''Sam, akala ko ba pupunta kang mall ngayon? Bakit nakahiga ka pa diyan?'' Tanong ni Ate Sab sa akin.
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nilalaman ng text ni Toff.
''Yes, ate. Babangon na.'' Matamlay kong sagot. Bumangon na ako at naligo sa banyo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot ako ng black dress na tinernohan ko ng light make up.
Lumabas na ako at dumiretso sa labas ng bahay. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at sumakay dito.
*toktok*
Binaba ko ang bintana ng kotse at tiningnan si Kuya Seth. ''Ikaw ang magd-drive? Nasan si Kristoffer?'' Muntik na ako maiyak sa sinabi ni kuya pero pinigilan ko.
''Mauna na daw ako, kuya. Tsaka may student's license naman ako. Don't worry, I will drive carefully.'' Sabi ko at ngumiti ng pilit. Tumango tango lang siya at kumaway. Nagdrive na ako papuntang mall.
Traffic. Kaya naman tumingin tingin ako sa labas ng kotse. ''Kristoper's Sari-sari Store'' Basa ko sa nakasulat. Nanlumo ako at napasimangot. Naaalala ko na naman siya.
--
Pumasok na ako ng mall at dumiretso sa isang salon.
''Good morning, ma'am.'' Magalang na bati nung babae. Walang maganda sa umaga tsk.
Nginitian ko siya, ''I want to change my hair color.''
''Okay, po. Dito po tayo.'' Sabi niya at hinatid ako sa upuan.
After an hour ay natapos na din. Blonde na ang color ng buhok ko and I love it! Naglibot libot ako sa mall at pumasok sa isang boutique.
Kumuha ako ng kumuha ng mga damit na sa tingin ko ay kasya sa akin. Madami na akong nakuha pero may hinahanap parin ang paningin ko.
May nakita akong isang dress na maroon ang kulay at hinawakan ito. Ngiting ngiti ko siyang kinuha pero may humawak din ng damit na iyon.
''Excuse me, pero ako ang nauna.'' Mataray na sabi ko sa babae.
''Pero ako ang unang nakakita! Akin lang ito!'' Parang bata na sigaw niya sa akin. Nagpout siya at hinila ang dress. Hindi ako pumayag na makuha niya ito kaya hinila ko din ito.
''Katrina? Anong nangyayari?'' Nanlaki ang mata ko sa narinig.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Novela JuvenilSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...