kanila

"Ayos lang kami" sagot ni Ian

"Hoy Ivan.. Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tulala eh

"H-huh? Uu.. Medyo nagulat lang ako" sagot niya

"Ha? Perstaym pre?" biro ko nman. Parang hindi gangster eh. Dapat sanay na sya sa mga ganeto

"Ulol. Sa dinami dami ng araw na pwedeng sumugod bakit kase ngayon pa.. Bwesit" pagmamaktol niya

"Tumahimik nga kayo. Hindi ito yung tamang oras para magbiro.. Hindi nga natin alam paano sila nakapasok dito sa Academy. Alam natin mahigpit ang security dito." mahabang litanya ni Lander

Napansin ko nman na tahimik si Ian at parang ang lalim ng iniisip. May problema ba sya?

"Guys.. Tignan nyo ito"

Sabay kaming napalingon kay Hiro. Lumapit kami sa isang lalaking nakahandusay at sa tingin ko ay hindi na humihinga

"Look.." si Hiro sabay pakita ng tattoo na nasa batok ng lalaki.

"What the heck!" rinig kong bulalas ni Lander.

Taena nman kase. Bakit ganyan yung tattoo niya?

"Hindi natin underling yan. Paano symbol ng Omen ang nasa batok nya?" nagtatakang tanong ni Ian. Ano yun? Poser? Ginagaya kami?

"Pero tignan nyo mabuti.. Symbol natin kaya lang medyo may iba" dagdag nman ni Ivan

Sinuri namin mabuti. Tama si Ivan, sa unang tingin masasabi mong sa Omen ang symbol na nasa batok niya pero kung titignan mabuti may tatlong star sa ibabaw neto. Hindi namin agad napansin dahil natakpan ito ng kanyang buhok.

"Tigna nyo pa ito" Agad nman kaming lumapit kay Ivan dun sa isa pang lalaki


"WHAT THE HECK!" hindi na nga napigilan ni Captain na masigaw
.

KEIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon