''Katrina? Anong nangyayari?''
Nanlaki ang mata ko at napalingon sa nagsalita.
''Kris! Siya kasi ako naman ang unang nakakita dito sa dress e!'' Pagmamaktol nung Katrina.
''Gaux---S-samantha?'' Gulat na sabi ni Kristoffer.
Nginitian ko siya, ''Toff--Kristoffer! Hi!'' Masiglang sabi ko sa kanya. Hindi ko pa din binibitawan ang dress na hawak ko.
''Magkakilala kayo, Kris?'' Pa-cute na sabi nung Katrina. Napalingon kami parehas sa kanya.
''Ah, oo. Classmate ko siya. Katrina, si Samantha. S-samantha, si Katrina.'' Classmate, huh?
Tumango lang ako kay Katrina. Siya naman nginitian ako.
''Sige na sa'yo nalang 'tong dress Samantha, ikaw naman talaga ang nauna dito e. Hindi naman ako mangaagaw.'' Pabebeng sabi niya.
''Don't call me, Samantha we're not close.'' Sabi ko at umirap. ''Sigurado kang hindi ka mangaagaw?'' Dagdag ko pa. ''Boyfriend nga inagaw mo, damit pa kaya.'' Sabi ko at binitawan ang damit.
''Ano bang sinasabi mo, Samantha?'' Paiyak na sabi niya.
''Isa pang tawag mo sa aking Samantha, kakalbuhin na kita.'' Iritadong sabi ko.
''Hindi ko naman inagaw ang boyfriend mo e, hindi naman ako mangaagaw.'' Umiiyak na sabi ni Katrina. Tahimik lang sa tabi niya si Kristoffer.
''Whatever.'' Sabi ko at tumalikod na sa kanila. ''Anyway, Happy monthsary my dearest ex-boyfriend!'' Sigaw ko at humarap sa kanila. Nag-flying kiss ako sa kanila at kumindat. Nakakatawa ang reaksyon nilang dalawa.
Pumunta na ako sa cashier at binayaran ang mga kinuha ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa parking lot at pumasok sa kotse. Tumungo ako sa manibela at tahimik na umiyak.
Ang sakit pala? No, ang sakit sakit pala. Bakit ganito? Bakit nasasaktan na naman ako? Bakit naloko na naman ako?
Pinunasan ko na ang luha ko at pinaandar ang kotse papuntang school. 10 AM palang naman, kaya pwede pa ako pumasok sa school. Traffic na naman at nakakita na naman ako ng magpapalungkot sa akin. ''Katrina's Store'' Basa ko dito. Umirap nalang ako. Bwisit.
---
Nandito ako ngayon sa office ni Mommy. Tumambay muna ako dito kasi tinatamad pa ako pumasok.
''I like your hair, anak. But, bawal 'yan dito sa school.'' Sabi ni Mom at ngumiti sa akin.
Nginitian ko si Mom, ''It's okay, Mom. I'm your daughter naman po.'' Natawa lang siya.
''Iba talaga ang nagagawa ng love, Sam.'' Sabi ni Mom.
''Huh?'' Kunot noong sabi ko sa kanya.
''Kasi Sam, nagbago ka. Nagbago ka dahil sa love. Dahil sa love, nag-bloom ang mahina at laging nab-bully na Samantha at naging Margaux ka na matapang at kayang ipagtanggol ang sarili. Dahil din sa love na iyan, nakamove ka at nakahanap ng Kristoffer. Kaya Sam, kung sakaling masaktan kang muli dahil sa love, huwag mong isipin na malas ka sa pag-ibig. Isipin mo na hindi mo pa dapat iniintindi ang love at dapat ka munang magfocus sa pag-aaral.'' Dahil sa sinabi ni Mom hindi ko napigilin ang luha ko at umiyak ng umiyak. Lumapit sa akin si Mom at niyakap ako. Mas lalo naman akong naiyak sa pagyakap niya sa akin.
''Hushh. It's okay baby. Bata ka pa, marami pang dadating sa buhay mo. Dapat pala hindi ka namin pinayagan magboyfriend. Pero okay na din pala, natuto ka sa mga pagkakamali mong desisyon.'' Sabi ni Mom. Kumalas ako sa yakap namin.
''Alam mo po?'' Nagtataka kong tanong at pinunasan ang luha ko.
Tumango tango si Mom, ''I texted Kristoffer last night. I said na samahan ka niya sa mall, and he replied na you two broke up that night.'' Pinunasan ni Mom ang luha ko at itinaas ang baba ko.
''Chin up, Sam. Ikaw na ngayon si Margaux at ang pagkakakilala ko kay Margaux ay hindi basta basta umiiyak at nagpapadala sa mga heartbreak na 'yan. Sige na pumasok ka na sa klase mo at ipakita mo sa lahat na kaya mo ng wala yang mga manlolokong lalaking 'yan!'' Natawa ako sa huling sinabi ni Mom.
''Sige po. I love you, Mom.'' Sabi ko at humalik sa kanyang pisngi.
''I love you too, Sam.'' Sabi ni Mom at umupo na sa swivel chair niya. Umalis na ako sa office niya at dumiretso sa classroom.
''Break na sila ni Kristoffer diba?''
''Oo bes! May Katrina na si Kristoff!''
Lumingon ako sa likod ko at tinaasan ko sila ng kilay.
''Ay ang bitter pa niya'' Bulong nung isa.
Inirapan ko lang sila at tumingin na sa board.
Panong hindi ako magiging bitter e, kakabreak lang namin. Mga bwiset sila! Hmmph!
![](https://img.wattpad.com/cover/54682377-288-k257388.jpg)
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Ficção AdolescenteSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...