''Mahal na mahal mo siya no?'' Napatingin ako kay Alaska.
''Kasi hindi pa siya nakakapagexplain at nakakapagapologize, pinatawad mo na agad siya.'' Dagdag pa niya.
Napaiwas ako ng tingin. Natamaan ako sa sinabi niya.
Mula nung araw na tinanong ko siya kung sino si Katrina, hindi ko na ulit binuksan ang topic na 'yon. Natatakot kasi ako... Natatakot na baka iwan niya ako kapag inalam kong muli kung sino yung babaeng iyon.
Isang bes nga, nasa isang restaurant kami. Nagrestroom siya saglit, nagtext ulit sa kanya si Katrina. Pero that time, hindi ko na binasa ang message at hindi ko din siya kinuwestyon tungkol doon.
''Mar-''
''Siguro nga tama ka, Alaska. Mahal na mahal ko nga siya.'' Sabi ko at tumungo sa desk ng arm chair ko. Nasa gym ang mga kaklase namin. Masama kasi ang pakiramdam ni Alaska kaya sinamahan ko siya.
''Eh? Sinong mas mahal mo? Si Kristoff o si Mikae---''
''Si Kristoff, okay? Huwag mo nang babanggitin yang pangalan ni Mikael.'' Seryosong kong sabi at tumunghay.
''Eh bakit ang bitter mo? Mahal mo pa si Mikael no? Kasi kung hindi mo na siya mahal, hindi ka maiinis kapag naririnig mo ang pangalan niya.'' Napatingin ako kay Alaska.
Tinitigan ko siya bago nagsalita. ''Alaska wala na kas---''
''Okay, okay. Sorry na.'' Sabi niya at tumungo.
SHANE'S POV
Naglakad ako pabalik ng room para kunin ang towel ko.
''Eh? Sinong mas mahal mo? Si Kristoff o si Mikae---''
Sumilip ako sa bintana at nakita ko sila Samantha na naguusap. Nagtago ako at nakinig sa usapan nila.
''Si Kristoff, okay? Huwag mo nang babanggitin yang pangalan ni Mikael.''
Inilabas ko ang cellphone ko at vinideohan sila.
''Eh bakit ang bitter mo? Mahal mo pa si Mikael no? Kasi kung hindi mo na siya mahal, hindi ka maiinis kapag naririnig mo ang pangalan niya.'' Sabi ni Alaska.
Tinitigan ni Samantha si Alaska bago sumagot. Pero bago pa siya makapagsalita ay tinigil ko na ang pagvivideo. Tinago ko ang cellphone ko at nagpunta sa locker room.
Nagpunas ako ng pawis at ngumiti. Pinanood ko uli ang video at sinend kay Kristoffer.
ALASKA'S POV
Nag-aalala ako kay Samantha. Baka maulit na naman ang nangyari noon. Baka lokohin siya ulit. Sana naman wala lang iyong si Katrina. Sana...
"Hi Samantha!" Napatingin ako kay Shane tapos kay Samantha. Hindi ito pinansin ni Sam.
"Good luck sa relationship niyo!" Napakunot ang noo namin ni Sam sa sinabi ni Shane.
"What the fuck? What are you talking about?" Inis na sabi ni Sam at inirapan si Shane.
"Basta..." Nakangising sabi ni Shane bago umalis sa harapan namin.
"Anong ibig sabihin ng bitch na 'yon?" Naguguluhan kong tanong.
"Hey ladies! Bakit mga nakabusangot ang mukha niyo? Smile!" Napatingin ako kay Jon na biglang sumulpot sa harapan namin.
Si Jon, kaklase namin at manliligaw ko.
"Hi Sam!" Masiglang bati ni Jon at nakipag apir kay Sam. Nakasimangot namang nakipag apir si Sam.
Pumunta sa harap ko si Jon. "Halooo Jackie Chan!" Binatukan ko si Jon. Asarin daw ba ako? Hmmp!
"Chill ka lang Alaska bebe." Nakangising sabi ni Jon. Inirapan ko siya.
"Anyare sa inyo?" Tanong ni Jon at umupo sa desk ng arm chair ko.
Nginuso ko si Samantha na naka-tulala sa bintana at nagmuwestra na tumahimik siya. Kumunot ang noo ni Jon at tumango tango.
"What happened to her? LQ?" Bulong ni Jon sa tenga ko.
"Not sure...." Mahina kong sabi.
Magiging maayos din ang lahat Samantha...
Sana'y huwag ka lang magbulagbulagan.

BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Teen FictionSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...