Chapter 25

457 12 2
                                    

Hindi ko alam kung ilang beses na akong umirap buong byahe papuntang school. Paano ba naman, naiirita ako sa 'lovers' sa harap ko. Kung maka-landi sa harapan ko'y parang wala silang 'single at injured' na kasama na nakakakita sa kanila. Nakakaloka. Ginagawa din naman namin 'yan noon ni Kristoffer pero hindi naman ganito na may kasamang single!

Umirap akong muli nang humagikgik na naman si Laura, pinagbuksan kasi ito ni Kade ng pinto. Parang 'yun lang tss.. Why do I sound bitter?

Binuksan ko ang pinto sa kanan ko, ibinaba ang saklay at maingat na bumaba ng sasakyan. Alam ko namang hindi ako tutulungan nino man sa kanila na bumaba dahil tutok na tutok sila sa isa't isa.

''Kayo na masaya.'' Sarkastikong bulong ko at padabog na isinara ang pinto na siya namang ikinatigil nila sa paghaharutan. Napangiwi pa ako dahil naihakbang ko ang kaliwang paa ko matapos isara ang pinto. Kumirot tuloy ito.

''Are you okay?'' Tinanguan ko lang si Laura, ''oh, alright. Let's go!'' Tumalikod na ito sa akin bago hinila si Kade na nakakunot ang noo habang sinisipat ang bawat ekspresyon ng mukha ko. Nagpatianod naman ito nang makitang ayos lang ako.

Dahan dahan akong naglakad, natatakot na baka maitapak na naman ang kaliwang paa sa semento at kumirot muli ito.

Napapatingin sa akin ang mga estudyante na nadadaanan ko, pagkatapos nilang mapatingin kila Kade, mga nakakunot ang noo na tila ba nagtataka kung bakit ako naka-saklay at naka-sling ang kanang braso. Pero kahit na mukha akong kawawa na nakasunod sa dalawa, taas noo pa din akong naglakad. Hindi na kasi ako 'yung Sam na walang tiwala sa sarili..I gained my confidence, at ngayon naniniwala ako na kahit ano man ang itsura ko o ng ibang tao dapat magkaroon tayo palagi ng tiwala sa sarili.

Naupo ako sa bench malapit kila Kade na nakapila, kukunin ata nila ang schedule nila para sa pasukan. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko bago nagtipa ng mensahe kay Alaska. 'Bored. What are you doing?'

Agad naman itong nagreply, 'Ginugulo kwarto mo. Char! Watching Goblin in your room. You?' Napangisi ako, tapos ko na panoodin iyon. Maganda ang storya at ang gwapo ni Gong Yoo! Nagtipa ako ng reply dito, 'I'm doing nothing, naka-upo sa bench at hinihintay silang matapos sa dapat nilang gawin.'

She replied again, 'Wawa naman is you HAHAHAHA, so alalay ka lang nila ganon?' I can hear her laughing na sobrang lakas.

Siguro'y itinigil niya muna ang panonood para makausap ako ng maayos. That's why I love this girl, tinitigil niya lahat ng ginagawa niya para makausap niya ako kapag kailangan ko siya. Lalo na sa ganitong oras na ako lang mag-isa, ayaw niya na nakatulala lang ako sa kawalan. Kahit na through text ay bumabanat ito ng mga jokes na minsan ay corny pero tinatawan ko pa rin. Mas gusto niya kasing tumatawa akong mag-isa dahil sa mga corny jokes na text niya, kesa nakatulalang mag-isa.

Muntik ko na mabitawan ang phone ko, nagulat kasi ako nang may biglang nagtakip ng mga mata ko. Nahulaan ko agad kung sino ito. By the smell of his perfume..I knew that this is him...

''Ang baho ng kamay mo, Kristoffer!'' Nakangisi kong banggit.

..my ex.

Unti-unti nitong tinanggal ang pagkakapiring sa akin bago naupo sa tabi ko habang natatawa. Umakbay ito at ginulo-gulo ang buhok ko. ''Kilalang-kilala mo talaga ako, Gaux!'' Nakangisi ito.

''Oh yeah Toff.'' Napangiti ako. Missing the old times..

''What happened to you?''

''Nalaglag ng hagdan.''

''What?!'' Napatayo ito sa gulat bago muling naupo. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at bahagyang iniharap sa kanya.

''Nalaglag ka ng hagdan?'' Nakakunot noong pag-ulit nito sa sinabi ko kanina.

Napairap ako at tumango.

''Seriously, Gaux?'' Nakakunot ang noo nito, ''Nawala lang ako naging clumsy ka na.'' Napangisi ito bago pinisil ang pisngi ko. Iniripan ko ito at tinampal ang kamay.

Napadako ang tingin ko sa pwesto nila Kade, ayan na naman siya..nakatitig..nakakuyom ang panga...

Bakit?

Nabalik lang ang atensyon ko sa nasa tabi ko nang sundutin nito ang pisngi ko. ''Nakatulala ka na naman! Andito lang naman ako huh, may iba ka pa bang hahanapin?'' Taas baba ang kilay nito habang nakangisi.

Muli, napairap na naman ako.

''Tigilan mo nga ako Kristoffer! Nasan ba ang girlfriend mo?!''

Tumayo ako gamit ang saklay, hahakbang na sana ngunit bigla ako nitong hinila paupo. Napangiwi ako, kumirot kasi ang paa ko.

''Hey, are you okay?''

Napapikit ako kasi unti-unting bumabalot sa paa ko ang sakit. Mukhang matatagalan pa ito sa paggaling.

''Hala! Sorry! Sorry..''

Mukhang nag-pa-panic ito kaya naman dumilat ako para tignan ito. Ngunit sa pagdilat ng aking mga mata, nagulat ako nang nasa harap ko na si Kade. Nakaluhod ito at kita sa mga mata nito ang pag-aalala. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang hita ko. Hinuhuli nito ang mga mata ko..

''Oh my gosh! Are you okay? Sumasakit ba ang left foot mo? Do you want to go to hospital?''

Napatingin ako kay Laura na alalang-ala. Pinilit kong ngumiti sa kanya.

''I--I want to go home..''

Inilipat ko ang tingin ko kay Kade, tumango ito.

''Alright. Iuuwi na kita..''

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon