"Ang ganda niya"
''I like her dress''
''Pretty''
''Transfer student siya?''
''Bakit sila magkasama ni Alaska?''
''I don't like her''
''Feel na feel naman niya ang mga tingin sa kanya''
Taas noo kaming naglalakad ni Alaska papunta sa upuan namin. Napangisi ako sa mga bulongan nila.
''Sabi ko na nga ba Alaska, fake ka kay Rina. Hindi ka niya true friend. Ngayon ilang buwan na siyang wala, may bago ka ng kaibigan.'' Sabi ni Shane. Nginitian ko lang si Shane.
Dumating na ang teacher namin, ''Okay class, get one whole sheet of pad paper and answer this.''
Kinuha ko na ang papel at binigyan si Alaska, kahit naman nagbago ang itsura ko masipag parin ako magdala ng gamit. Hindi tulad ni Alaska, ang laman ng bag eh puro kolorete sa mukha.
''Ma'am? Can she introduce herself?'' Sabi ni Shane habang nakaturo sa akin.
''Why, Shane? She's a regular student here. She don't need to introduce herself.'' Nagbulungan ang mga kaklase ko sa sinabi ni ma'am.
Tumayo ako at pumunta sa harapan. ''It's okay Ma'am. I'll introduce myself.'' Taas noo kong sabi.
''Hello, Classmates.'' Nagulat sila dahil ganun sila tawagin ni Wallflower Sabrina.
''R-r-rina? Ikaw ba 'yan?'' Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.
''It's sad to say na nakalimutan niyo na ako. I'm so excited pa naman pumasok to see you all tapos hindi niyo na pala ako kilala. How sad, right?'' Napangisi ako
''By the way, I'm Samantha Margaux Wilford. Hello bitches, I'm back.'' Their reaction were priceless. Gulat na gulat silang lahat dahil ang dating binubully nila na panget, ngayon ay nagbago na at aba! mas maganda pa sa kanila.
''You may go back to your seat, Ms. Wilford.'' Ma'am said smiling at me.
Hindi na nagulat si Ma'am sa itsura ko. Kasi noon palang nakikita na ako ng mga teachers na walang suot na malaking salamin at may konting make-up sa mukha. Alam din nilang anak ako ng may ari ng school na ito.
Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula ng magsagot ng seatwork.
''Pass your papers'' Pinasa ko na ang papel ko at inayos ang gamit.
''Class dismissed'' Nagsitayuan na ang mga kaklase ko. Pero hindi sila lumabas ng room, kundi lumapit silang lahat sa upuan ko.
''Ikaw ba talaga yan, Rina?''
''Rina, namiss ka namin''
''Welcome back, Rina''
''Rina ang ganda ng suot mo''
Rina ang tawag nila sa akin noon, yun daw kasi ang bagay sa itsura ko. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang 'Rina'. Ang sasama nila no? Parang sila maganda, mukha namang paa. Tss.
''Nagparetoke ka diba Rina? You did that para maangatan mo ko. Para maangatan mo ang ganda ko. Because you are insecure.'' Sabi ni Shane
''Why would I? I'm not like you, I don't need to go under surgery.'' ''And, Can you please stop calling me Rina? It's not bagay to my face eh.'' I pouted. Natawa si Alaska sa sinabi ko.
''Aba! Sinasagot sagot mo na ako? Ha? Dati nung panget ka pa hindi ka makatingin sa mata ko. Tapos ngayong nagparetoke ka sumasagot ka na.'' Tiningnan ko lang si Shane at tumayo na.
''Tara,Alaska? Nagugutom na ako.''
Lumabas na kami ng room at tumungo sa cafeteria. Habang naglalakad kami'y ramdam ko ang mga tingin nila na parang sinusuri ako mula hanggang paa.
''Ano gusto mo kainin, Marg?''
''Pizza nalang tayo''
''Okay, wait me here''
Tinanguan ko siya at umupo sa upuan. Nilibot ko ang tingin sa buong cafeteria. Hindi parin ako sanay na pinagtitinginan ako ng mga tao. Pero kaylangan kong tanggalin ang hiya ko dahil hindi na ako ang Wallflower Samantha.
''Here's your order ma'am'' Natawa ako kay Alaska.
''Bagay sayo maging waitress, haha''
''It's not bagay to me maging waitress kaya.'' Sabi niya gamit ang tono ko kanina.
Umupo na si Alaska at nagsimula na kaming kumain.
''What's your plan?'' She said at kumagat sa pizza niya.
''Plan? I don't have a plan. Let karma decides.''
Uminom na ako ng ice tea at pinunasan ng tissue ang bibig ko.
''Sige bes, may meeting pa ako sa club ko. Sama ka?''
Umiling ako, ''Next time nalang. Matutulog pa ako.''
Tumayo na siya at inayos ang gamit niya. ''Sige, Marg.'' Tinangoan ko siya.
After a few minutes lumabas narin ako ng cafeteria at pumunta sa likod ng school.
Hindi parin pala ito nagbabago.
Madalas ako dito, pag may nangaaway sa akin tapos wala si Alaska. Kapag kaylangan ko lumayo sa kanila. Lumayo sa mga umaaway sa akin.
Umupo ako sa lapag at sumandal sa puno kahit nakadress ako. Pumikit ako at nagsimulang maglakbay sa panaginip.
Nagising ako sa ilaw na tumama sa aking mukha. Ilaw nga ba? O flash ng camera?
Pagkadilat ko ng aking mata ay agad na nanlaki ang aking mata.
Sino ito?
Bakit ang lapit ng mukha niya sa mukha ko?
Unti unting bumalot ang pulang rosas sa aking mga pisngi. Hindi ako sanay na mayroong malapit sa aking ibang lalaki.
Lumayo rin siya sa akin ng narealize niyang pulang pula na ang mukha ko.
''Ah, Sorry.'' Sabi niya sa akin.
Umayos ako ng upo, baka nasisilipan na ako nito.
''Who are you?'' May pagkawalang emosyon kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Ficção AdolescenteSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...