Part 2: 3 years ago
Hiro's POV
Bigla kong naimulat ang aking mga mata. Aligaga akong lumingon-lingod sa paligid at hinanap sila Lander. Nakahinga ako ng maluwag ng makita na nasa tabi ko lang siya, pati na rin si Ivan. Pero di ko makita sila Andrei, Ian at Jacob.
P*ta. Hindi ko maiwasang magmura dahil sa nangyari, nakatali ang mga kamay at paa namin. Wala akong idea kung nasaan kami at kung sino ang may kagagawan neto. Ang huling naalala ko yung biglang bumagsak si Andrei, kasunod ay si Ian. Tapos naramdaman ko na may bumaon sa may balikat ko. Hinugot ko ito at tinignan, napamura pa nga ako ng makita yun. Isang Tranquilizer dart! Ang mga walang hiya, anong akala nila sa amin, mga Animal?. Humanda sila sa akin pag nakawala ako dito
"Lander. Lander. Hoy Lander!" Potek. ayaw gumising. Binunggo ko ang kanyang balikat para gisingin kaya lang wa epek.
Huminga ako ng malalim at binigyan siya ng hindi kalakasang headbutt. Narinig ko siyang dumaing. Lagot ako neto kaya lang mamaya ko na iintindihin pag nakatakas na kami.
"Hoy insan!" Tawag ko ulit sa kanya. Salamat naman at nagising na siya
"F*ck!" rinig ko yun. Hanep! mura agad lumabas sa kanyang bibig
Sunod kong ginising ay si Ivan. Mabuti nlang at nagising ito agad. Hindi ko na kayang mag bigay ng isa pang headbutt. Masakit na ulo ko
"Nasaan si Jacob?" -Lander
"Si Kambal nasaan?" -Ivan
Hays. Kawawa talaga si Andrei. Walang nag hahanap. Sana ayos lang sila
------
Jake's POV
Katatapos lang namin makapag usap ng espiya na pinadala ko sa isang grupo. Nalaman kong may pinaplanu silang masama sa Omen. I need to warn them
Darn. Where's my phone? Ngayon ko lang napansin na wala ito. Kinapa ko ang aking bulsa pero wala.
"Ay naku. Naiwan ko pala sa kotse" ani ko sa sarili ng maalala. Nag iwan ako ng pera sa mesa bago umalis at pumuntang parking lot. Pupuntahan ko nalang sila
Pagkasirado ko ng pinto ay kinuha ko ang phone na nasa ibabaw ng upuan. Nagtaka ako ng makita ang 4 missed call galing kay Lander.
*ring ring ring*
"Hello Lan--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng isang hindi pamilyar na boses ang sumagot sa kabilang linya. Inilayo ko konti ang cellphone ko at tinignan ang screen kung tama ba ang na e dial.
I clenched my teeth. Mahigpit kong hinawakan ang manibela ng marinig ang sinabi ng kabilang linya. Tangina. Nakuha na nila agad sila Lander. Hindi na natapos ang sasabihin ko ng pinatay niya bigla ang tawag.
Out of frustration ay pinaghahampas ko ang manibela. P*tangina talaga! Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, ini start ko ang kotse at pinaharurot.
Ng makarating ay agad kong ipinarada ang kotse. Bago pa ako bumaba ay tinawagan ko muna ang leader ng kabilang distrito at hiningi ang tulong.
Pumasok na ako sa nasabing lugar. Naningkit ang aking mga mata ng makita na nakahilerang nakaluhod ang grupo sa harap habang nakatali sa likod ang mga kamay at paa.
Napalingon ako sa lalaking malakas na tumawa. Walanghiyang Roger! Sige lang. Tumawa ka. Buburahin ko yang tawa sa mukha mo.
"Pag siniswerte ka nga namn. Nagustohan mo ba ang supresa ko Jake?" Nakangisi niyang tanong "Pero mas magugustohan mo ang isa pang surpresang inihanda ko para sayo. Salamat sa mga kaibigan mo. Hahaha"
BINABASA MO ANG
KEIRA
ActionCan someone thaw her frozen heart? Can someone put a smile on her emotionless face? Can someone make her falling in love? Can someone change her? For She is colder than an ice harder than a stone wilder than a beast She don't have mercy She is bruta...