Chapter 22

563 14 0
                                    

"Samantha! Bumangon kanaaaaa!"

Napadilat ang mga mata ko sa gulat. Nagtalukbong ako ng kumot at pumikit ng mariin.

"SAMANTHA MARGAUX! KANINA PA NAG-AANTAY BOYFRIEENND MOOOOO!" Napabangon ako at dali-daling lumabas ng kwarto.

Nasa harap ko ngayon si Alaska na nakangisi habang may hawak na cellphone.

Napaface palm ako, ''JACKIE ALASKA ELIZALDEEEEE!" Sigaw ko at agad na bumalik sa kwarto.

"NAKAKAINIS! Wala nga pala akong boyfriend! Aiishh! Kainis!" Nagpapapadyak na sabi ko at pabagsak na nahiga sa kama.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHHAAH!" Napalingon ako kay Alaska na pumasok sa kwarto ko na tumatawa. Napaupo siya sa lapag habang hawak ang tiyan.

Binato ko siya ng unan at pumasok sa banyo.

Tumitig ako sa salamin, "ALASKA? ALASKAAAAAAA!" Dali dali akong lumabas ng banyo at pinuntahan si Alaska na tawa parin ng tawa habang nakahiga sa lapag.

"HAHAHAHA--Ooops. Bakit Marg?" Nagpipigil na tawang sambit niya.

"Anong ginawa mo sa mukha ko?!" Sigaw ko at inupuan siya. Sinulatan niya kasi ako sa mukha ng 'bitter' 'bitch' at kung ano ano pang kalokohan.

Kiniliti ko siya ng kiliti hanggang sa mapagod kami.

Humiga kaming dalawa sa sahig nang humahagikgik.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAA" Napalingon ako kay Alaska nang bigla siyang tumawa ng malakas. Tinitigan ko siyang mabuti at umiling.

Nababaliw na siya.

*ting*

Kinuha ko ang phone ko sa kama at tinignan ang notifications.

'Alaska Elizalde tagged you in a video.'

'Sabrina, Seth and 10 others commented on a video that you are tagged in.'

Napatingin ako kay Alaska na patuloy pa ding tumatawa habang hawak ang phone niya.

Pinindot ko yung video na nakatag sa akin.

"Samantha! Bumangon kanaaaaa!"

"SAMANTHA MARGAUX! KANINA PA NAG-AANTAY BOYFRIEENND MOOOOO!"

''JACKIE ALASKA ELIZALDEEEEE!"

"NAKAKAINIS! Wala nga pala akong boyfriend! Aiishh! Kainis!"

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHHAAH!"

Tiningnan ko si Alaska na nakapeace sign habang nakangisi.

"IloveyouSamanthahsjaainsuiaaoxjksaoa" Sabi niya at tumakbo palabas ng kwarto.

Napailing ako at napangiti.

Tinignan ko ang mga comment sa video,

'Sabrina Wilford - Ikinahihiya kita kapatid.

Seth Wilford - Ang cute cute mo baby!

Kristoffer Scott - Uy, namiss niya ako!

Alaska Elizalde - HAHHAHAAHAHHAHAHAHAHAHAA.

Katrina Wee - Walang agawan ah

Shane Lee - Halata namang scripted hmph!

Napairap ako sa mga nabasa kong comment.

Nagreply ako sa comment ni Katrina. 'Lingkisan mo siyang mabuti baka hindi mo namamalayan unti unti na siyang nawawala sa'yo.'

Napangisi ako sa reply ko. Ang bitch ko ba?

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon