Samantha and Kristoffer on the multimedia!
Enjoy reading!
ps. si Kristoffer ay si bakla
----
''Sam, sorry. Tayo nalang ulit. Hindi ko na ulit uulitin yong dati.'' Napairap ako kay Mikael. Kanina pa niya ako ginugulo dito sa room. Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang kamay ko. ''Don't touch me!'' Sigaw ko at hinigit ang kamay ko sa kanya. Tumayo ako at lumayo sa kanya.
''Tayo nalang ulit, Sam.'' Pagmamakaawa niya sa akin. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga kaklase ko. Wala kasi kaming teacher kaya nakapuslit sa room namin tong manlolokong to. Bitter ba tignan? Wala eh, niloko niya ako.
Humarap ako sa kanya at tinitigan siya ng walang emosyon, ''Please Samantha, alam kong mahal mo pa ako. At nararamdaman ko iyon.'' Nginitian ko siya at nagliwanag ang kanyang mukha. ''Fuck you.'' Sabi ko at naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Nakita kong napasmirk si bakla sa sinabi ko. Aba't kaklase ko pala ito? Nanlumo siya sa sinabi ko pero kinulit parin niya ako. ''Please Samantha. Parang awa mo na. Alam ko mahal mo pa ako.'' Pagmamakaawa parin niya.''Tumigil ka nga! Nakakadiri yang mga sinasabi mo! At pwede ba? Hindi na kita mahal! Hindi na! At hinding hindi na kita mamahalin pa!'' Sigaw ko sa kanya at bumalik sa upuan ko. Umalis na naman siya ng room dahil nilapitan siya ni Alaska.
''Ang bitter mo, gurl!'' Sabi ni Alaska pagkaupo niya sa tabi ko. Napairap ako sa sinabi niya, ''Totoo naman eh, never ko na siyang mamahalin. Hinayupak siya! Aishh! Manloloko!'' Malakas kong sabi kaya naman nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. ''WHAT?!'' Sabi ko sa kanila at dali dali naman nilang inalis ang tingin sa akin.
''Ang bitter mo naman!'' Maarteng sabi ni Shane, I raised my middle finger to her. Naiirita ako sa mga tao ngayon. Buwiset si Mikael! Panira ng mood!
''Ladies room lang ako, Marg.'' Tinanguan ko lang si Alaska at tumungo sa desk ko. Naiinis ako! Naiinis ako kay Mikael!! Hindi ko na siya mahal pero naiirita ako sa kanya! Aiishh ewan! Bahala siya sa buhay niya.
Nagulat ako ng may humawak sa ulo ko at ginulo ng konti ang buhok ko. Tumunghay ako at tinignan kung sino. Tss. Si bakla pala! Nginitian niya ako kaya naman tumibok ng malakas ang puso ko. Baka marinig niya!
Inirapan ko siya at tumingin sa harapan. Sa dulo kami nakapwesto ni Alaska, sa kanan ko'y bintana ang nakalagay. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit. ''Class, sorry I'm late. May meeting kasi about sa culminating activity na gaganapin bukas.'' Hindi ko pinansin si ma'am at pumikit parin. Pero, sinampal sampal ng mahina ni bakla ang pisngi ko kaya napadilat ako. Inirapan ko siya at tumingin sa harapan. Nasan na ba si Alaska?
Nagpatuloy lang sa pagdadaldal si ma'am habang ang utak ko ay lumilipad kung saan saan.
Sana mawala na sa buhay ko si Mikael! Panira siya ng mood hays.
Hanggang sa matapos ang klase ay wala akong naintindihan. Hindi na umalis tong bakla sa upuan ni Alaska. Kaya naman si Alaska sa upuan ni bakla naupo.
Lumabas na ako ng room at dumiretso sa locker room. Nauna ng umuwi si Alaska dahil may dinner date daw sila ng kuya niya.
Inilagay ko ang mga gamit ko sa locker ko at sinara na ito. Nakakatakot naman dito! Madilim kasi sa buong lugar at ako lang mag isa. Nagmamadali akong lumabas ng may nabunggo ako. Si Mikael.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero hinawakan niya ako sa braso. Humarap ako sa kanya, ''Bakit?'' Bored kong sabi sa kanya. Ngumiti siya ng pangmanyak at unti unting lumapit sa akin. Umatras naman ako pero napasandal ako sa pader. Mas lumawak ang ngiti niya at inilapit ang mukha sa akin.
''I love you, Samantha.'' Sabi niya at pumikit. Unti unting lumapit ang mukha niya sa akin.
Sinampal ko siya at tinulak pero mas malakas siya sa akin at tinulak ako sa pader. Nasaktan ako sa pagtulak niya sa akin. Tinulak ko siya ng tinulak. Hinalikan niya ako sa leeg at sinira niya ang blouse ko. Sinampal ko ulit siya, ''Help! Tulongan niyo ko! Manyak ka!'' Sigaw ko. Hindi ko na napigilan, napaiyak na ako. Nanghihina narin ako kasi hinahalikan parin niya ako sa leeg. Hinahampas ko parin siya pero mahina nalang. Umiyak ako ng umiyak, bakla tulungan mo ako. Pumikit ako at humiling na sana may tumulong sa akin.
Napadilat ako ng marinig kong may nagmura, ''Shit!'' Si bakla ito at dali daling hinila si Mikael at sinapok sa mukha. Natumba naman si Mikael, kaya naman sinapok uli siya ni bakla.
Napaupo nalang ako sa sahig at niyakap ang sarili ko. Tulo parin ng tulo ang mga luha ko. ''Sshh. It's okay. Sshh. You're safe now.'' tumingala ako at nakita kong nakangiti si bakla sa akin. Umupo siya sa harapan ko, ''Pumanget ka na, hahahaha.'' Hindi ko pinansin ang pangaasar niya at dinambahan siya ng yakap. Napahiga siya sahig habang nakapatong ako sa kanya. Hinigpitan ko ang kapit sa leeg niya at umiyak ng umiyak. Pinat naman niya ang likod ko. Naramdaman kong gumalaw siya at napaupo ako habang nakapatong sa kanya. Iniyakap ko ang mga binti ko sa bewang niya at hinigpitan pa ang kapit sa kanyang leeg.
''B-bakla?'' Mahinang sabi ko at inilayo ang mukha sa kanyang dibdib para makita ko siya.
Nginitian niya ako, ''Hmm?'' Sabi niya at inilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Humawak siya sa bewang ko, ''T-thanks.'' Nahihiyang sabi ko at tumungo. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko.
''Stop crying. Mas lalo kang pumapanget.'' Pangaasar niya. Nagpout ako at hinampas siya sa balikat niya. Natawa siya, ''Just kidding.''
Tumungo ako sa dibdib niya. Naramdaman kong ipinatong niya ang blazer niya sa balikat ko. Nakabra nalang kasi ako dahil nga sinira ni Mikael yung blouse ko. Yung blazer ko naman, hindi ko sinuot kanina nung pumasok.
''Hatid na kita?'' Tanong niya, tumango ako at pinunasan ang luha ko. Tumayo ako at inayos ang pagkakasuot ng blazer. Tumayo narin siya at umalis na kami don. Iniwan namin si Mikael don, nakatulog yata.
Sumakay kami sa Ferrari niya at nagdrive na siya. Tahimik kami buong biyahe, magsasalita lang ako kung kakaliwa dapat siya o kakanan.
''Thank you!'' Sabi ko at bumaba na ng kotse niya. Inintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis.
Napasapo ako sa noo ko. Anong pangalan ni bakla?! Umupo ako sa kama at inamoy ang blazer niya, ay mabango!
Crush ko na ba siya?!
![](https://img.wattpad.com/cover/54682377-288-k257388.jpg)
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
JugendliteraturSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...