SAMANTHA/MARGAUX' POV
''I love you'' Sabi ko sa kausap ko sa telepono na si Toff.
(''Sige na, marami pa akong gagawin.'' *toot* *toot*)
''Bakit parang ang cold niya?'' Tanong ko sa sarili ko at nahiga sa kama.
Ano kayang nangyari sa kanya? Kinakabahan ako. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Parang may mali.
*tok* *tok*
''Sam, nasa baba si Alaska.'' Sabi ni kuya at sinara ang pinto.
Nagayos ako ng sarili ko at bumaba sa living room.
''Bakit hindi ka pumasok? Tatlong araw ka ng absent, Sam. Tinanong ko si Kristoffer kung bakit ka absent, hindi naman siya sumagot. Ano bang nangyayari?'' Tanong niya sa akin.
''Sumama kasi yung pakiramdam ko.'' Sagot ko at pumikit.
''Girls, kakain na!'' Sigaw ni Mommy mula kusina. Tumayo na kami at pumunta doon.
''Papasok kana bukas?'' Tanong ni Alaska at sumubo ng cookies.
''Uhmm. Siguro?'' Patanong na sagot ko at uminom ng juice.
''Siguro? Hindi ka sure?'' Mataray na sabi niya.
''Hindi ko alam be.'' Matamlay na sagot ko.
"May problema ka ba?"
*kring* *kring*
''Hello, Ate Candice?''
''Ah, sige sige.''
''Be, kaylangan ko ng umalis. May pinapabili si ate. Kopyahin mo nalang yung notes ko.'' Sabi niya at uminom ng juice. Tumango ako.
''Mom!'' Sigaw ko.
''Yes, Sam?'' Dungaw ni Mom sa pinto.
''Tita, aalis na po ako. Thank you po sa meryenda.'' Sabi ni Alaska.
''Sige, ingat ka.'' Sabi ni Mom.
''Mom, can I go to mall tomorrow morning? I want to change my hair color.'' Nag-aalangan kong sabi.
''Aabsent ka na naman? Three days ka ng absent, Samantha. Malapit na ang exam, baka hindi kana maging top one.'' Seryosong sabi niya sa akin.
''Why, Sam? Absent ka na naman kanina?'' Napalingon kami ni Mommy kay Daddy.
Napakamot ako ng ulo. ''Ah, hehehe. I'm sorry, Dad. I'm not feeling well today po.'' Mahina kong sabi.
''Dy, she's asking me if she can go to mall tomorrow morning. Ano dy, payagan ko ba?'' Tanong ni Mom kay Dad. Tumingin ako kay Dad at nagpacute.
Please, please, please.
''I'll only allow you, kapag kasama mo si Kristoffer.'' Nanlaki ang mata ko.
''Talaga, Dad?! Sige po, I'll ask him.'' Sabi ko at nagmamadaling tumakbo papuntang kwarto. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Toff.
-
To: Toff
Can you go with me to mall? Please, Toff. I miss you :*
-
I crossed my fingers at pumikit. Sana pumayag siya.
*beep* *beep*
-
From: Toff
Who are you?
-
Napaupo akong bigla sa kama. Halaaa? Nagka-amnesia ba 'to? Anong nangyayari sa kanya?
-
To: Toff
I'm your girlfriend Gaux(AN: Go ang basa.) What is happening to you, huh? I'm worried, Toff. Please come here at my house.
-
Pinagpapawisan na ako sa kaba. Nagjojoke lang siguro siya. Baka may surprise siya sa akin, bukas na monthsary namin eh.
*beep*
Kinakabahan kong kinuha ang phone ko sa aking hita at tahimik na hiniling na sa nagjojoke lang siya.
-
From: Toff
I'm sorry? You said that you are his girlfriend? Haha you're just kidding right? I'm his girlfriend and my name is Katrina.
-
''S-siya? Girlfriend ni Toff? Si Katrina?'' Pabulol-bulol kong sabi.
No, baka nanakaw lang ang phone niya.
''Oo, tama!'' Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ako pwedeng magbigay ng conclusion agad. Hindi ko pa alam ang side ni Toff.
*kriiiing*
''Hello?'' Pagsagot ko sa tumawag sa aking cellphone.
(''Be! Nakita mo yung post ni Katrina? May picture na nakatag kay Kristoff be! Nakakiss si Kristoff kay girl!! B---'')
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at pinatay ang tawag. Hindi ko na kaya. Nasasaktan na ako. Nagunahang tumulo ang luha sa aking mga mata. Ano 'to? Naloko na naman ako? Nasasaktan na naman ako? Aba! Palagi nalang ako ha?
Akala ko ba kaibigan niya lang si Katrina? Akala ko ba!!
Nagsinungaling ba siya sa akin?
O nagtanga-tangahan lang ako?
*beep*
-
From: Toff
Break na tayo. Bye, Gaux.
-
Break na tayo. Bye, Gaux.
Break na tayo. Bye, Gaux.
Break na tayo. Bye, Gaux.
Break na tayo. Bye, Gaux.
Break na tayo. Bye, Gaux.
Break na tayo. Bye, Gaux.
Break na tayo. Bye, Gaux.
Napatulala ako sa ceiling ng kwarto ko. Binitawan ko ang phone ko at inilagay sa tabi ko. Hindi ko na pinigilan at napahikbi na ako.
Ano 'to? Nakatadhana ba talagang masasaktan ako tuwing makikipagrelasyon ako. Huh?
Bawal na ba ako sumaya? Bakit palaging ako yung nagmumukhang tanga? Bakit palaging ako yung kawawa? Bakit palaging ako yung nasasaktan? Bakit?
May ginawa ba akong masama? Para palaging maging sawi sa pagibig?
Pinunasan ko ang luha ko at bumangon. Kinuha ko ang phone ko at nagtype ng message kay Toffer.
-
Iyan ba ang gusto mo, Toff? Ang magbreak tayo?
-
Wala pang dalawang minuto nang magreply siya.
-
Oo... Goodbye, Samantha Margaux.
-
Napaiyak akong muli nang mabasa ang reply niya. Kahit papaano kasi umasa akong hindi ang isasagot niya.
Nagtipa ako ng reply at isinend sa kanya.
-
Goodbye, Kristoffer...
-
I really hate goodbyes. Feeling ko kasi kapag nag-goodbye ka na, wala na talaga. Goodbye na forever.
Kristoffer will always be my favorite hello and my hardest goodbye...
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Ficção AdolescenteSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...