Three months na ang lumipas at hanggang ngayong hindi ko parin maintindihan kung paano naging kami ni Kristoffer.Sa three months ding iyon, nalaman ko na mahal ko na pala siya.
''Sam! Yung boyfriend mo nasa baba!'' Sigaw ni kuya Seth sa pintuan ng kwarto ko.
''Hayaan mo siya! Inaantok pa ako!'' Sigaw ko pabalik sa kanya. Nagtaklob ulit ako ng kumot at natulog ulit.
''Baby kapag hindi ka gumising, bukas bukas buntis ka na.'' Napadilat ako at tinulak si Kristoff. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin.
''Walangya ka talaga! Marami pa akong pangarap sa buhay!'' Sigaw ko sa kanya.
Napasimangot siya. ''Bakit baby? Hindi ba kasama sa pangarap mo ang magkaroon tayo ng anak?'' Nakakunot noong sabi niya.
''A-ah. Si-siyempre naman baby kasali din yon. Pero mga bata pa tayo, noh.'' Nawala ang antok ko dahil sa pinaguusapan naming dalawa. ''Halika nga dito.'' Dagdag ko pa. Tumabi siya sa akin dito sa kama.
''I love you, Kristoffer.'' Sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya din ako pabalik.
''I love you too, Samantha.''
''I woke up like this na ba, Sam?'' Napatingin kami sa pintuan at dun nakatayo ang kapatid kong nakangisi.
Binato ko siya ng unan. ''Maganda talaga ako kahit bagong gising!'' Sigaw ko sa kanya.
''Mas maganda ako sayo!'' Sabi niya at binato sa akin pabalik ang unan. Natawa nalang kaming lahat sa pagiging childish naming magkapatid.
''Bumaba na daw nga pala kayo sabi ni Mommy. Baka daw maging lola siya ng maaga.'' Sabi ni ate Sab at umalis. Nagkatingin kami ni Kristoff at sabay na napatawa.
''Baliw talaga sila.'' Sabi ko at binuksan ang pintuan ng banyo. ''Ligo lang ako.'' Sabi ko at naligo na.
Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maligo.
''Bakit nandito ka pa? Magbibihis na ako.'' Sabi ko kay Kristoff at tinuro ang pinto.
Nanatili lang siyang nakaupo sa kama. ''Magbihis kana, tinatamad ako tumayo.'' Sabi niya sa akin.
Tumalikod na ako sa kanya at tinanggal ang tuwalyang nakapulupot sa aking katawan. Nakahubad na ako ngayon at alam kong nakikita ito ni Kristoff. Pero okay lang, boyfriend ko naman siya at likod ko lang naman at pwet ang nakikita niya.
Nagbihis na ako ng denim pants at black hanging blouse and nagsuot ako ng vans na black. Naglagay ako ng light make up at kinulot ko ang dulo ng buhok ko.
Humarap na ako kay Kristoff at hinila siya pababa ng kama.
''Ang sexy ko noh?'' Sabi ko sa kanya. Napatango naman siya kaya napatawa ako. Bumaba na kami at sinabayan sila Dad kumain. Pagkatapos ay pumasok na kami ng school.
''Bagay talaga sila.''
''Oo nga, maganda't gwapo.''
''Nakakinggit si girl!''
''Samantha!'' Napalingon kami sa tumawag sa akin.
Mikael?!
''What are you doing here?'' Seryosong sabi ni Kristoffer kay Mikael. Nakwento ko sa kanya yung tungkol sa amin at ang pagbabalak ko magrevenge nung hindi pa kami.
Hindi pinansin ni Mikael ang tanong ni Kristoff. ''Mahal pa din kita, Samantha. Hindi naman nagbago iyon eh. Alam kong ginagawa mo lang ito para pagselosin ako kaya naman please bumalik ka na sa akin. Parang awa mo na, Samantha. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.''
Napatawa ako sa kadramahan niya. ''Ngayon ko lang nalaman na magaling ka pala magpatawa? *clap* *clap* Bakit buhay ka pa? Akala ko ba hindi mo kayang mabuhay ng wala ako?'' Hinawakan ni Kristoff ang kaliwang kamay ko.
Hindi naduduwag si Toff (Taf ang basa. Nickname ni Kristoffer) kay Mikael, ayaw niya lang na makialam sa past ko.
Lumuhod si Mikael sa harap ko. ''Parang awa mo na. Mahal na mahal talaga kita eh.''
Napatakip ako ng bibig. ''Oh my gosh! Mahal na mahal mo ako, pero pinagpalit mo ako? *clap* *clap* Ang galing mo rin ano?''
Umalis na kami ni Toff at dumiretso sa room. ''Ang hot mong magalit.'' Napatingin ako sa kanya at hinampas siya sa balikat. ''Loko ka!'' Natatawang sabi ko at umayos na ng upo dahil dumating na si sir.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Novela JuvenilSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...