Chapter 13

553 8 0
                                    

''Sure ka na dito ka muna?'' Tanong ni Alaska at inayos ang kanyang bag.

''Hindi pa ako tapos dito sa research eh, sige na umuwi ka na.'' Sabi ko sa kanya habang nagta-type sa laptop.

Nandito ako ngayon sa library, gumagawa ng research.

''O sige be. Umuwi ka agad ha? Malapit na mag-6PM.'' Tumango lang ako sa kanya at nagconcentrate na sa ginagawa ko.

Umalis na si Alaska. Ako nalang mag-isa ang nandito at ang librarian.

Humikab ako. Hindi pa din ako tapos sa research ko. Nag-inat ako at tumungo sa lamesa.

''Bakit hindi ka pa umuuwi, Baby?'' Idinilat ko ang kaliwang mata ko. Nakita ko si Kristoffer na nakaupo sa tabi ko.

Nginuso ko ang laptop ko. ''Sa bahay mo nalang gawin yan.'' Sabi niya at niyakap ako sa bewang.

Tumunghay ako, ''Ayoko. Tatamadin akong gawin yan kapag sa bahay ako gumawa.''

Pinitik niya ako sa noo at ngumiti. ''Sige na umidlip ka muna, ako na lang ang gagawa nito.'' Tinanggal niya ang pagkakayakap sa bewang ko at inintindi na ang ginagawa ko kanina.

Ipinikit ko na ang mata ko at tumungo ng maayos...

Nagising ako nang maramdaman kong lumulutang ako.

''Nagising ba kita, Gaux?'' Kumapit ako sa leeg niya, buhat buhat niya kasi ako na parang bagong kasal. Tumango ako sa kanya.


Inilibot ko ang tingin ko at nakita kong nandito na kami sa parking lot ng school at papunta na sa kotse niya.

Binuksan ko ang pinto ng passenger's seat at iniupo ako doon ni Kristoffer. Inilagay niya sa hita ko ang gamit ko at inayos ang seatbelt ko. I mouthed 'Thanks' to him habang nakapikit. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

"Sleep well, baby..."

"Nako hijo, salamat at inihatid mo dito itong si Samantha! Nagtext sa akin si Alaska at sinabing hindi pa daw makakauwi itong batang ito."

"Walang anuman po. Tsaka inantay ko po talaga si Samantha sa labas ng library."


Dumilat ako. Nandito na pala ako sa kama.

"O sige, dito ka na magdinner?" Lumingon ako kila Mom at Toffer na naguusap.


"Hindi na po..."


Bumangon ako at lumapit sa kanila.


"Gising na pala si Samantha, eh" Sabi ni Mommy.


"Uuwi ka na?"
Tanong ko at yumakap sa kanya patalikod.


"Oo.. ayaw mo pa ba?" Nang aasar niyang tanong.

Hinampas ko ang balikat niya. "Saan ka kakain?"


"Sa bahay..." Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Sige.. Ingat!" Sabi ko at kumaway.


"Ingat ka hijo. Magpahinga ka na muna Samantha."
Sabi ni Mom. Lumabas na silang dalawa sa kwarto ko.


Nagbihis ako ng pambahay at sinuklay ang buhok ko. Umupo ako sa kama.

*beep*

Tumayo ako at kinuha ko sa study table ang bag ko at hinanap ang cellphone ko.

"Huh? Wala namang nagtext ah... Ah! Nasa akin nga pala yung cellphone ni Toffer!" Sabi ko sa sarili ko. Hinanap ko ito sa bag ko at tumakbo palabas ng bahay.

"Oh, bakit nandito ka sa labas?" Napalingon ako kay Kuya Seth.

"Ah, naiwan kasi ni Toffer itong phone niya. Akala ko hindi pa siya nakakaalis."

Tumango ito at umakbay sa akin. "Tara sa loob?" Tumango ako sa kanya at pumasok na kami sa bahay.

"Kakain na!" Sigaw ni Sabrina. Inilagay ko sa bulsa ng short ko ang phone ni Toffer at umupo na sa hapag kainan.

"Ginabi ka ata, Sam?"

Lumingon ako kay Dad. "Yes po. May ginawa akong research sa library." Tumango ito at nagpatuloy na sa pagkain. Ganun din ang ginawa ko.

*beep*

"Kaninong phone iyon?" Tanong ni Mom.

Sinilip ko ang phone ni Toffer, may nagtext muli. "Sa akin po..." I lied.

Tinignan ko kung sino yung nag-text pero may password, hmm..

I typed his birthday, failed.

I typed my birthday...

Namula ang pisngi ko nang magbukas ito.

"Oh, ba't bigla kang nag-blush? Comedy itong pinanood natin, hindi romance." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sabrina at binuksan ang messaging.

Pinindot ko yung unang text.

--

From: Katrina

Hey! Where are you? Nandito na ako. Text back. :*

--

Katrina? Who's this girl? His cousin? Definitely, this is not his sister. His sister's name is Trisha. And bakit may kiss na emoji? Hmmm....

Pinindot ko naman yung huling text.

--

From: Katrina

Kris! Where are you na ba? I'm worried. Kanina pa ako nandito.

--

Should I reply? Or no? No.


I locked Toffer's phone at inilipat ang atensyon sa tv.


"HAHAHAHAHHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAA! Hoy!Bakit nakabusangot ang mukha mo giiiiirl! Tumawa ka naman! Nakakatawa kaya yung joke!" Sabi ni Sabrina.


Hindi ko siya pinansin.


Who's this Katrina girl? Hmmmm..

------

SABRINA ☝

YEHEY! MALAPIT NA MAGCOMEBACK ANG EXO! YEHET!

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon