Chapter 27

453 10 9
                                    

Merry Christmas everyone!

----

Nagulat ako nang imulat ko ang mga mata ko, nakahilig ako sa dibdib ni Kade habang nakapulupot ang braso nito sa akin. Pinamulahan ako ng pisngi. Tinitigan ko ang maamo nitong mukha habang natutulog, hinaplos ko ang pisngi nito bago napangiti.

Ano ba 'tong ginagawa ko?

Napailing ako.

Medyo maayos na ang pakiramdam ko. Sinubukan kong bumangon pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin. Ano ba naman 'to? Sinubukan kong muli pero ganoon na naman ang nangyari. Mamaya na nga lang.

Magkababata naman kami kaya ayos lang kung may makakita na magkayakap kami sa kama? Tama ba? Ayos lang naman diba? Wala naman kaming ginagawang masama.

Umayos ako ng pagkakahilig sa dibdib niya. Niyakap ko siya.

Why do I feel comfortable in his arms?

I smiled.

Nagulat ako ng unti-unting dumilat ang mga mata niya. Bago ko pa man maipikit ang mga mata ko at magkunwaring tulog, nakadilat na ang mga mata nito.

''Morning..'' he whispered, his voice husky. He smiled and patted my head.

''Morning,'' nginitian ko ito.

Inilagay niya sa likod ng tainga ko ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. Bago inilapat sa noo ko ang kamay niya, bago sa leeg ko, ''How are you feeling?''

''I think my fever's gone, I'm fine now thanks to you.''

''Good to hear that. Kanina ka pa gising?'' Tumango ako. ''Why didn't you wake me up?'' Magkasalubong ang kilay nito.

Umikot ako padapa sa gilid niya. Iningatan ko ang kanang braso ko na may benda pati na ang paa ko. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko. Ibinalik niya ang pagkakayakap sa akin kahit na nakadapa ako. Nginitian ko ito bago iniangat ang kaliwang kamay at itinuwid ang magkasalubong na kilay nito.

''I want to watch you sleep..'' Pabulong kong sagot. Umangat ang gilid ng labi nito.

''And you enjoyed it?''

Napangisi ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng hiya sa pwesto namin ngayon. Kung may makakakita man sa amin ngayon, iisipin nitong may relasyon kami. I'm comfortable when I'm with him..

''Are you hungry?''

Nagugutom na ako, pero ayoko pang umalis, ayoko pang tumayo dito. Gusto ko pa siya makasama. Gusto ko pa magtagal 'to. Kasi malay natin kung mauulit pa ang mga umaga na gigising ako na siya ang katabi, kung mauulit pa na pagkamulat ko ng mata, mukha niya ang aking masisilayan. Hindi natin alam ang mga bagay na maaaring mangyari. Tsaka nandyan si Laura..

Baka kaya siya nandito ngayon sa tabi ko ay hinayaan siya ni Laura, dahil may sakit ako at kababata ko si Kade..

Kaya..susulitin ko na ang araw na 'to na kasama ko siya.

''Hey..'' Hinaplos nito ang pisngi ko. ''Hungry? Let's go downstairs.''

Umiling ako, ''ayoko pa..'' gusto ko pa dito sa tabi mo.

''Sure?''

Tumango ako bago humilig sa dibdib niya at pumikit.

''Alright then,'' hinaplos nito ang buhok ko. Niyakap ko siya.

''I--I missed you..'' nakapikit pa din ako.

''I missed you too Samantha.''

Napangiti ako.

Kontento na ako sa ganito. Ayos na sa akin 'to..

Naramdaman kong humalik siya sa ulo ko, lihim akong napangiti.

''Is Kristoffer your boyfriend?''

Napatunghay ako, magkasalubong na naman ang kilay nito.

''No, ex..'' itinuwid kong muli ang kilay nito.

''Ex huh?''

''Why?''

I reached for his hair and played with it.

''Close pa din kayo,'' nakabusangot ang mukha nito.

''We're friends you know!''

Tumaas ang kilay nito, hinaplos nito ang braso ko na may benda.

''I'm telling the truth!''

Tumango lang ito.

Napagpasyahan na naming bumangon, inalalayan ako nito papunta sa banyo. Pagkalabas ko, nakaupo ito sa kama habang may twalya sa balikat, nang malaman na tapos na ako ay inalalayan akong muli. Pumasok na din ito sa banyo pagkatapos, nagbihis naman ako agad.

Naupo muna ako sa kama para hintayin siya matapos maligo.

Napatingin ako sa phone niya nang umilaw ito. Laura texted. Napaiwas ako ng tingin dito at inabala ang sarili sa pagsuklay.

Lumabas ito pagkalipas ng limang minuto. Lumuhod ito sa harap ko at ipinatong ang dalawang braso sa kama, ikinukulong ako. Inabot ko ang twalya sa balikat niya at pinunasan ang buhok niya. Palagi ko itong ginagawa nung mga bata pa kami, nakakatuwa naman at naalala niya pa.

''Nagtext nga pala si Laura..'' basag ko sa katahimikan.

Tinitigan ako nito sa mga mata, tinatantya ang ekspresyon ko. Pinanatili kong blanko ang mukha ko.

''Ano sabi?'' Nakataas ang kilay nito.

''What?! How would I know!''

Bakit ko naman babasahin ang text message ni Laura para sa kanya?!

''Hindi mo binasa?''

''Of course not! Bakit ko naman papakialaman ang phone mo? Wala naman akong karapatan..'' Binulong ko ang huli kong sinabi.

He chuckled. ''Chill baby, you're so hot.'' Pinisil nito ang magkabilang pisngi ko.

Baby!!

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon