I'll be using third person's POV for this chapter! Please be guided. Chos, may ganon. Hahahaha. And dalawang chapters ang update ko! Oha hahaha.
______________________________
CHAPTER 43
THIRD PERSON'S POV
Umaga na nang maisipan ni Daniel na umuwi sa bahay nila at hindi sa condo niya. Pumupunta lang naman siya doon pag gusto niya.
Uuwi siya sa bahay nila ngayon para na rin icheck si Jon. Hinatid na rin niya si Kathryn kanina.
Pagkarating niya sa bahay nila ay agad siyang nanibago. Tahimik.
"Manang, sila Mama?" tanong niya sa kasambahay nila.
"Naku, Iho. Umalis nung isang araw. May business trip."
"Ganon ho ba? Si... Jon?"
Yumuko naman ang kasambahay sa tanong ni Daniel. "Nasa kwarto niya po. Pagod ata yun, naglasing ho kasi." wika ng kasambahay.
"Ah sige po. Salamat." umakyat si Daniel sa kwarto ni Jon. Kumatok siya nang tatlong beses at nung walang sumagot ay agad niyang pinihit ang doorknob at pumasok sa loob.
Magulo. Yun lang ang tanging salitang pumasok agad sa isip ni Daniel nang makita niya ang kwarto ng kapatid niya.
Magulo ang mga bed sheets, ang mga gamit at nagkalat na rin ang mga supot ng mga kung ano anong chichirya at bote ng alak sa paligid ng kwarto. Doon niya naabutan aa may gilid si Jon.
Nakahiga ito, tulog habang may hawak na bote sa kanang kamay. Mukha ngang lasing na lasing ito dahil hindi man lang umabot sa kama para makatulog ng maayos.
Pumikit nang mariin si Daniel at hinilot ang sentido niyo. Kahit siya, ayaw niyang makita ang kapatid niyang ganito. He's feeling guilty lalo pa't alam niyang siya ang naging dahilan. But he couldn't do anything about it anymore. Sabay nilang minahal si Kathryn, una nga lang nakapagpayahag si Jon kaya kung titingnan parang siya yung nang aagaw. Siya yung nanulot.
Inayos ni Daniel ang mga bed sheets at tinapon sa basurahan ang mga kalat. Nagspray din siya ng air freshener sa buong kwarto para maalis ang amoy ng alak.
"Manang paluto naman po ng sopas o lugaw. Basta yung mainit na makakain para mapakain kay Jon. Gigisingin ko lang." utos ni Daniel sa kasambahay nila.
Umakyat siya sa taas at unti unting tinapik sa balikat ang kapatid para magising. Nang gumalaw na ito ay unti unti itong dumilat. Sabog ang mga mata na mga pula dahil sa kalasingan.
"Mukha kang tanga." bungad agad ni Daniel kay Jon.
Sinamaan naman agad siya ng tingin nito bago bumangon. "Puta, sakit ng ulo ko." mura ni Jon sabay hawak sa ulo.
"Tanga ka kasi, iinom inom ka di mo naman pala kaya yung sakit ng ulo."
"Kanina ka pa ah. Pangalawang tawag mo nang tanga sakin yan."
"Maligo ka na nga don. Ang dugyot mo." wika niya bago tumawa. Idinaan niya sa tawa ang lahat ng sorry-ng gusto niyang sabihin sa kapatid niya. Hindi niya alam paano magsisimula dahil nangako siya kay Kathryn na wala siyang sasabihin kahit ano kay Jon tungkol sa kanila.
Nang lumabas si Jon sa banyo na bagong ligo pero pula pa rin ang mga mata at halata pa rin ang hang over.
"Bumaba ka don, kainin mo yung sopas na niluto ni Manang tas uminom ka ng gamot sa sakit ng ulo. Bilis!" utos niya sa kapatid bago prenteng humiga sa kama nito.
Bumaba si Jon at kinain yung sopas na nakahanda sa mesa. Bumuti-buti naman ang pakiramdam niya nang makakain nito. Ininom niya rin ang gamot para mabawasan ang sakit ng ulo niya. Sa sobrang sakit kasi ng ulo niya ay pakiramdam niya umiikot ang mga bagay sa paligid niya.
Umakyat siya sa itaas at nakita niya ang kuya niyang nakahiga sa kama niya at mukhang malalim ang iniisip.
"San ka galing kagabi?" bungad niya at napansin na halos mapatalon sa gulat si Daniel.
"S-Sa bar lang."
"Mag isa ka?" hindi niya alam pero bigla siyang nacurious sa pagkaka uneasy ni Daniel at pagkaka utal nito.
"Kasama ko sila Kats." sagot nito kaya tumango nalang si Jon.
Chineck niya ang cellphone niya at nakita niya agad ang picture ni Kathryn sa lock screen niya kaya agad din niya itong inilagay sa mesa.
"Bakit ka naglasing?" tanong na kuya niya kaya napalingon siya rito. Mataman itong nakatingin sa kanya at mukhang binabasa ang iniisip.
Pumikit siya nang mariin--- somethimg he has in common with Daniel. Ngumiti siya nang malungkot pagkadilat niya at tiningnan ang kapatid. "B-Binasted niya ako."
Nagulat siya nang makitang mukhang hindi nagulat si Daniel sa narinig. Na parang hindi nga ito nagalaw.
Umupo siya sa tabi ng kuya niya. "Sabi niya pa na ayaw niyang umasa ako kaya binasted niya ako. Putangina, ang sakit sakit Kuya." wika niya sabay kuyom sa kamao niya habang nangingilid ang luha niya.
"Pucha, umasa ako na sa simpleng mga ginagawa ko sa kanya, kaya niya ako mahalin. Umasa na ko Kuya bago niya pa ako sinabihan." liningon niya si Daniel and for a moment, nakita niyang sumagi ang sakit at guilt sa mga mata nito.
Kumunot ang noo niya sa pagtataka sa ekspresyon na ipinakita ng kapatid. Pero pinagpatuloy niyang magsalita. "Tinanong ko Kuya kung may iba ba. Kung may iba siyang gusto." naramdaman niya ang paggalaw ni Daniel. "Sabi niya wala. Wala."
Nanahimik sila pareho sandali bago binasag ni Daniel ang katahimikan. "And you believe her?" nagulat siya sa tanong nito.
Umiling siya. "No. Alam kong may gusto siyang iba. Hindi ako manhid."
On the other hand, nang marinig ito ni Daniel ay lalong kinain ng guilt, awa at sakit ang sistema niya. Gusto niyang sabihin sa kapatid ang lahat but he promised Kath. Alam niya ding may rason si Kathryn kung bakit ayaw niyang ipagsabi muna ito.
Kinabukasan ay araw ng skwela, hindi alam ni Kathryn kung papasok ba siya o hindi. This is going to be the first time na makikita niya si Jon after she broke his heart. But she knows kailangan niyang harapin ito. Kinausap niya rin si Daniel through phone at kinulit niya kung kamusta na si Jon. Malungkot daw ito nang sobra to the extent na naglalasing ito, she cant help but feel guilty about it.
Pumasok siya and her morning classes went well and normal. Alam na rin ni Julia lahat pero ayaw niya rin munang ipagsabi ito sa ibang tropa. It's not like pinagtataguan niya ang mga ito pero sa tingin niya, mas maganda kung konti lang muna ang makakaalam. This is her way of helping Jon out, helping him heal and move on.
Nang maglunch ang tropa ay wala si Jon.
"Where is he?" tanong niya kay Daniel na umupo sa tabi niya.
Nagkibit lang ito nang balikat. Hindi naman sila masyadong naging sweet at nagpahalata na sila na sa tropa. Just the usual.
Nang sumapit ang alas tres ng hapon ay nakita ni Kathryn si Jon sa soccerfield. Malayo ang tingin, mukhang malalim ang iniisip.
Lumapit siya dito at tinawag ito subalit isang lingon lang ang ginawa nito bago naglakad paalis. Hahabulin niya sana kaso may humila sa kanya.
"Dont chase him. Let him be." boses palang, alam niyang si Daniel na yung humila sa kanya.
"I just want to talk to him and say sorry again. "
"Pabayaam mo muna siya. Forget about your issues with him first, come with me."
______________________________
END OF CHAPTER 43. This is boring, I know. Wala ako sa mood :( But anyways, malapit na po itong matapos. I guess, 7 chapters left. Haha.
Anyways, be ready for the upcoming chapters. May ikagugulat kayo. Chos. Till my next update. Lovelots!