Chapter 6

892 17 0
                                    


''Who are you?'' May pagkawalang emosyon kong sabi.

''My name is Daniel, Daniel Alvarez.'' Nakangiti niyang sabi at nilahad ang kamay.

Tumingin ako sa kamay niya pabalik sa mukha niya. Nginitian ko siya at nilahad ang kamay ko, ''Samantha Margaux Wilford''

''Ikaw ang may ari ng school?'' Tanong niya at tumabi sa akin.

''Yup.''

''Eh, bakit nagulat yung mga dati mong kaklase na bumalik ka? Ayaw ba nila sayo?''

Nagtataka akong tumingin sa kanya, ''Pano mo nalaman? Nandun karin ba?

''Ah, oo nga pala. Oo nandun din ako, sa pinakadulo ako nakaupo. Sagutin mo na yung tanong ko.'''

Tiningnan ko siya at tumango, ''Hindi ganto ang itsura ko dati, may suot akong malaking salamin at hindi marunong mag ayos ng sarili. Ang sabi nila panget daw ako, kaya lagi nila akong inaaway.''

''Hindi ba nila alam na ikaw ang may ari ng school?'''

Umiling ako, ''Hindi nila alam.''

Tumango lang siya. Hinubad niya ang suot niyang jacket at pinatong sa hita ko. ''Baka masilipan ka ng iba.''

''Salamat''

Pumikit uli ako at sumandal sa puno.

Hayys. Ang gwapo naman nito.

Napadilat ako dahil sa flash ng camera. ''Bakit mo ba ako pinipicturan?'' Nagpeace sign lang siya habang nakangiti.

''Smile'' Lumapit siya sa akin at ngumiti. Ngumiti narin ako sa camera.

''Ang ganda mo, Sam'' Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

''S-salamat'' Nakatungo kong sabi. Hinawakan niya ang baba ko shemms hahalikan niya ba ako? Lalong namula ang pisngi ko sa naisip.

Papalapit ng papalapit ang mukha niya, pumikit ako.

''Bakit ka nakapikit? Hahahaha'' Napadilat ako sa sinabi niya. Lumayo na siya sa mukha ko.

''A-ah.. W-wa-la. Bakit ba kasi ang lapit ng mukha mo?'' Nahihiya kong sabi.

Crush ko na ata 'to

''Tinitignan ko lang yung eye lashes mo, ang haba pala.'' Nanlumo ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa 'di niya paghalik sa akin, kundi dahil siya'y isang kauri ko.

Sayang... Ang gwapo pa naman ni Daniel

''Daniel?''

''Hmm?''

''May tanong ako, huwag ka magagalit ha?''

''Okay''

''B-bakla ka ba?'' Napalingon siya akin sa tanong ko.

''Pano? P-paano mo nalaman?''

''Dahil sa eye lashes?''

''Ah oo. Beki ako.''

Napabuntong hininga nalang ako. Umasa na naman ako.

''Sige ha? Kaylangan ko ng umuwi''

''Sige'' Iniwan ko na siya at dumiretso sa parking lot.

Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.

Di bale maganda parin ako.

Sumakay na ako sa kotse at tinungo ang daan matuwid este pauwi.

Pagkarating ko sa bahay umakyat na ako sa kwarto.

Dumapa ako sa kama 'di na uli ako magpapaloko

*tok* *tok*

''Ms. Sam, kakain na daw po.'' Bumangon na ako sa kama at nagbihis.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa kusina.

''Hi baby'' Mom said and I kissed her and Dad's cheeks.

Umupo na ako katabi si ate Sabrina.

''So, how's school?'' Dad asked.

''It's fine.'' I said at sumubo na ng pagkain.

''How's your revenge, baby?'' Kuya Seth said grinning.

''Kuya, hindi ako bumalik for my revenge. Bumalik ako para ipamuka sa kanila na maling mali na binully nila ako noon.'' Sabi ko at muling sumubo.

''That's my sister'' Sabi sa akin ni Sabrina ng nakangiti.

''Kayong tatlo talaga.'' Natatawang sabi ni Mommy.

''Ikaw Samantha, huwag ka munang magboyfriend ha? Tama na 'yung Mikael na yon.'' Dad said.

''Sir, yes sir'' I said at tumawa sila.

Pagkatapos namin kumain ay nagmovie marathon kami.

''Sam, huwag kang umasa agad ha?'' Sabi sa akin ni Mom.

''Baka masaktan ka lang'' Dagdag niya pa.

Natamaan ako sa sinabi ni Mom. Hinding hindi na talaga ako aasa.

''Opo'' Tanging sagot ko.

Nanunuod kami ngayon ng love story na movie.

Pagkatapos namin magmovie marathon ay pumunta na ako sa kwarto.

Pumasok ako sa banyo, naghilamos at nagtoothbrush.

Humiga na ako sa kama at unti unting napunta sa panaginip.

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon