Chapter 19

458 11 0
                                    

''Lilipat daw si Katrina dito?''

''Yung pinalit ni Kristoffer kay Margaux?''

''Oo''

''Kahapon pa siya nandito sa school no!''

Tumayo ako at umalis sa cafeteria. Puro nalang Katrina, Katrina, Katrina! Aiishh!

May nakabunggo akong babae pero hindi naman malakas kaya hindi ako napaupo. Pabebe lang siguro talaga siya kaya siya napaupo sa sahig dahil madaming lalaki sa paligid. Tss.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. ''Hindi ka manlang magso-sorry?'' Paiyak na sabi nung girl.

Lumingon ako sa kanya, tss si Katrina pala. ''Nasaktan ka ba? Hindi naman diba? Huwag kang umarte na parang ikaw ang naagawan ng boyfriend. Ikaw yung mangaagaw tapos ikaw yung nasaktan? Tss.'' Sabi ko at inirapan siya.

''Bakit? Bitter ka lang e! Kasi mas pinili ako ni Kris kesa sa'yo!'' Umiiyak na sigaw niya.

''Kawawa ka naman Katrina. Basura na, kinuha mo pa?'' Nang-aasar na sabi ko. Madami naring nanonood sa amin.

''Hindi basura si Kris!'' Sigaw niya.

''Ooops. Wala akong sinabing basura siya.'' Natatawang sabi ko. Hindi siya makasagot.

Binuksan ko ang bote ng tubig na hawak ko at unti unting binuhos ito sa kanya.

''Yan, yan ang basura.'' Patungkol ko sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad palayo.

Mukha siyang basang sisiw! Hahahaha. Maganda naman siya,oo. Pero wala siyang binatbat sa akin. Ewan ko nga kay Kristoffer kung bakit yun pa ang pinalit niya sa akin, tss.

Napatigil ako sa paglalakad ng may humawak sa akin sa braso. Lumingon ako dito. ''Oh, Kristoffer!'' May pagkagulat na sabi ko.

''Bakit mo ba ginagawa ito? Naghihiganti ka ba, ha? Bakit, kasi nakipaghiwalay ako sa'yo? Huwag mo na idamay si Katrina, please.'' Sabi niya at inakbayan si Katrina.

''Tinatamad akong sagutin yang mga tanong mo.'' Bored kong sabi. Tumalikod na ulit ako sa kanila.

''B-baka gusto mong patalsikin kita sa school na 'to! Ang m-mommy ko ang may ari nito no!'' Nagmamatapang na sabi ni Katrina.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. ''Talaga? Mommy mo ang may ari nitong school? Ha-ha-ha, nakakatawa ka naman Katrina.'' Umiiling na sabi ko, ''Hindi mo pa ako kilala, Katrina. Ako si Samantha Margaux Wilford. Daddy ko ang may ari at Mommy ko ang principal ng school na ito. At pwede ba, 'wag kang feeling diyan! Tss, sinungaling ka pala?'' Dagdag ko pa.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagbulungan naman ang mga estudyante na nakikinood sa amin.

''Hindi ako sinungaling! Ikaw iyon! Sige nga! Papuntahin mo nga dito 'yang pekeng principal na mommy mo!'' Sigaw niya pa. Pinipigilan na siya ni Kristoffer pero ayaw niyang magpa-awat.

''Okay.'' Natatawang sabi ko. Kukunin ko palang ang cellphone ko nang magsalita si Mom.

''All of you in my office, now!'' Sigaw sa aming tatlo ni Mom. Tumango ako at naunang maglakad.

''P-pero--''

''Now!'' Sigaw ni Mom kay Katrina.

Lagot ka Katrina! HAHAHAHAHAHA.

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon