Chapter 21

556 13 3
                                    

"Sorry."

"Sorry? Walang magagawa yang sorry mo Kristoff! Nasaktan na ako oh. No. Nasasaktan pa din ako oh. Tapos sorry? Abay punyeta!" Sigaw ko sa kanya.

"Mahal mo pa ba ako, Sam? Kasi ako oo, mahal pa din kita. Hindi nawala yung pagmamahal ko sa'yo." Sincere na sabi niya sa akin.

"Oo, Kristoff. Mahal pa din kita." Napangiti siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Then, let's be together again. Kalimutan nalang natin yung nangyari at gumawa tayo ng bagong memories."

"No. Ayoko na Kristoffer. Tama na siguro yung mga memories natin. Kalimutan? Hinding hindi ko yun makakalimutan. Tsaka, masaya ka na naman kay Katrina diba? Kayo nalang gumawa ng memories together. Sorry Kristoffer, pero ayoko na muling pumasok sa isang relasyon. Ayoko na munang masaktan." Sabi ko at tinalikuran siya. Naglakad ako papunta sa pintuan.

Natigilan ako ng yakapin niya ako patalikod. "Samantha, I promise hindi kita sasaktan."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at inalis ito, humarap ako sa kanya at nagsalita. "Pero nagpromise ka na din sakin dati eh. Ganyang ganyan nga din yung mga salitang binitawan mo. Pero ano? Nasaktan mo na ako eh, kaya please lang kay Katrina ka nalang."

"Gaux, please. I love you." He lied.

Lumabas na ako ng office at dumiretso sa comfort room. Tumitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

Tama naman yung desisyon ko diba? Pinakawalan ko na siya.

Yun naman yung tama diba? Ayoko nang masaktan ng iisang tao lang ang may gawa, ayoko na.

Ayokong dalawa kami ni Katrina ang masaktan. Tama ng ako nalang...

"Oh my God! Umiiyak ka na naman ba?" Lumingon ako kay Alaska na nakasandal sa pintuan ng cubicle.

Hindi na ako nag abalang punasan ang luha ko. Para saan pa? Nakita na naman niya akong umiiyak.

Lumapit siya sa akin habang umiiling. "Si Kristoffer na naman ba ang dahilan?" Tumango lang ako sa kanya.

Ibinuka niya ang dalawang kamay niya at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik ng mahigpit at umiyak sa kanyang balikat.

"I missed you, Alaska." Bulong ko.

Hindi kasi kami palaging magkasama ni Alaska dahil kay Kristoffer. Naging busy ako sa boyfriend ko na hindi ko namalayan napapalayo na pala kami ni Alaska sa isa't isa.

"I missed you too." Sabi niya.

''So... what happened?'' Tanong ni Alaska at sumubo ng lasagna.

Nandito kami ngayon sa bahay nila, ipinagluto kami ni Tita Cadie ng lasagna kanina.

"We talked."

"About? 'Wag ka ngang pabitin!" Sigaw niya at binato ako ng unan.

Hindi ko nasambot ang unan kaya tumama ito sa mukha ko. Natawa naman siya kaya binato ko pabalik yung unan. Ayun! Sapul din sa mukha!

"Aish! Magkwento ka na! Daliiiiii!" Sigaw niya.

Unirapan ko siya. "Oo na!"

Sinabi ko sa kanya lahat ng napagusapan namin ni Kristoffer.

"Hindi mo binigyan ng second chance?!" Sigaw niya habang nakapamaewang sa harap ko.

"Para saan pa? Kung bibigyan ko siya ng second chance, para ko narin siyang binigyan ng isa pang chance na saktan ako muli." Sabi ko at nagbuntong hininga.

Umupo muli si Alaska sa sofa na nasa tapat ko. Tumango tango siya.

"Pero, paano ka nakakasigurado na sasaktan ka niya muli?"

"Nasaktan na niya ako. Hindi na imposibleng maulit iyon." Sagot ko at uminom ng juice.

"Sabagay tama ka... Pero paano kung mali ka?"

"Edi.... wow?" Biro ko.

"Samantha! Seryoso kasi!" Sigaw niya.

"Edi mali ako. Hayaan mo na nga iyan Alaska." Sabi ko at humiga sa sofa.

"Hayaan?! Aba! Lovelife mo itong pinaguusapan natin! Hindi ito basta bastang topic!" Sigaw niya.

"Alaska, wala na tayong magagawa. Nakapagdesisyon na ako at may Katrina na siya."

"Payag ka? Ha! Na ipagpalit ka niya?" Sigaw niyang muli.

"May magagawa pa ba ako? Napaltan na niya ako." Mahinang sagot ko.

"Parang hindi ikaw ang Samantha Margaux na kilala ko! Kasi yung kilala kong iyon, ipaglalaban ang lahat sa ngalan ng love!"

"I realised na kahit ipaglaban ko pa, may lamat na talaga. Hindi na talaga kami pwede bes." Malungkot na sabi ko.

"Bahala ka nga!" Sigaw niya.

"Teka nga. Bakit parang ipinagtatanggol mo si Kristoffer? Ayaw mo ba akong maging masaya?"

Napaharap siya sa akin. "Maging masaya? Masaya ka ba ngayon Samantha?"

"O--o naman!" Sabi ko.

Masaya? Masaya naman ako. Pero hindi kasing saya nung kasama ko si Kristoffer...

"Asus! O sige, iyan ang pinaniniwalaan mo eh."

--

''Pwede na ba nating ibalik yung dating tayo?'' Napaharap ako kay Mikael na biglang sumulpot dito sa library.

''Dating tayo? Hmm... hindi.'' Humarap na muli ako sa librong binabasa ko.

''Pero wala nang kayo ni Kristoffer, kaya pwede nang maging tayo.'' Determinadong sabi niya.

''Oo, wala na nga kami ni Kristoffer... pero 'di ibig sabihin nun pwede nang magkaroon muli ng tayo.'' Sabi ko at sinarado ang librong binabasa ko.

Tumayo na ako at ibinalik sa bookshelf ang libro.

''Samantha please.'' Napalingon ako nang may humawak sa braso ko.

''Stop this Mikael.'' Seryosong sabi ko at pilit na inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ito.

''Ano ba? Nasasaktan ako!'' Sigaw ko at hinampas siya sa braso.

Nagulat ako nang matumba sa harapan ko bigla si Mikael. Nanlaki ang mga mata ko.

''Kristoffer!'' Sigaw ko at hiniwakan ang kamao niyang sasapakin muli si Mikael.

''Are you okay? Are you hurt?'' Nag-aalalang tanong niya habang hawak ang balikat ko.

''I'm okay...'' Sabi ko at nag-iwas ng tingin.

''Ganun na kadali 'yon Samantha? Nahulog na naman ang loob mo diyan sa gagong 'yan?!'' Napalingon kami kay Mikael.

''First, no and second, hindi siya gago.'' Sabi ko kay Mikael.

''Pare, 'wag kang umasta na parang hindi mo siya nasaktan noon.'' Sabi ni Kristoff at umalis.

Nilingon ko si Mikael at umiling. Naglakad na rin ako palayo at lumabas na ng library.

After a month...

Naging masaya sila Kristoffer at Katrina. Kami naman ni Alaska, eto mga single kami. Madaming suitor si Alaska, pero hindi niya pinapansin lahat yun. Gusto niya daw ako samahan sa pagiging single ko. Ako naman? Eto masaya sa pagiging single. Tsaka dapat enjoyin ko to no!

Kakagraduate lang namin kahapon. Yehey!! Natapos na din kami sa pagsusunog ng kilay! Char hahahahahaa.

Nandito kami ngayon ni Alaska sa Starbucks. Pa chill chill, tsaka kanina pa kami nag hahanap ng gwapo, kaso puro may mga kasamang girlfriend. Hindi naman kami mang aagaw kaya hindi na namin hinarot. Sayang nga yung iba eh, mga beki! Kainis haha.

Masaya pala maging single. Walang magagalit kapag maikli ang short mo. O kaya naman kapag nakaswimsuit ka sa beach. Tsaka kapag gabing gabi na eh, nasa labas ka pa din bahay. Forever na kaya akong single? Ay wala palang forever so hindi haha. Ang bitter ba? Wala eh, single kasi haha.

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon