Chapter 14

519 12 0
                                    

"Nakikinig ka ba, Gaux?" Napatingin ako kay Toffer.

"Huh? May sinasabi ka?" Tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno sa garden namin. Nakahiga siya sa lap ko.

Tumango siya. Hinawakan ko ang buhok niya. "Sorry, may iniisip lang ako."

"Ano?" Tanong niya.

Sasabihin ko ba? Dapat ko bang itanong kung sino si Katrina?

"Sino... si Katrina?" Napabangon siya sa tanong ko. Napakunot naman ang noo ko sa pagbangon niya.

"Why?" Tanong niya habang nakatingin sa ulap.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. "If you.... if you hesitate between me and another person, don't choose me."

Napalingon siya sa sinabi ko. "What?! Katrina is just.... is just a friend! I'm not hesitating between you and her! Don't say that again!" Sigaw niya.

Binitawan ko ang kamay niya. "Wala akong sinabing si Katrina! Bakit defensive ka? Sinasabi ko lang naman na kapag naghesitate ka between me and another person, 'wag mo akong piliin! Pero hindi ko sinabing si Katrina yung person na yun! Bakit siya nga ba? Huh?" Sigaw ko sa kanya.

"Stop this please." Mahinang sabi niya.

"Stop? Bakit? Ayaw mo bang malaman ko? Huh? Sino si Katrina?!"

Tumayo siya at humarap sa akin. "Walang patutunguhan 'tong pagaaway natin. Bukas nalang tayo magusap ng maayos." Sabi niya at umalis sa harapan ko.

"What the fuck?! Bakit hindi mo masagot! Ganun ba kahirap yung tanong ko at hindi mo magawang sagutin ang tanong ko?! This is bullshit!" Sigaw ko. Pero hindi manlang lumingon si Toffer.

Nanatili akong nakaupo sa ilalim ng puno.

"What the fuck just happened?" Tanong ko sa sarili ko.

Mali ba ako? Mali ba na itanong ko kung sino yung babaeng iyon? Mali ba?

Tinakpan ko ang mukha ko. Nagulat ako nang marinig ko ang sariling kong humihikbi.

"Samantha? Umiiyak ka ba? Narinig kong may nagsisigawan dito. Nasan na si Kristoffer?" Narinig kong sabi ni Sabrina.

Suminghot ako at pinunasan ang mukha ko. "Ate...."

Umupo siya at niyakap ako. "Sssshhhhh... It's okay, sssshhhhhh..."

Nang mahimasmasan ako ay nagkalas na kami sa pagyayakapan. Suminghot singhot ako at inayos ang sarili ko.

"Ngayon mo nalang ulit ako tinawag na ate ah?" Natawa ako sa biro niya.

"Mali ba na itanong ko kung sino si Katrina?" Wala sa sariling tanong ko.

"Huh? Ah, kay Kristoffer? Hindi naman. Girlfriend ka niya, kaya ayos lang na magtanong ka sa kanya ng ganyang mga bagay." Sabi niya.

"Bakit...."

"Bakit parang may itinatago siya?" Panghuhula niya sa sasabihin ko.

Umiling ako. "Hindi ate. Wala siyang itinatago sa akin." Pagkukumbinsi ko sa kanya. Siya nga ba ang kinukumbinsi ko, o ang sarili ko?

"Sigurado ka?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at dahan dahang umiling.

"Kita mo na? Huwag kang magbulagbulagan Samantha." Sabi niya at tumingin sa bahay.

"Hindi naman ako nagbubulagbulagan ate. Hindi lang talaga ako sigurado kung may itinatago nga siya sa akin." Nakatungong sabi ko.

"Hindi mo ba naitanong ng maayos si Kristoffer?"

"Hindi kami nakapagusap ng maayos. Nagsisigawan kasi kami." Sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.


"Buti nalang wala pa sila Mom dito. Kung hindi magtatanong sila ng magtatanong sa'yo. Lalo na si Kuya." Sabi ni Ate.


Tumango tango ako. Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya.


"Taya!" Sigaw niya at inilapat ang palad sa balikat ko bago tumakbo.


Nung una hindi ko naintindihan ang ibig sabihin niya, pero narealize ko din agad kaya hinabol ko siya. Naghabulan kami hanggang sa lumubog ang araw. Nang mapagod kami ay humiga kami sa damuhan.


Humagikgik kaming dalawa. "Ngayon lang uli ako pinawisan ng ganito!" Sabi ko at pinunasan ang pawis sa aking noo.

"Ang tagal na nating hindi naglaro ng habulan." Tinignan ko si Ate at nakita ko siyang nakangiti habang nakapikit.

Pumikit din ako at dinama ang banayad na ihip ng hangin.

Papalipasin ko muna ang halo halong emosyon na naramdaman ko kanina....

"Bakit diyan kayo natutulog mga hija?" Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Mom. Umayos ako ng upo. Ganun din ang ginawa ni Sabrina.

"Naglaro kasi kami ni Samantha, Mom." Nakangiting sabi ni Sab.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Mom. "Naglaro? Kayo?"

"Yes po!" Sabi ko.

Tumayo ako at lumapit kay Mom, niyakap ko siya. "Naglaro nga kayo. Magpalit na kayo ng dami! Naku, baka natuyuan kayo ng pawis." Sinabi ni Mom.

Napahagikgik lang kami ni Sab. Nauna na akong maglakad papunta sa bahay.

"May problema ba? Bakit bigla kayong naglaro?" Narinig kong tanong ni Mom.

Napabuntong hininga ako. Kilala talaga ako ni Mom..

-----

Grabe napaiyak ako habang sinusulat ko ito!

Anyway thanks for reading this chapter. Vote and comment please.

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon