PLEASE READ!
Ina-update ko ulit ito dahil nagloloko ang wattpad ko at hindi na update ang Chapter 44. Tapos putol yung chapter 45. Kaya pakiulit po ng pagbasa para di kayo maguluhan. Thanks.
***
KATHRYN'S POV
Naglakad kami ni Daniel papuntang parking lot, nang nasa tapat na kami ng sasakyan niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.
Tiningnan ko siya bago pumasok at nakakaloko akong ngumiti sa kanya. Tumaas lang ang kilay niya. "What?" Naks, ang arte. Hahaha
"Nothing, parang nagigin gentleman ka ata." I chuckled.
Umirap siya kaya natawa ako. I dont know pero pag kasama ko si Daniel, hindi ko na masyadong naiisip yung guilt ko sa nagawa ko kay Jon. Basta ang alam ko pag kasama ko siya, masayang masaya ako. Simpleng ginagawa niya, natutuwa ako. Parang timang.
Pumasok ako sa sasakyan at ganon rin siya. Tahimik lang siyang nagda drive.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta." Ha? Saan yun? Okay waley.
Tumahimik nalang din ako habang pinapanood ko ang mga buildings na nadadaanan namin. Ayaw kong tingnan si Daniel habang nagdadrive, ang gwapo niya! Di ko kinakaya! Natawa ako sa sarili kong naisip.
"What's funny?" tanong niya at nilingon ako.
"Hindi, may naalala lang." I lied kaya mas lalo akong natawa, ewan ko natitimang ata talaga ako.
"Lalaki?" kumunot ang noo niya.
"Oo!" sagot ko. Syempre, lalaki naman talaga si Daniel.
Halos masubsob ako sa pagkakalakas ng pagkapreno ni Daniel nang sasakyan.
"Aray naman!" daing ko.
"Who's that guy?" matigas ang boses niya nang tinanong niya ako nito kaya tiningnan ko siya na nakatingin din sakin.
As in parang yung buong atensyon niya na sakin. Tiningnan ko siya nang may pagtataka. "Anong who's the guy?"
"The guy.... na naalala mo?" salubong na ang kilay niya. He looked so pissed.
Pero sa kabila nun ay natawa ako. Nang bongga. Minsan may pagkatanga din pala tong lalaking to eh. Hahahahaha.
"Anong nakakatawa? Tell me, Kathryn who's the guy? I swear I'll kick his ass." Natawa ako lalo.
"Basta." ginaya ko yung tono ng pagsasalita niya kanina. Nagulat ako nang mas lumapit siya sakin.
"Who's the guy?" ulit niya, this time mas madiin.
"Basta nga. Gwapo." I am enjoying this, mas gumagwapo siya pag napipikon.
"Fvck it." mura niyang halos pabulong.
Halos mapatalon ako nang mahampas niya ang manibela.
Yumuko siya sa manibela at hindi nagsalita. Sinundot ko ang pisngi niya pero inilag niya ang mukha niya.
"Hala! Galit ka talaga?" hindi siya sumagot.
Sinundot ko ulit ang tagiliran niya pero hindi siya natinag. Ilang saglit lang ay umayos siya nang upo at sinimulang magseryoso ulit sa pagdadrive.
"Hoy galit ka nga?" tanong ko ulit pero ni hindi niya man lang ako binalingan nang tingin.
Di ko naman sinasadya yun, tsaka joke lang yun. Besides, siya naman ang iniisip ko.