3 years ago. Dating tambayan ng grupo
"Mga bro! Arcade tayo mamaya" aya ni Ivan sa grupo
"Game! Teka tawagan ko lang si Jacob. Pagkaka alam ko eh nababagot yun sa kanila" ani ni Andrei at dinial ang numero ng kaibigan
"Hindi ba sila magkasama ni Jake?" Tanong ni Lander kay Andrei
"Hindi eh. May lakad daw si Jake kanina sabi ng kapatid niya" walang lingon na sagot nito. "Hello Cobby boy! Mag Aarcade kami mamaya. Ano sama ka?" Pag iimbita niya sa kabilang linya
Isang taon na mula nabuo ang grupo. Kahit baguhan ay hindi mapagkakailang may kalakasan ito. Lahat sila ay may alam sa martial arts/karate/taekwondo, name it all. Nakapagsanay na sila mula bata pa.
"Wazzup wazzup!" Ani ng maingay na bagong dating na si Hiro
Andito silang lima maliban kay Jake. Hindi man halata ay nandito rin si Ian na tahimik lang nakaupo at naglalaro sa kanyang phone.
Anim ang original na myembro ng Omen. Si Jake ang isa sa mga bumuo neto. Si jacob o tinatawag na Cobby ay ang nakababatang kapatid ni Jake. Hindi ito opisyal na bahagi ng grupo kase ayaw ng kuya niyang isali ito sa kadahilanang masyado pang bata. Pero gayon paman ay malapit siya sa grupo at sumasama mga lakad. Pwera nlang sa mga laban
"Parating na daw si Cobby boy" ani ni Andrei
"Bakit? Saan ba ang lakad?" Tanong ni Hiro
"Oo nga pala hindi mo pa alam. Pupunta kaming Arcade dude" si Ivan na ang sumagot
"Yosssshh! Exciting!" masayang saad ni Hiro
Ilang sandaling kulitan at tuksuhan ay dumating na si Jacob na kanilang hinihintay
"Tara na mga Kuya!" Masaya at excited na aya niya sa kanila
Pwera sa kambal, ang ibang myembro ay nag iisang anak kaya nman tinuturing talaga nilang nakakabatang kapatid si Jacob.
"Hoy Cobby nagpaalam ka ba sa kuya mo?" Tanong ni Hiro
"Ha? Hindi eh. Akala ko kase pinagpaalam nyo ako" ani neto na napakamot sa ulo
"Andrei hindi mo ba pinagpaalam si Cobby kay Jake?" Si Hiro na nanlaki ang singkit na mata
"Eh. Hindi eh. Nalalimutan ko. Hehehe" pilit nyang tawa sa mga kasama
"Naloko na mga dre! Tawagan niyo muna si Jake at ipaalam. Ayaw pa nman niyang isama natin si Cobby pag wala siya" ani ni Ivan.
Bilin ni Jake sa grupo na ipagbigay alam sa kanya pag may lakad sila kasama si Jacob kung sakaling hindi nila ito kasama. Napaka protective kase nito sa kapatid lalo na't may mga kalaban ang grupo dahil sa pagiging gangster nila.
Lahat ay napatingin kay Lander. Nangungusap ang mga mata nila na nagsasabing siya na ang tumawag at magpaalam. Alam nilang malapit ang dalawa at higit sa kanilang lahat, si Lander ang pinagkakatiwalaan ni Jake.
Walang nagawa si Lander kaya kinuha nito ang phone sa bulsa at tinawagan ang kaibigan. Nakailang ulit na niya itong natawagan ngunit walang sumasagot
"Wala. Hindi sinasagot" ani niya sa kasama "Saan ba pumunta kuya mo Cobby?" Dagdag neto
"Hindi ko po alam. Nagmamadali kase yun kanina" magalang niyang sagot
BINABASA MO ANG
KEIRA
AcciónCan someone thaw her frozen heart? Can someone put a smile on her emotionless face? Can someone make her falling in love? Can someone change her? For She is colder than an ice harder than a stone wilder than a beast She don't have mercy She is bruta...