Chapter 36

94 5 0
                                    

Since tapos na ang exams namin , here's my update . Enjoy reading .

______________________________

CHAPTER 37

KATHRYN'S POV

Pagkatapos nang naging pag uusap namin ni Daniel sa dalampasigan , nawalan na ko ng lakas at ganang manood ng nagsusurfing .

Ewan ko kung saan ko nakuha ang lakas kong maglakad papunta dito sa suite na kinuha namin . Basta ang alam ko lang ay dinala ako ng paa ko dito at humiga lang ako at walang ginawa kundi isipin yung mga sinabi ni Daniel kanina nang may naramdaman akong mainit na bagay na patuloy ang pagdaloy sa pisngi ko . Ni hindi ko namalayang naiiyak na pala ako .

Habang sinasabi niya yung mga salitang yun , ramdam ko ang frustration niyang matagal niya nang kinikimkim . He seemed so hurt . Ako rin naman .

And after what happened kanina , i dont know if I can still face him and talk to him . Marami akong gusto itanong at kumpirmahin sa kanya kaso nahihiya ako at hindi ko alam kung paano .

Ni hindi ko rin maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga pinagtapat niya sakin at di ko alam bakit naiiyak akong bigla pag naalala ko yung nasasaktan niyang mga titig sakin .

Naputol ang malalim kong pag iisip nang maramdaman ko ang paglubog ng kabilang parte ng kamang hinihigaan ko , parang may umupo . Nilingon ko agad ito at agad kong pinunasan ang luha ko at napaupo ako nang maayos .

"B-Bes .." ngarag ang boses ko nang sinambit ko ang tawagan namin , maybe because I cried for about an hour or two .

"Bes ..." ngumiti siya pero hindi umabot ang ngiting yun sa mga mata niya .

"A-Anong ginagawa mo dito ? Aren't you supposed to be watching the surfers ?" I know this is wrong that im feeling awkward around her . She's my bestfriend , dapat komportable ako sa kanya . But I dont know , since nung nadiscover kong mukhang may something sila ni Daniel ay naaawkward ako sa kanya .

"Eh ikaw .. Aren't you supposed to be watching the surfers too ?" Tiningnan niya akong mabuti , yung tingin niya tuwing inaalam niya ang problema ko . She's been my bestfriend since forever , she know me too well at ganitong mga titig ang binibigay niya sakin everytime she wants to know my problem .

"I-Im not feeling well ." sagot ko sa kanya sabay yuko . Ayaw kong makita niya ang mata ko . Like I said , she know me too well para makapagsinungaling ako sa kanya .

"Is this about Daniel ?" napaangat ko ang ulo ko sa diritsahang tanong niya .

Tiningnan ko lang siya , nagbara agad ang lalamunan ko at wala akong maisagot sa kanya dahil tama siya . This is about Daniel .

"I know this would happen ..." mahinang bulong niya na nakaagaw ulit ng atensyon ko .

"W-What do you mean ?"

"Sinadya ko talagang ipagsama kayo sa pagbili ng chichirya . Para makapag usap kayo . To clear things out . That's why I know this would happen ." ngumiti ulit siya nang malungkot .

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya .

"W-Why ? I-I mean ... I thought you two have you know .. s-something ?" nauutal kong sabi . Tiningnan niya ulit ako pagkatapos ko iyong sabihin .

At bigla nalang siyang humagalpak sa tawa . "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA NO HAHAHAHAHAHAHA JUST NO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" may pahawak hawak pa siya sa tiyan niya dahil sa sobrang pagtawa . Halos maglumpasay na siya kakatawa habang ako ay nakangangang nakatingin sa kanya . What's funny ? May nasabi ba akong mali ?

Torn Between Two Brothers (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon